QQ

17.3K 476 13
                                    

"PREPARE YOUR things. Tomorrow, we're going to move to our new house. I'll pick you up."

Jamie's words rang inside my head. Hindi ito mawala-wala at paulit-ulit na gumagapang patungo sa kasulok-sulokan ng aking utak. We're going to live together. Napapikit ako nang mariin.

"Hello, ate? Nand'yan ka pa?" Napakurap ako nang marinig ang boses ng aking kapatid na si Chin. Oo nga pala. I called them a while ago para kumustahin sila.

"Hello, Chin. Nandito pa si ate. Baka next month ako makakauwi r'yan. Sobrang busy sa trabaho, eh. Natanggap niyo ba ang pinadala kong pera?" Sumandal ako sa couch at muling dumako ang aking tingin sa aking malaking itim na maleta. May malaking bag na nakapatong doon.

"Oo, ate. Thank you! Nga pala, ate. Pasok ako sa Dean's Lister!" natutuwang balita niya. Napangiti ako at umusbong ang aking paghanga para sa aking kapatid. Wow, worth it lahat ng sakripisyo ko.

"Naks naman! Galing ni Chin! Mana talaga sa ate," natatawang ani ko. Rinig ko ang kanyang paghagikhik. "Kasya ba ang pera pang-celebrate? Sabihin mo lang kung hindi. Magpapadala ako," I went on.

"Nako, ate! Okay na okay nga, eh. Sapat na ito, ano ka ba!" Sinundan ito ng hagikhik ni Chin na ikinangiti ko. "Ate, si mama gusto kang makausap." May narinig akong kaluskos sa kabilang linya.

"Hello, 'nak? Musta ka na r'yan? Kailan ka makakauwi rito? Si papa mo nasa kabilang bayan pa. Nanonood ng sabong. Alam mo naman iyon, basta usapang sabong talagang hinding-hindi makakatanggi," lintaya ni mama na ikinangiti ko. Buti na nga lang, sabong lang ang bisyo ni papa. Hindi ito umiinom at naninigarilyo.

"Kumusta 'yong manok natin, ma? Ano, isinali na ba ni papa sa sabong?" Marami kasing manok si papa, eh, pero hindi niya isasabong. Ani niya pa, kailangan niya pa ng mga techniques. Ewan ko na lang. May ganyan pala?

"Oo, 'nak. Isinabong niya kahapon. Ayun, panalo. 'Yong manok nga ng kalaban ang ginamit namin para sa celebration nitong si Chin. Dean's Lister, eh. Nagmana sa 'yo," mama said, followed by a light chuckle. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at 'di sinadyang mapadako ang aking tingin sa aking mga maleta. I sighed. Panandalian kong nakalimutan ang bagay na 'yon.

"Ma," I called my mother's attention. Hindi siya nagsalita. Mukhang ramdam niya ang pagiging seryoso ko. I closed my eyes.

"'Di ba, ikinasal ako two months ago?" Alam nilang ikinasal ako, pero 'di nila kilala ang lalaki. Napag-usapan kasi namin ni Jonathan na roon ko lang siya ipapakilala pagkatapos ng honeymoon namin. Honeymoon, my ass.

"Oo, 'nak. Sorry, 'di kami nakadalo. Malakas kasi ang bagyo rito sa probinsya. Ang sabi ni Shane at Maria, pogi raw 'yong napangasawa mo. Pakilala mo naman sa amin 'pag nakauwi ka na." Humagikhik si mama. Napangiti ako nang mapait. Kung alam lang nila. Buti nga 'di sila nakadalo at si tita Maria ang naghatid sa akin patungong altar. Tita Maria doesn't know a ton about Jonathan and I. Tanging si Shane lang.

"Pogi nga, ma." Pero masama naman ang ugali. Gusto ko sanang idagdag pero huwag na lang.

I let out a sigh and went on, "Baka next month pa kami makapunta r'yan. Busy lang po talaga sa trabaho, eh." Napahilot ako sa aking sentido. Totoo namang busy, eh, but I can surely go back to the province if I want to. Sa ngayon, ayaw ko pa kasi. Baka ano pa ang sabihin ni Jamie.

"'Wag masyadong subsob sa trabaho, 'nak, ha? Nakakamatay ang stress," wika pa ni mama na may halong pagbabanta. Napangiti ako at tumango kahit hindi niya naman nakikita.

"Opo. Kayo rin d'yan, ma, ha? Ingat kayo parati. Kapag may problema, tawagan niyo lang ako kaagad, okay? Love you!" Mas lalo akong nakaramdam ng pangungulila. Miss ko na ang pamilya ko.

"Labyu, 'nak! Ingat ka rin d'yan parati, ha? Dalhin mo pogi mong asawa next month." Humahagikhik pa siya. Natawa na lang ako bago tuluyang nagpaalam.

Napatingin ako sa kawalan. Maisasama ko kaya si Jamie? Pero baka aandar ang pagiging ma-attitude no'n! Pero surely, alam niya naman siguro kung paano pakisamahan ang parents ko? Sa dami ng taong nakasalamuha niya, imposibleng hindi.

Unexpected ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon