ER

16.7K 513 14
                                    

"DO YOU want to go to Bärenland today?" saad ni Jamie habang hinahaplos ang buhok ko. Nandito pa rin kami sa kama at antok na antok ang pakiramdam ko. Kakatapos lang namin kumain ng breakfast. Tumingin ako kay Jamie.

"Ano 'yan?" I asked in a low voice. It sounds familiar. Saan kaya iyan? Sana malapit lang dito. Inaantok kasi talaga ako, eh, pero gusto kong gumala.

"Sa gilid lang nitong hotel. It's a gummy candies shop." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig at mabilis akong napaupo sa kama na ikinatawa ni Jamie. Shit! Gusto kong kumain ng gano'n! 

Nauna na akong tumayo sa kama at hinila ang kamay ni Jamie. Mas lalo siyang natawa. "Hurry, Jamie!" Bumangon ang excitement sa aking puso. Biglang nawala ang aking antok na para bang nakarinig ako ng magic word. Shocks! Parati na lang sweets ang kinakain ko! Hindi naman siguro ako magkaka-diabetes nito, 'di ba?

Aayusin sana ni Jamie ang kama pero hinila ko siya palayo roon. That can wait. Bakit pa namin aayusin, eh, babalik din naman kami? Duh? "Mamaya na 'yan, Jamie! Let's go to Bärenland first!" nagmamadali kong saad. Jamie let out a chuckle.

"Someone's excited," natatawang ani niya. Sunod-sunod naman akong tumango. Pinisil niya ang aking ilong. "Your eyes are glistening with excitement. You really love sweets, don't you?" nakangiting tanong niya. I wiggled my brows playfully.

"Oo naman!" kaya nga mahal kita, eh. Char! Nahahawa na yata ako sa mga banat ni Jamie. Ang hilig niya naman kasing bumanat, eh! He locked our room and we walked towards the elevator. Lakad-takbo ang ginawa namin at napahalakhak naman si Jamie. Excited na ako, eh! Bahala siyang matapilok d'yan!

"Kalma, hon," natatawang saad niya nang makalabas kami sa elevator. I just giggled and wrapped my arms around his. Lumabas naman kami ng Marktgasse Hotel. Akala ko, liliko kami papuntang kaliwa pero we walked towards Münstergasse and when we reached the end of the Marktgasse, lumiko kami papunta sa isang alley. Nanlaki ang aking mga mata at napangiti nang malawak nang makita ko ang Bärenland. This is it! Nandito na kami! I squealed in delight. Nauna pa akong tumakbo roon.

I looked through the glass wall at ang unang makita talaga ng mga dumadaan ay ang mga gummy candies na nakalagay sa isang tower. Para itong cake! Sa gilid naman ay may mga box ng pizza na ang laman ay gummy candy na pizza. Shocks! Ang cute! Sa itaas na parte ng glasswall ay nakadikit ang logo ng Bärenland.

Napatingin ako kay Jamie no'ng hinawakan niya ang kamay ko. May ngiti sa kanyang mga labi na animo'y tuwang-tuwa sa akin. "Let's go," saad niya at naglakad papunta sa entrance ng Bärenland na nasa gilid lang ng glasswall. Shelves filled with gummy candies greeted my eyes. Napanganga ako sa aking nakita. Maraming mga pamilya ang nandito sa loob at karamihan sa kanila ay may kasamang anak. 

"Get what you want to eat." Binalingan ko si Jamie. May hawak na siyang basket. I giggled and kissed him quickly on the cheek before going towards the first shelf. Tiningnan ko siya at muntik na akong matawa nang makitang nakatitig siya sa akin habang hawak ang pisngi. 

"Come, Jamie!" tawag ko sa kanya. I grabbed three pieces of gummy worms and two pieces of gummy bears. Nilagay ko iyon sa basket namin ni Jamie nang makalapit na siya sa akin. Parang wala pa rin siya sa sarili. Sinundot ko ang kanyang tagiliran.

"Kinilig ka?" asar ko pa sa kanya. Natawa siya nang mahina. He rolled his eyes. Ginulo niya ang aking buhok. Kumuha na rin ako ng gummy candy na pizza at do'n lang ako tumigil sa kakaikot nang makitang malapit nang mapuno ang basket. Napatingin ako kay Jamie. He arched his eyebrow. His eyes are glistening with amusement.

"Okay na 'to? Baka magka-diabetes ka, hon," wika niya pa at bahagyang itinaas ang basket. Napanguso ako. Oo nga, 'no? Baka magka-diabetes na talaga ako at baka magka-tonsillitis dahil sa tamis. Napakamot ako sa aking kilay.

"Babawasan ko na lang kaya? Masyadong madami, eh. Parati na lang ako sweets," nakasimangot na wika ko at unti-unting ibinalik sa shelf ang iba kong kinuha. Hindi lang nagsalita si Jamie at sinusundan lang ako habang binabalik ko ang ibang gummy candies.

"Are you sure?" tanong niya pa nang makitang konti na lang ang gummy candies sa basket. Naningkit ang aking mga mata at tinatantsa kung okay na ba 'yon. Okay na siguro? Isa pa, gusto ko na namang kumain ng dessert sa Delish.

Tumingin ako kay Jamie at tumango-tango. "Okay na 'yan, Jamie. At ano, pwede bang after this, pwede bang. . ." Kinamot ko ang aking kilay at nahihiyang tumingin sa kanya. Parati na lang akong kumakain! Ano ba 'yan! Mukhang mauubos ang pera ni Jamie dahil sa sobrang takaw ko! 

Ngumiti naman si Jamie habang hinihintay ang aking sasabihin. May aliw sa kanyang mga mata. Shocks! Sasabihin ko ba? Pero nakakahiya! Baka mag-iisip na si Jamie na sobrang takaw ko!

"Do you want to eat at Delish?" he asked, as if reading what's on my mind. Nanlaki ang aking mga mata at sunod-sunod na umiling. Iniwagayway ko pa ang aking kamay sa harap. Shit! I should stop asking for food!

"Hindi! Ano, punta na nga tayo! Bayaran mo 'to, ha! Hmp!" Inirapan ko siya at nauna nang maglakad patungo sa counter. Napanguso ako. Dapat ba tumango na lang ako kanina? Shet naman, eh! Pero kasi, ang dami ko nang kinain simula pa kanina sa breakfast! Napakamot ako sa kilay at tiningnan lang si Jamie na nagbabayad. Black card na naman ang ginamit niya. Iba talaga kapag mayaman.

Tiningnan ako ni Jamie nang matapos na siya sa pagbayad at agad naman akong lumapit sa kanya. I cling my arms around his as we walk outside the store. Laman pa rin ng isip ko ang tinanong ni Jamie kanina at ang sinagot ko sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng konting panghihinayang. Hindi ko maiwasan na hindi malungkot. Ang boba ko naman kasi, eh! Kung tumango lang sana ako kanina, hindi sana ako mamomroblema ngayon!

Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan pabalik sa hotel pero gano'n na lang ang aking gulat no'ng pumasok kami sa Delish. Gulat akong napatingin kay Jamie na may ngiti sa mga labi.

"I know you, hon. You want to eat here," natatawang saad niya na ikinangiti ko nang malawak. I giggled. Kilalang-kilala na talaga ako ng mokong!

When we got inside, bumaba na kami sa masikip na hagdanan upang makarating sa ground floor ng Delish. Agad kaming pumwesto sa parati naming inuupuan. Nakaka-enjoy lang kasing panoorin ang mga tao, eh.

Binuksan ko ang menu and this time, iba na naman ang in-order ko. Mukhang na-try ko na siguro lahat ng desserts dito except sa mga coffee nila dahil parating ipinagbabawal sa akin ni Jamie! Napanguso ako nang mapagtantong napadami na naman ang aking order.

"Ang takaw ko na yata, Jamie. Mukhang dito ako sa Switzerland tataba," natatawang ani ko. Hinarap naman ako ni Jamie. Nakatukod ang kanyang siko sa mesa at ang kanyang baba ay nakapatong sa kanyang kamao. May kinang sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. He let out a smile.

"Your breasts are becoming larger and your hips are becoming wider. Nagiging antukin ka na rin at parating nahihilo. Then nagiging matakaw ka when it comes to sweets. What do you think, hon?" Parang naumid ang aking dila sa narinig at nanlaki ang aking mga mata. Nakatitig lang ako sa mukha ni Jamie na tila ba aliw na aliw sa reaksyon ko. Shit. It's been three weeks since we made love and I was fertile that time. Shocks!

Buntis ako?

-----

Just now Nat HAHAHAHHAA Malapit na POV ni Jamie yieee malapit na to matapos. 15 votes ulit mga sis thank youu!!!

Unexpected ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon