QW

17.5K 470 29
                                    

"HELLO, HIJA." Nakipagbeso si Miss Wyette sa akin pagkatapos kong magmano sa kanila ni Sir Javier. They are both smiling gently at us na para bang tuwang-tuwa na makita kaming magkasama, especially when Jamie grabbed my hand and intertwined it with his.

Napatingin ako sa aming magkasugpong na mga kamay at mahinang napasinghap. I filled my lungs with air upon feeling my heart race against my ribcage. Ang init ng palad ni Jamie. I could already imagine what it would feel like if his hands roam around my body. Shocks. Bakit ganito na naman ang takbo ng utak ko?

"Ang sweet," wika ni Miss Wyette at sumandal sa dibdib ni Sir Javier.  Bumaling ang tingin ko sa kanila. I forced a smile. Sus, kung alam lang nila.

"Pasok na tayo nang makakain na. Jester is here. Busy sina Jaycee at Jackson," Sir Javier stated at sabay silang pumasok ni Miss Wyette sa loob. We followed them. So, apat pala silang magkakapatid? Sino kaya sa tatlong binanggit ni Sir Javier ang bestman ni Jamie no'ng araw ng kasal namin?

Natigil ang aking pag-iisip nang makita ang loob ng bahay. The lights are warm at nanggaling ito sa malaking chandelier na nakasabit sa high ceiling. Pansin kong pareho lang ang style ng interior nina Miss Wyette at bahay namin ni Jamie pero mas homey ang dating ng bahay ng parents niya. Bahay namin ni Jamie. That sounded. . . weird.

I shrugged it off. Wala kaming imikan ni Jamie at nanatiling magkasugpong ang aming mga kamay. Not too loose, but also not too tight. Tamang-tama lang. It was as if our hands are made for each other. Our fingers fit in the right places.

"Kuya." 

Nag-angat ako ng tingin nang may tumawag kay Jamie. His voice sounds so deep, but I can still sense gentleness on it. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kung sino ang nasa aming harap. Siya ang bestman ni Jamie!

Dumako ang kanyang tingin sa akin. He gave me a smile and nodded his head. "Ate," saad niya. We didn't get the chance to have a small talk during the wedding. Basta, ang alam ko, no'ng kinasal kami ni Jamie, halata ang antok sa kanyang mga mata na para bang kakagising lang at lutang siya sa mga pangyayari. Ginantihan ko siya ng ngiti.

"Jester," I said his name. Kita kong napangiti siya nang malawak.

"You look so much beautiful ngayong mas naaninag ko na ang mukha mo, ate. 'Di ko nakita noon kasi natatakpan ng veil." May galak sa kanyang boses. Humigpit bigla ang hawak ni Jamie sa aking kamay kaya tiningala ko siya. I heard him grit his teeth, making me confused. Nagtagis pa ang kanyang panga at matiim siyang nakatitig kay Jester. Ano naman kaya ang ikinagalit niya?

"Shut up. She's mine." Jamie snaked his right arm around my waist. Nanlaki ang aking mga mata at muntik na akong mapasinghap. Nagbigay iyon ng kakaibang kilabot sa buo kong pagkatao. Why is he becoming possessive? Parte ba ito sa acting namin?

Mas lumawak ang ngisi ni Jester nang marinig ang sinabi ni Jamie. Muli siyang bumaling sa akin. Malaya kong napagmasdan ang kanyang itsura dahil do'n. He got thick eyebrows and pointed nose. Pareho sila ng mga mata ni Jamie.

"I've heard you're still 26, and so am I. Is it okay if I drop the formalities? I'll call you Nathalie instead," Jester stated, followed by a smirk. Magsasalita na sana ako nang bigla akong hinila ni Jamie patungong kusina na para bang naiinis. Rinig ko ang halakhak ni Jester na talaga bang sinadyang inisin si Jamie. 'Di na lang ako umimik. Pinapaselos niya ba si Jamie? Pero imposible namang magselos si Jamie. That was just a part of the show.

"What's with that murderous look, son? Bakit ang tagal niyo? Have you met Jester?" sunod-sunod na tanong ni Sir Javier na nakaupo at katabi si Miss Wyette. The servants put the dishes on the table pero hindi roon nakatuon ang aking atensyon. Pinapakiramdaman ko ang lalaking katabi ko. Grabe, his acting looked so real.

Unexpected ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon