“ITO PO pala ‘yong debit card. Wala po akong kinuha r’yan, sir.” Inilapag ko ang debit card sa mesa ni sir Javier. Katabi nito si miss Wyette at kapwa kunot-noong nakatingin sa debit card na para bang naging rabbit iyon. Kinamot ko ang aking kilay. Mukhang gusto pa ‘ata nilang i-magic ko ang debit card.
Kinuha ni miss Wyette ang debit card at tiningnan ito pagkatapos ay lumipat ang tingin nito sa akin. “Why? This is our gift for you,” ani pa nito na tila ba ayaw makapaniwala na hindi ko ‘yon ginamit. Napangiwi ako. Nakakahiya naman kasi.
“Hindi po kasi ako sanay na gamitin ang perang hindi ko po pinaghirapan. Isa pa, that’s too much for a gift po. Okay na po sa akin ‘yong pinayagan niyo po akong maging exchange secretary sa Switzerland. Pangarap ko po kasi talagang makapunta roon,” mahabang lintaya ko.
Napatango-tango naman si miss Wyette at nilapag ang debit card. Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lang at hindi nila ipinilit ang debit card sa akin kasi talagang hinding-hindi ko iyon matatanggap.
“How’s Jamie?” Bumaling ang tingin ko kay sir Javier. Seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nagbaba ako ng tingin at magsasalita na sana nang maunahan niya ako,
“Again, if he did something to you, tell us and we're gonna transfer his inheritance to you.” Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Natahimik kaming lahat. I gulped. Sunod-sunod akong umiling.
“Nako, hindi po. Sa katunayan, okay na okay nga po kami, eh. We went to Bohol and he met my family. Siya rin po ang nag-insist na ihatid ako rito at sa airport,” sunod-sunod kong sabi. Well, partly true. Sinaktan naman kasi talaga ako ni Jamie no’ng una, eh, pero nakita ko naman na nagbago siya simula no’ng nagpunta kami sa Bohol. Napaisip tuloy ako, kung hindi siya sumama sa akin no’n sa Bohol, magbabago kaya siya?
Napatango-tango naman ang mag-asawa at halata ang tuwa sa mga mata nito. Napangiti tuloy ako. Ang cute kasi nilang tingnan, eh.
“Buti naman at nagbago na ang anak ko,” sir Javier said, followed by a light chuckle. Hahays. Buti na lang talaga tumino. Kung hindi, aba, talagang isusumbong ko sa parents niya ang mga pinanggagawa niyang kalokohan. Char lang! Ayokong kunin ang mana niya.
“Ikaw lang pala ang makapagpatino sa anak namin, hija,” natatawang ani ni miss Wyette. Napakamot na lang ako sa aking ulo at pinigilan na huwag mapangiwi. Hindi naman. Choice niya talaga ang magbago. Matino naman talaga si Jamie, eh, sa tingin ko. Nadala lang talaga siya sa galit no’ng sinabi ng parents niya na sa akin ililipat ang kanyang mana.
“Welcome to the family, Nathalie,” komento pa ni sir Javier at may malaking ngiti sa mga labi. Warmth shot through my heart. Ang sarap pakinggan. “When you come back from Switzerland, we will have a mini celebration with my sons. You haven’t met Jaycee and Jackson, right?” Sa pagkakaalam ko kasi, apat silang magkakapatid at puro lalaki. Si Jamie ang panganay. I saw some of their family pictures in the living room. Lahat, may itsura. Umiling naman ako.
“Si Jester lang po,” saad ko. Hindi ko pa talaga nakikita ang dalawa and Jamie doesn’t talk to me about them. Rinig kong napapalatak si sir Javier at mahina naman siyang kinurot ni miss Wyette.
“Those two. Mukhang bini-busy talaga ni Jaycee ang sarili kung paano i-handle ang publishing company namin. Jackson is currently studying law in Harvard,” pagku-kwento ni sir Javier at nagpakawala pa ng buntonghininga.
“I’ll make sure uuwi sila rito next month upang mag-bakasyon. They’re stressing themselves,” ani pa ni miss Wyette at naiiling na napasandal sa dibdib ni sir Javier. Hinalikan naman ni sir Javier ang tuktok ng ulo ni miss Wyette. ‘Di ko tuloy maiwasang hindi kiligin. Ang sweet nila!
BINABASA MO ANG
Unexpected Proposal
RomanceMendoza Brothers Series #1: Jamie Wren R. Mendoza Her groom ran away before the wedding started. . . so she proposed to someone who unexpectedly turned out to be her new boss. ----- Nathalie D. Cruz is about to get married. She's gonna marry the man...