“HON, WAKE up.” Umungot ako no’ng may yumugyog sa akin. Kumunot ang aking noo at hinampas ang kamay na nakahawak sa aking balikat. Gusto ko pang matulog! Ano ba ‘yan!
Narinig kong humalakhak si Jamie sa aking tenga at hinalikan ako sa pisngi. Naramdaman kong muli siyang humiga at niyakap ako. Kumalma naman ako. I suddenly feel comfort and at peace. His hand is caressing my stomach. Napangiti na lang ako at muli sanang matutulog nang hinalikan ulit ako ni Jamie sa pisngi.
“Honey, it’s already ten in the morning. You need to eat.” Ano raw? Alas-diyes na? Kinusot ko ang aking mga mata at tiningnan si Jamie sa aking tabi. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Kinurot niya ang aking ilong na ikinasimangot ko. Tinabig ko ang kanyang kamay kaya muli siyang napahalakhak.
“Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya at umupo sa kama. Gano’n na lang ang aking gulat no’ng umiling-iling siya habang hinahaplos ang aking likod. Hinampas ko naman siya sa dibdib at sinamaan siya ng tingin. “Bakit hindi ka pa kumain? Paniguradong gutom ka na!” Hinalikan niya ang aking sentido.
“Hinintay kitang magising. Kanina pa kaya kita ginigising pero tulog ka pa rin,” nakangiting ani niya. Napakamot ako ng kilay at napanguso. Mukhang napagod talaga ako sa ginawa naming pag-uusap kagabi. Tumambay lang naman kami sa terrace ng hotel and we talked all night. Ang sarap sa pakiramdam. Isabay pa ang city lights ng Zürich at ang malamig na hangin.
“Sorry, Jamie. You should have eaten first.” Tumayo na ako sa kama. Jamie shook his head. Sabay naman naming inayos ang kama.“It’s okay, hon. I understand.” Lumapit siya sa akin at pinagsugpong ang aming mga kamay. “Tara na. Do you want to eat at Delish again?” Sunod-sunod naman akong tumango sa kanya. Napangiti ako nang malawak. Gusto ko kasi talaga roon, eh! Ang sarap ng pagkain nila lalo na ang nutritious shakes. Gusto ko rin ‘yong desserts nila.
Naglakad na kami papalabas sa kwarto pagkatapos naming magbihis. Nang makarating kami sa elevator, isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Jamie. He wrapped his arm around me. Inaantok pa rin talaga ako at medyo nahihilo. Baka siguro sa elevator.
Jamie just caressed my back and when the elevator opened, inalalayan niya akong lumabas. “Nahihilo ka ba?” tanong niya. I just nodded as a response and yawned. Jamie let out a chuckle and kissed the top of my head. Naglakad na kami papunta sa Delish at muling bumalik ang excitement sa aking puso. Ano na naman kaya ang kakainin ko ngayon?
Umupo pa rin kami sa harap ng glass wall kung saan kami umupo kahapon. Naaaliw kasi akong tingnan ang mga tao na maglabas-masok sa COS, eh, pati na rin sa Guess. The streets are really narrow at maraming mga alley lalo na sa pagitan ng mga buildings. It gives me the old town vibes. Well, old town naman talaga ang Marktgasse.
Binuklat ko ang menu at hindi pa man nagtanong si Jamie ay sinabi ko na ang aking order, “Gusto ko nitong Bacon quiche, sandwich au porc, mango lassi shake, cinnamon rolls, at itong banana protein pancakes, Jamie.” I smiled widely. Jamie chuckled heartily and nodded. Napapalakpak ako nang mahina. Nai-imagine ko pa lang ang mga pagkain, natatakam na ako. Shocks!
Tumayo si Jamie at nag-order na habang ako ay nakatingin lang sa labas. Napaisip tuloy ako, kailan kaya kami uuwi sa Pilipinas? Mukhang sobrang dami na ng nagasto ni Jamie rito, eh! Sa hotel pa lang, halatang sobrang laki na. To think na araw-araw ang bayad no’n at one week na kami rito! Tapos, mahal pa itong mga pagkain sa Delish.
Sa isipang iyon ay ‘di ko mapigilang mapaluha. Baka naman maba-bankrupt na si Jamie dahil sa sobrang takaw ko? Kung uuwi na lang kaya kami sa Pilipinas? Mas lalo akong napahikbi. Pero ayaw ko pa, eh! Ano ba talaga? Nalilito na ako!
Suddenly, someone tapped my shoulder. Napalingon naman ako. It’s a guy with a black curly hair at halatang taga-rito. May itsura rin pero mas pogi ang Jamie ko.
“Warum weinst du?” Tumagilid ang aking ulo nang marinig ang kanyang sinabi. I gave him a skeptical look. He handed me a clean tissue. Sa Delish pa iyon. Nilagay niya iyon sa kamay ko nang mapansing hindi ko iyon tinanggap.
“Putangina, ano?” Talaga kasing hindi ko maiintindihan, eh! Ano ba ang pinagsasabi niya?
“Du sprichst kein Englisch?” Mas lalong kumunot ang aking noo. English lang ang naiintindihan kong sinabi niya! Baka tinatanong niya kung marunong ba akong mag-English?
“Yes? I can speak English?” patanong na pagkasagot ko. Kasi naman, hindi ako sigurado kung ‘yon ba ang ibig niyang sabihin! Tumango-tango naman ang lalaki nang marinig ang sinabi ko at umawang pa ang kanyang mga labi.
“Oh, you can. Me Leon. I saw you cry I hand you tissue,” he said. Tinuro niya pa ang tissue na nasa kamay ko. He has a thick German accent. Kulang-kulang ang English nito pero understandable naman. I gave him a smile.
“Thank you, Leon. That’s very thoughtful of you.” Sinuklian niya lang ang aking ngiti at tumango. Biglang dumating si Jamie kaya napatingin kaming dalawa sa kanya. Kita kong may bahid na inis ang kanyang mga mata pero bigla iyong nawala nang makita ang luhaan kong mukha.
“Your wife cry. I hand tissue,” Leon said and stood up from his seat. He tapped Jamie’s shoulder before turning his back to leave. Pinahiran ko naman ang aking mga mata gamit ang tissue na binigay sa akin ni Leon. Umupo naman si Jamie sa aking tabi at tiningnan ako. Bakas ang pag-alala sa kanyang mukha.“Why did you cry, hon? May problema ba?” nag-aalalang tanong niya na ikinanguso ko. Sasabihin ko ba? Kasi baka kung hindi, mas lalong mapapahaba ang stay namin dito!
“Jamie, kailan tayo uuwi ng Pilipinas? Ang mahal na kasi ng nagasto mo rito sa Switzerland, eh, tapos ang takaw-takaw ko pa.” Napahikbi ako pagkatapos kong sabihin iyon. Kita kong napatampal ng noo si Jamie nang marinig ang sinabi ko na para bang hindi makapaniwala na pinoproblema ko iyon. Eh, bakit ba? Pakiramdam ko tuloy, sobrang pabigat na ako kay Jamie.
He caressed my cheek. “Hon, don’t worry about that, okay? Fully paid na ang hotel and we will leave next week. We still have a week to explore Switzerland. Tungkol naman sa pagkain, don’t worry. You can eat all the foods that you want to eat.” Pinahiran niya ang aking mga luha. Mas lalo akong napaiyak. Sana pala, dinamihan ko na ang in-order ko kanina. Char!
Napasinghot ako at hinampas siya sa dibdib. “Kasi naman, eh, ang laki-laki na ng nagasto mo para sa akin! Nahihiya na ako sa ‘yo.” Napanguso ako pagkatapos kong sabihin iyon. Napangiti siya nang makita ang aking reaksyon. Pinanggigilan naman ni Jamie ang aking pisngi.
“Ba’t mo ba pinoproblema iyon? It’s my responsibility to give you what you deserve, okay? You can eat all the desserts that you want to eat here at hinding-hindi ako mamomroblema. Para namang hindi mo kilala ang kaharap mo,” he playfully said and wiggled his brows. Napangiti na lang ako at napairap. Sus! Edi siya na! Sana all na lang talaga.
“Ang yabang naman! Edi ikaw na mayaman!” nakangiting ani ko. Shocks, I really have a sweet tooth. Gustong-gusto ko ng desserts at lalong umigting iyon kaya nga ang dami-dami ng in-order kong desserts. Hindi ko alam kung bakit. Baka kasi masarap ang mga desserts dito.
“There, nakangiti ka na. Huwag mo nang alalahanin ‘yon, hon. Ayokong ma-stress ka.” He tucked some loose starnds behind my ear. Sunod-sunod naman akong napatango.
“Thank you, Jamie, ha?” pagpapasalamat ko. Napangiti siya nang malawak at nagwala na naman ang puso ko. Ano ba! Simpleng ngiti lang ni Jamie para na akong mababaliw!
“Anything for you, hon. I love you.” Napangiti ako dahil do’n at mas lalong nagwala ang aking puso sa narinig. Gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero huwag muna. Magpapakipot muna ako. Hehe.
Tumayo ako at niyakap ang kanyang leeg. I kissed his cheek. Ramdam ko pang natigilan siya at narinig ko ang paghigit niya ng hininga dahil sa ginawa ko. I cupped his cheek and stared into his eyes. Kita kong napalunok siya habang nakatitig sa akin.
“Jamie, malapit na,” wika ko at kita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata. Bahala siyang isipin kung ano ang nais kong ipahiwatig.
Malapit na akong maging handa na isigaw ang matagal ko nang nararamdaman para sa ‘yo.
-----
Early upd8 ulet HAHSHAHAHAHAHAH SI NAT MUNA PA HARD TO GET NGAYON. MAMAYA NIYA NA GAGAWING HARD SI JAMIE CHAR 15 VOTES ULIT MGA SISMARS SALAMAT
BINABASA MO ANG
Unexpected Proposal
RomanceMendoza Brothers Series #1: Jamie Wren R. Mendoza Her groom ran away before the wedding started. . . so she proposed to someone who unexpectedly turned out to be her new boss. ----- Nathalie D. Cruz is about to get married. She's gonna marry the man...