“TINGNAN MO, Jamie!” Tinuro ko ang giraffe. Ngayon lang ako nakakita ng giraffe! Nasa may puno ito at kinakain ang mga dahon! Nasa Zoo Zürich kami ngayon at masasabi kong sobrang laki ng Zoo na ito! Marami ring mga animals na halatang alagang-alaga talaga.
Niyakap ni Jamie ang aking bewang. He placed his chin on my shoulder. Napahagikhik ako nang maramdaman ang kanyang hininga sa aking tenga. Parang naramdaman niya naman iyon dahil hinipan niya ang aking tenga na ikinatawa ko nang malakas. Hinampas ko siya sa braso.
“Ang kulit mo!” natatawang ani ko sa kanya. Lumayo ako sa kanya at itinaas ang hood ng aking coat. Sa totoo lang, may araw rito sa Switzerland pero malamig pa rin ang hangin. Kapag nga nagsasalita kami, may fog na lalabas, eh. Talagang ang cool tingnan! Noon, napapanood ko pa ito sa kdramas ang mga ganitong eksena. ‘Di ko inakalang mararanasan ko na ito ngayon.
Pinisil ni Jamie ang aking ilong at matunog akong hinalikan sa pisngi. “Look.” Tinuro nito ang parte kung saan may mga gorilla at kita kong natawa ang mga turista nang makita ang isang gorilla na nagjajakol. Napahagikhik ako at natawa nang malakas no’ng kinain nito ang puting bagay na lumabas sa ari nito.
“Grabe! Gano’n pala ‘yon!” ‘di ko mapigilang komento. Marami pa ang kumukuha ng videos tungkol sa ginawa no’ng gorilla. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at itinapat ang camera sa amin ni Jamie. I tiptoed and wrapped my left arm around his neck. Ang isa naman ay nakahawak sa camera. “Smile, Jamie!” Ngumiti ako nang malawak at hinalikan naman ako ni Jamie sa pisngi. Nangingiting napairap na lang ako nang maramdaman ang pagtahip ng aking puso. Hays, Jamie and his ways.
Hinampas ko siya sa braso ngunit kinuha niya lang ang aking kamay at hinalikan iyon. “Kanina ka pa chansing!” saad ko sa kanya. ‘Yong mga tao naman dito, parang wala lang talaga. Mukhang sanay na talaga sila na makakita ng mga gano’ng bagay. Dahil do’n, nakampante na lang ako sa pangchachansing niya. Gusto ko rin naman, eh. Hehe.
Tiningnan ko ang kuha ng aking phone at napangiti nang malawak. I’m smiling at the camera and Jamie is kissing my cheek. Naramdaman ko ang pagyakap ni Jamie sa akin patagilid at ang paghalik nito sa aking sentido kahit na may suot ako na hood. Lihim akong napangiti. Shet naman, eh! Ang sweet niya!
“Ang cute natin,” ani pa nito. Marahan ko siyang siniko at bumelat.
“Ako lang kaya!” Muli nitong pinisil ang aking ilong. Ano ba ‘tong si Jamie! Ang hilig mamisil ng ilong! Napanguso ako at tinabig ang kamay nito. Jamie chuckled. Ang clingy niya sa akin! No’ng isang araw pa siya!
He intertwined our fingers. Napatingin naman ako roon. Hanggang ngayon, it still feels surreal. ‘Di ko inakalang ganito pala ang pakiramdam na mahalin pabalik ni Jamie. I smiled to myself as I tried to calm my raging heart.
Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang aking mga mata nang may madaanan kaming elephant. Mahina akong napasinghap at umawang ang aking mga labi. First time kong makakita ng elephant! Dalawa pa sila at sobrang laki! Ang cute nilang tingnan!
“Jamie, picture-an mo ako!” I squealed in delight and gave him my phone. Magpo-pose na sana ako nang bigla niya akong inakbayan at itinapat sa amin ang camera. Kuhang-kuha ang dalawang elepante sa likod! Ngumiti ako nang malawak at nag-peace sign. Kumuha pa si Jamie ng ilang shots bago tumigil. Tiningnan ko ang kanyang kuha at napangiti. Shocks. Para kaming mga mag-asawa na nasa honeymoon stage pa lang.
Haharapin ko na sana si Jamie pero napangiwi ako nang makaramdam ng pananakit sa aking paa. I brought my right feet to my hand and massaged it lightly. Kanina pa kasi namin iniikot itong Zoo Zürich. Talagang sobrang laki kasi, eh.
BINABASA MO ANG
Unexpected Proposal
RomanceMendoza Brothers Series #1: Jamie Wren R. Mendoza Her groom ran away before the wedding started. . . so she proposed to someone who unexpectedly turned out to be her new boss. ----- Nathalie D. Cruz is about to get married. She's gonna marry the man...