QP

17.5K 480 41
                                    

NAPAKAGAT AKO sa ibabang labi habang tinitingnan si Jamie na pabara-barang tinuturo ang mga singsing dito sa jewelry store. I let out a sigh and shook my head. Ano, may balak ba siyang bilhin lahat ng singsing dito? Nagdalawang-isip ako kung sasabihan ko ba siya o hindi pero baka bulyawan lang ako.

Napanguso ako at hinawakan ang aking balikat na pinisil niya kanina. Napangiwi ako nang makaramdam ng sakit. Nai-imagine ko na ang itsura nito. Panigurado, kulay purple na ito. 'Di na madadala ng cold compress.

"Hey, woman. Try to fit this." Nag-angat ako ng tingin no'ng tinawag ako ni Jamie. His cold eyes are turned towards me. Ang babaeng staff naman na kaharap niya ay parang timang na nakatitig sa kanya. Well, I couldn't blame her. Malakas naman talaga ang charisma ni Jamie.

I sighed and stood up from my seat before walking towards him. Kita kong nakapili na siya ng singsing. It's a simple silver band at may maliit na diamond sa gitna.

Binigay niya ang singsing sa akin and I tried to fit it on my finger.

It fits.

Parang may bikig na namuo sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung ano ang aking naramdaman. Totoo ba talaga lahat ng ito? Hindi ito ang pinapangarap kong proposal.

Pakiramdam ko'y bumibigat ang aking dibdib sa katotohanang matatali ako sa isang kasal na walang pagmamahalan.

Napalunok ako at tumango-tango habang nakatingin pa rin sa singsing. "It. . . fits my finger perfectly," ani ko. Muntik pa akong mautal.

Napatalon ako nang biglang hinablot ni Jamie ang aking kamay na walang halong pag-iingat at marahas na tinanggal ang singsing. Napangiwi ako sa sakit. Ramdam ko ang paghapdi ng aking palasingsingan dahil sa marahas na pagtanggal niya sa singsing. Parang wala lang sa kanya na nasasaktan ako. Sabagay, sino ba ako?

"We will take that one," wika niya sa staff na nagpapa-cute pa rin sa kanya. Ngumiti pa ito nang mahinhin at marahang tumango-tango bago ibinalot ang box ng singsing at binigay ito kay Jamie.

Naningkit ang aking mga mata nang sinadya nitong magtama ang mga daliri nito sa kamay ni Jamie. Ang harot! Si Jamie naman, parang wala lang. Alam naman ng staff na ito na ikakasal na kami ni Jamie pero humaharot pa rin. Jusko!

Muli niyang hinawakan ang dulo ng aking blazer. Kanina pa siya. What? Ayaw niya ba akong hawakan?

Natawa ako nang mapakla bago marahas na kumawala sa kanyang hawak. Inis niya akong binalingan ng tingin at sinalubong ko naman iyon ng buong tapang. Anong akala niya? Uurungan ko siya?

"I can walk," I firmly said. Inayos ko ang aking blazer. "You don't have to drag me," pagpapatuloy ko at muling sinalubong ang kanyang tingin. Hindi lang siya nagsalita at saka tumalikod, putting his hands inside the pockets of his slacks. Sinundan ko naman siya.

Napatingin ako sa paligid. Kita kong ang bawat babaeng nadadaanan namin ay talaga namang napapatingin sa kanya. Nakakahatak naman talaga ng atensyon ang kapogian niya at ang build ng kanyang katawan, I admit. But once they get to know Jamie's attitude, hah, ewan ko na lang.

Nauna na siyang pumasok sa sasakyan at sumunod naman ako. Kinabit ko ang aking seatbelt. Tiningnan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Nakatingin lang siya sa akin na tila ba hinihintay akong matapos.

I looked at him and gave him a skeptical look. Itinapon niya naman sa akin ang plastic na may lamang wedding ring.

"Ilagay mo sa dashboard," malamig na saad niya nang 'di ako tinitingnan bago pinaandar ang sasakyan. Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi at hindi na nagsalita pa. Baka ano na naman ang masabi niya. Mahirap na. Ayokong makipagtalo.

Unexpected ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon