UNTIL NOW, it still feels surreal. My heart swell in joy as I caress my belly. Ang isa ko namang kamay ay nakahawak kay Jamie. We were walking along the streets of Münstergasse and the crowd is busy as ever. Malamig na rin ang simoy ng hangin dahil gabi na. Kaya pala ang takaw-takaw ko at ang lakas ng cravings ko sa sweets. Nagiging antukin na rin ako at parating nahihilo. Buti na lang, hindi ako nagsusuka tuwing umaga.
Humilig ako sa balikat ni Jamie. I yawned. Ang sarap dito sa Switzerland or should I say, Münstergasse. Para kasing binabalik ako sa 15th century dahil sa mga narrow na alley at streets nito. Kita ko ang pagtingin ni Jamie sa akin.
"Gusto mo na bang matulog?" Napatingin ako sa relong pambisig. It's still seven in the evening. The night is still young pero antok na antok na ang pakiramdam ko. Gusto ko nang matulog pero ayaw ko ring gawin iyon. Napanguso ako. Ayan na naman. Nalilito na naman ako kung ano talaga ang gagawin ko. Kung matutulog ba ako o hindi.
In the end, I shook my head. "Punta tayo sa terrace ng kwarto natin, Jamie. I want to talk." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He smiled at me and pinched my cheeks. Talagang pinanggigigilan niya ang aking mga pisngi na ikinanguso ko. Pakiramdam ko tuloy, nagsimula na akong tumaba.
"As you wish, hon." Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo. Napangiti naman ako. Sobra-sobra na ang nadama kong kapayapaan. Minsan, mapapatanong na lang talaga ako kung totoo ba 'tong mga naranasan ko ngayon. Ang sarap kasi sa pakiramdam, eh. Parang noon, panaginip ko lang 'to pero ngayon, abot-kamay ko na.
I let out a dreamy sigh as I and Jamie went back to Marktgasse Hotel. Jamie pushed the right glass door and we went inside. Naramdaman ko ang pagbaling ni Jamie sa akin nang madaanan namin ang Delish.
"Do you want to buy something?" tanong niya pa at huminto pa kami sa tapat. I shook my head. Naisip ko ang mga gummy candies na binili namin sa Bärenland kanina. Ang dami na no'n. Isa pa, 'di ko trip kumain ng desserts ng Delish ngayon. Busog na rin ako dahil kaka-dinner lang namin ni Jamie sa Dialog, isang cafe na nasa Münstergasse.
"That's new," natatawang ani ni Jamie kaya kinurot ko siya nang mahina sa tagiliran. Nagpatuloy kami sa paglalakad. New pala, ha. Parang sinasabi niya na paulit-ulit na lang akong kumakain ng desserts doon. Totoo naman.
"Huwag mo nga akong asarin. Swerte ka, 'di ako masungit magbuntis," saad ko sa kanya. Mula sa pagkakahawak sa aking kamay, he wrapped his arm around my shoulders.
"Nah, kahit masungit ka pa magbuntis, swerte pa rin ako. Ikaw ang ina ng anak ko, eh." Napanguso ako upang pigilan ang aking ngiti. Ayan na naman ang banat niya na talagang nagbibigay kiliti sa aking puso. Jamie's words never fail to sweep me off my feet. Pakiramdam ko nakalutang ako sa alapaap.
"Che! Sweettalker," nakangiti kong saad. Kapag kasama ko si Jamie, hindi talaga mapuknat ang ngiti ko sa mga labi. Ewan. Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong mahal mo.
"Yep, and you love sweets. I love you, too, hon," natatawang saad niya na ikinairap ko. Mahina ko siyang hinampas sa braso.
"Feeler," saad ko habang papasok kami ng elevator. Pinindot naman ni Jamie ang floor ng room namin and when we got there, kaagad kaming pumasok sa aming kwarto. Nang makita ang kama, agad akong nakaramdam ng pagod. Parang gusto kong humilata. Forget the terrace. Sa kama na lang pala.
Napatingin ako kay Jamie no'ng binaba niya ang zipper ng aking coat. He took off my coat and put it on the rack pagkatapos ay binuhat ako na ikinatili ko. Tawa naman siya nang tawa. Ano na naman ang trip niya?
He put me on the bed and took off my shoes. Kinuha niya ang isang paa ko at marahan itong minasahe. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Ah, it feels so soothing. Alagang-alaga talaga ako ni Jamie. Napangiti ako sa isipang iyon. Nakakataba ng puso.
"Thank you, Jamie, for taking care of us," pagpapasalamat ko. He glanced at me and gave me a smile. Kumabog nang malakas ang aking puso dahil sa ginawa niyang pagngiti.
"Syempre, mahal kita." Kinagat ko ang ilalim ng aking pisngi upang pigilan ang pagsilay ng aking ngiti. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Paano kaya ako minahal ni Jamie? The urge to hug him shot through me.
"Jamie, tabi ka nga sa akin. Gusto kitang yakapin," wika ko at tinapik ang space sa aking gilid. Kita kong natigilan siya at napakurap. Kalauna'y napatango-tango siya at hinubad muna ang kanyang coat at sapatos bago ako tinabihan.
Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib and Jamie wrapped his arms around me. Ah, peace. Naririnig ko pa ang tibok ng kanyng puso. Our hearts are synchronizing and I can't help but smile.
"Jamie?" He hummed as a response as he caressed my back. I went on, "Paano mo nalaman na mahal mo na pala ako?" Natigilan siya sa narinig na tila ba iniisip ang sinabi ko. He let out a sigh and continued caressing my back.
"The day I got sick, and you took care of all my reports. Doon nagsimula. At first, I was confused because it was my first time to feel those things. Aside from that, I couldn't accept the fact that it only took one woman to make me break my rules one by one." Kumunot ang aking noo nang marinig ang kanyang sinabi.
"Rules?" He pinched my nose. He said nothing and just went on,
"Do'n mas nagiging malinaw ang lahat sa akin nang hiniling mo na maging exchange secretary ni Mr. Salvacion. Magkaedad lang kayo no'n, eh. Nagseselos ako. Ayoko. So I planned this. I drugged you and brought you here with me. When you talked to my parents and you caught me eavesdropping, nagkatitigan tayo. I was looking into your eyes and there, I saw a future of rainbows and sunshine."" Napangiti ako nang malawak sa narinig at parang kiniliti ang aking tiyan. Shocks! Ang sarap pakinggan! Ramdam ko ang pangingilid ng aking mga luha dahil sa tuwa. Warmth filled my heart that it brought tears to my eyes. Sinundot ko ang kanyang tagiliran.
"Iyon na yata ang pinakamahabang 'I love you' mo," natatawang saad ko at pinahiran ang aking mga luha. Jamie chuckled beside me. Naramdaman ko pa ang pag-vibrate ng kanyang dibdib at rinig ko pa rin kung gaano kalakas ang tibok ng kanyang puso.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya and to my surprise, his gray eyes are staring at me, too. And when his eyes glistened, it was like seeing the entire sky with all its constellations. Punong-puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata.
Umupo ako nang maayos. Sinusundan niya pa rin ako ng tingin. Kinuha ko ang kanyang kamay. I guess, it's time.
I placed his palm against my beating heart. Kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata at ang pag-awang ng kanyang mga labi. Nagsimulang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Tila ba hindi siya makapaniwala at tila nasa isa siyang panaginip habang nakatitig sa akin.
"Jamie?" Nakatitig pa rin ako sa kanyang reaksyon. Bumakas ang kaligayahan sa kanyang mga mata at kita ko ang pagtulo ng kanyang luha.
"Y-Yes?" kapos-hininga niyang saad. He gulped and I smiled. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakapit sa kanyang kamay na nakadikit sa aking dibdib. Tears fell from my eyes.
"It's time for my heart to scream."
-----
15 votes ulit para post ko POV ni Jamie ngayong gabi HAHAHSHAJHAHAHA SALAMAT MGA SIS
BINABASA MO ANG
Unexpected Proposal
RomanceMendoza Brothers Series #1: Jamie Wren R. Mendoza Her groom ran away before the wedding started. . . so she proposed to someone who unexpectedly turned out to be her new boss. ----- Nathalie D. Cruz is about to get married. She's gonna marry the man...