QI

16.9K 563 56
                                    

"THANK YOU for bringing me here."

I couldn't forget Jamie's words and the way he planted a kiss on my cheek. Although, alam kong parte lang 'yon sa pagpapanggap, still, his actions made my heart leap. Hanggang ngayon, laman pa rin ng aking utak ang kaganapang iyon.

Napapikit ako nang mariin at tinampal ang aking noo. Hindi ako pwedeng magpadala sa kanyang mga salita at kilos na pawang pagpapanggap lamang.

Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Nakauwi na kami and we had a lot of fun especially Jamie. Halata talaga ang saya sa kanyang mukha. Well, maganda naman talaga rito sa Bohol at may mga magagandang pasyalan din. Hindi nakakapagtakang tuwang-tuwa siya. Isa pa, I think this is his first time to experience a real vacation, 'yong tipong talagang gagala siya.

"Ate, tawag ka ni Kuya Jamie." Uminom muna ako ng tubig at nilagay ang baso sa sink bago hinarap si Chin. I gave her a skeptical look. Bakit naman ako tinawag ni Jamie? Anong kailangan niya sa akin?

"Nasaan si kuya mo?" tanong ko na lang. Tinuro niya naman ang terrace. Hinugasan ko muna ang pinag-inuman ko bago nagtungo roon. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin?

Nakita ko siyang nakaupo sa kawayang upuan habang nakatingala. Nakatingin siya sa mga bituin at nililipad ng preskong hangin ang kanyang buhok. Jamie looks so peaceful. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

Bumuga ako ng hangin nang maramdaman ang pagtambol ng aking puso. I should kill this love before it kills me, too. Naks, BLink.

Ipinilig ko ang aking ulo at pilit iniwaglit sa aking isipan ang puso kong kumakarera. I cleared my throat. Jamie turned to me.

"Tinawag mo raw ako?" I asked him. Nanatili akong nakatayo. I don't know where to sit. Should I sit beside him? Pero baka magalit siya. Bwiset pa naman 'tong kumag na 'to.

He tapped the space beside him. Hindi ko naitago ang aking gulat. Does he really want me to sit beside him? Eh, hindi nga niya ako gustong makasabay sa pagkain and then, this? Seryoso, tinubuan yata siya ng tatlong itlog.

"Come here, Nat," wika niya nang mapansing nakatayo pa rin ako. Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi. I made sure there's a space between us at kahit na gano'n, ramdam ko pa rin siya. I can still feel his warmth. Shocks. Iba na yata 'tong epekto ni Jamie sa akin potek.

For a minute, walang nagsalita sa amin. Nanatili siyang nakatingala. Wala pa rin akong ideya kung bakit niya ako pinapunta rito. Ano, magrereklamo ba siya? Gusto niya na bang umuwi? Edi, umuwi siyang mag-isa!

"Thank you."

Natigilan ako nang marinig ang kanyang sinabi. Okay. That was. . . unexpected. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Why is he thanking me?

Para namang nabasa niya ang nasa isip ko dahil ipinagpatuloy niya ang pagsalita. "I realize, it's really good to explore some places. Every time I go to business trips, I always stay in the hotel. Hindi ako lumalabas. I thought it's a waste of time, pero hindi pala," mahabang wika niya. Nanatili lang akong tahimik. Si Jamie ba talaga 'tong katabi ko? Ba't ibang tao yata? Ngayon lang 'ata kami nagkaroon ng matinong pag-uusap.

Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko. "You should take time to rest, you know. Hindi lang naman kasi paghihilata ang definition ng 'rest'. Exploring places makes you see the wonders of the Creator's creation. Some also sees it as a way to find themselves," I replied. Sa gilid ng aking mata, kita kong umangat ang isang sulok ng kanyang mga labi. Mahina siyang napatango-tango.

"You're right. When I will be free of this marriage, I'll find a woman to love and explore places with her and our children." May namuo na bikig sa aking lalamunan nang marinig ang kanyang sinabi. My heart clenched in pain and tears threatened to swell in the corners of my eyes. Putangina. Hindi naman siya masakit. Hindi talaga. Para lang akong kinagat ng dinosaur.

Unexpected ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon