HINAWI KO ang makapal na kurtina na nakatakip sa bintana. It's snowing. Napangiti ako nang malawak at nagtitili ang aking kalooban. Ngayon lang ako nakaranas ng snow! Shocks! Kaya pala 'di masyadong malamig 'yong naramdaman ko kanina. Heater pala ang narinig ko na tumutunog, hindi aircon.
Pinagsawa ko ang aking mga mata sa mga nahuhulog na Snow at napatingin sa baba. The crowd is busy. Nasa city kasi talaga ang hotel na tinutuluyan namin. Muli akong napatingin sa kalangitan. Gusto kong lumabas! Gusto kong mag-ski or ice skate if meron man! I want to enjoy Switzerland.
Binalingan ko ng tingin si Jamie na ngayon ay nakahiga sa kama. Ang kanyang mga mata ay nakatutok sa kanyang pinapanood. Hubad ang kanyang pang-itaas na katawan. Hindi ba siya nilalamig o baka sinadya niyang akitin ako? Char! Anong pag-iisip ba 'to? Basta, hindi ako dapat maakit kay Jamie!
Kumawala mula sa akin ang isang buntonghininga. Bakit kaya sumama sa akin si Jamie rito? At nasaan ang branch nila rito sa Switzerland? I mean, ako naman ang exchange secretary, 'di ba? Hindi naman pwedeng pa-chill-chill lang ako rito, 'no! I cleared my throat. I should ask Jamie about that.
"Jamie?" I called his attention. Saglit niya naman akong binalingan ng tingin bago ulit binalik ang atensyon sa television. He hummed as a response. Umupo naman ako sa upuan ng coffee table set habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. Muli kong inilipat ang tingin sa labas ng bintana. "Nasaan ang branch niyo rito?" Nakatingin lang ako sa kanyang repleksyon sa bintana. Kita kong sinalubong niya ang aking tingin sa repleksyon. Nahigit ko ang aking hininga.
"Why?" Kunot ang kanyang noo na para bang nagtataka kung bakit ko iyon itinanong. Duh? Hindi ba obvious? Napanguso ako at tuluyan na siyang hinarap."Malamang. As far as I remember, ako ang pinadala rito upang maging exchange secretary. At bakit nandito ka rin ngayon? You have a lot of things to do in the Philippines, but you're here with me," dire-diretso kong saad. Para naman siyang naaliw sa mga itinanong ko.
Tumagilid siya paharap sa akin at itinukod ang kaliwa niyang siko sa kama. Ipinatong niya naman ang kanyang pisngi sa kanyang kamao kaya nakaangat nang bahagya ang pang-ibaba niyang katawan. Matamang nakatitig sa akin ang mga abuhin niyang mata at sa posisyong iyon, mas nakita ko nang maayos ang kanyang katawan. Shocks! Oh, tukso. Layuan mo ako!
Nagbaba ako ng tingin at pinalobo ang aking mga pisngi. Bakit ba parang inaakit niya ako? Hindi makatarungan! Kung akitin ko na lang din kaya siya para naman quits kami? Char! Ayoko. Alam ko namang kagaya pa rin ng dati kapag nagtatalik kami, eh. He would do it fast and rough tapos kailangan, tahimik lang ako kasi naririndi raw siya sa akin.
Pain shot through my heart pero hindi ko na iyon pinansin. Sa tagal na ginawa ni Jamie sa akin 'to, 'di pa ba ako sanay? Napanguso ako at sinalubong ang kanyang titig.
"We're having a vacation, honey." Kumunot ang aking noo nang marinig ang kanyang sinabi. I tried to ignore my heart doing backflips because of what he called me pero hindi ko magawang hindi pansinin. Shocks. He's calling me endearments since yesterday at parang kinikiliti ang aking tiyan kapag tinatawag niya ako gamit no'n.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at muling inalala ang kanyang tanong. He said we're having a vacation. Anong ibig niyang sabihin? Sa pagkakaalam ko, hindi naman holiday. So why the fuck are we having a vacation? I made no attempt to hide my confusion. Muli siyang nagsalita,
"We sent someone to be an exchange secretary. Si Jester ang nag-aasikaso sa kompanya ngayon pati na si Jaycee. Jackson is still in Harvard," paliwanag niya pero kulang pa rin sa akin 'yon. Kung gano'n naman pala, ba't nandito kami sa Switzerland at nagbabakasyon when in fact, we're supposed to be working?
BINABASA MO ANG
Unexpected Proposal
RomanceMendoza Brothers Series #1: Jamie Wren R. Mendoza Her groom ran away before the wedding started. . . so she proposed to someone who unexpectedly turned out to be her new boss. ----- Nathalie D. Cruz is about to get married. She's gonna marry the man...