WR

17.1K 578 13
                                    

"HOY, BITCH. Alam mo, 'yong tita ko, nag-talk tungkol sa company nila. 'Yong isang branch ng JW. Need daw ng Filipino secretary 'yong boss because he's working on a new project which involves Filipino customers. Ayon, gusto yata ng boss nila na ito ang mag-adjust. Filipinos can speak English fluently, duh?" pagku-kwento ni Natasha. Kapwa kami napatingin ni Hill sa kanya. Bigla naman kaming na-intriga sa kanyang sinabi.

"Saang country?" tanong ko at saka humigop ng sabaw. "Contracted ba?" pagpapatuloy ko pa. Kumain muna si Natasha at tumigil ng ilang sandali na para bang nag-iisip. Nanlaki ang kanyang mga mata sa tuwa na para bang may naalalang maganda.

"Contracted. Six months. Guess kung saang country. Ang makakahula, may kiss sa akin."

"Ew," ani ni Hill at napangiwi pa. Hinampas naman siya ni Natasha sa balikat na ikinatawa ko.

"May pa ew-ew ka pa r'yan." Pinanlakihan pa siya ni Natasha ng mga mata. Hindi ko na lang pinansin ang bangayan nila at iniisip kung anong country. Napanguso ako.

"Australia?" panghuhula ko. Napasimangot naman si Natasha at umiling-iling.

"Mali. Basta, matutuwa ka," ani niya pa at bahid ang galak sa kanyang boses. May kung anong sumipa sa aking dibdib. Posible kaya? Binundol ng emosyon ang aking dibdib. I cleared my throat.

"S-Switzerland?" I responded, almost breathlessly. Pumalakpak naman si Natasha at nanlaki ang aking mga mata. Tumindi ang emosyon sa aking dibdib. I suddenly feel adrenaline rush through my veins. Switzerland in six months. The fare is free.

"Dream place mo, Nat!" Niyugyog pa ni Hill ang aking braso. Hindi pa rin ako makapagsalita at parang naumid ang aking dila. May gustong kumawala na tili sa aking lalamunan na hindi ko mapakawalan. Shocks! Switzerland!

"Hinga, Nathalie!" natatawang ani ni Natasha na ikinakurap ko. "Ang Mendoza pa rin ang nag-manage. 'Yong branch nila sa Switz? Hindi ba pinaalam ni hubby mo sa 'yo tungkol d'yan?" Napangiwi ako nang marinig ang sinabi ni Natasha. Hubby? Ew. Ang cringe pakinggan. Hindi ko na lang siya sinita. Baka kasi may mapansin pa siya.

I shook my head. "Hindi, eh. Baka kay miss Flor niya sinabi but on the other hand, I doubt that. Alam niyo naman na hindi sila nagpapa-exchange kapag hindi pa umabot ng more than five months ang work experience sa JW," mahabang paliwanag ko na ikinatango nila. So that only means na ako ang capable at pwedeng-pwede sa posisyong iyon.

"Or maybe, they already plan to send someone pero sa different lang na branch. Try to convince sir Jamie. Baka pagbigyan ka," ani ni Hill at uminom sa kanyang soda. Napaisip ako sa kanyang sinabi. Jamie will surely agree, won't he? I mean, alam ko namang hindi niya ako gustong makita. Maybe, he will see that as a way to send me out for six months. In our situation, I will be the one who will benefit the most.

Bumaba ang aking tingin sa mga daliri kong nakapalibot sa aking soda. Kita kong nanginginig ang mga ito, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa excitement. Naiisip ko na ang sarili ko sa Switzerland. I've been wanting to go to Switzerland ever since I watched a video about its green fields and peaceful lakes. Ang payapa at calming kasi tingnan. I want to see that sight in person. I want to see the horizon stretch across the green fields. Nai-imagine ko palang, parang ang sarap nang mag-teleport.

"Uy, mukhang may excited oh," tudyo ni Natasha sa akin na ikinangiti ko. I just can't help it! My dream is within my reach already. Isiniksik ko sa aking utak na kailangan kong sabihan si Jamie tungkol d'yan. Sana naman, pagbigyan niya ako. I swear I'll do good. Well, I always do good.

Pagkatapos naming kumain, nagmamadali akong pumunta sa executive elevator at pinindot ang top floor. I hope Jamie is there. Sana rin, kinain niya 'yong binili kong pagkain para sa kanya.

Unexpected ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon