WQ

17.1K 545 5
                                    

NAGISING AKO nang tumunog ang aking alarm clock, senyales na kailangan ko nang magluto ng hapunan. Tumagilid ako upang tingnan si Jamie. Nagrigodon ang aking puso. Payapa siyang natutulog at ang kanyang mga braso ay nakayakap pa rin sa akin. I bit my lower lip. It's my first time to stare at him this close, giving me some time to appreciate his features. He got thick eyebrows and pointed nose, both suit his face perfectly. It looks like God took the time to create him. Ang pogi niya.

Bumaba ang aking tingin sa mga labi niyang bahagyang nakaawang. I already had a knowledge of what those lips taste like and they just don't taste like heaven, they also have the power to take you to heaven. I pouted. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko, puro kahalayan pa. Napailing ako at inayos ang takbo ng aking utak.

Kanina, akala ko nananaginip lang ako. This is my first time to cuddle with him. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. A lot of times, I wonder what it would feel like to cuddle with him. Now, I know. Masarap pla sa pakiramdam. Bakit niya kaya ako hinila upang yakapin? Surely, it does nothing with romantic stuff. Maybe, he just needs body heat. Napangiti ako nang mapakla. Right. Body heat. There's my answer.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kanyang braso na nakayakap sa akin. He stirred, but didn't wake up. Pumunta ako sa kusina at nagluto ng sinabawang isda para sa aming dalawa ni Jamie. Umupo ako sa upuan at tumingin sa kawalan. I wasn't able to finish the presentation because of what Jamie did.

I let out a sigh. Ipinatong ko ang aking baba sa aking kamay. Alam niya kaya ang pinanggagawa niya kanina? Is he aware that he pulled me into a hug? May mga nabasa kasi ako na minsan, hindi raw alam ng mga nilalagnat ang mga pinanggagawa nila. I don't know how true is that pero may mga ganyan daw talagang tao. Posible rin ba kayang gano'n din si Jamie? I know how much he hates me so why the heck would he pull me into a hug?

Muli akong napailing. Again, body heat. He needed it and that's the reason why. Bakit pa ba ako naghahanap ng sagot kung klarong-klaro naman ang sagot? What? Dahil ba sa kaloob-looban ko, umaasa akong may nararamdaman siya para sa akin? Napangiwi ako at mapaklang tumawa. Imposible. Pinapaasa ko lang ang sarili ko.

Tumayo ako nang mapansing luto na ang kanin at ang sinabawang isda. Inihain ko naman ito sa pyrex at kumuha ng isang maliit na bowl para kay Jamie. Nilagyan ko iyon ng sabaw at isang hiwa ng isda.

Bringing his food with me, I went back to the living room and placed his food on the table. Kinuha ko ang kanyang bimpo at lumapit sa kanya. Ginising ko naman siya at kaagad siyang nagising. Kumunot ang kanyang noo nang makita akong nakatunghay sa kanya. I hope he couldn't hear my heart beating loudly against my chest. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Fuck this. I'm really doomed.

"Kain na," saad ko at tinulungan siyang umupo but then, he stopped me. Kumunot ang aking noo at magtatanong na sana no'ng bigla siyang umupo. Tumaas ang aking kilay. Seems like his strength is getting back. Happiness surged through my heart at that thought.

"My food," he commanded. Napangisi ako. The cold Jamie is back. I prefer him this way. Kapag kasi umaakto siyang kakaiba, nalilito ang puso ko, eh. Ayoko. Alam ko naman kasing imposibleng mahalin niya ako.

I tucked my hair behind my ear as I bent down to get his food. Binigay ko naman iyon sa kanya at agad niya 'yong tinanggap. I placed a hand on his forehead. Ramdam kong natigilan siya saglit bago nagpatuloy. Napangiti ako nang maramdamang hindi na siya gaano kainit.

"Bumaba na ang lagnat mo, but still, you shouldn't work tomorrow. Baka mabinat ka," I told him. Kita ko ang kanyang pagsimangot bago humigop ng sabaw.

"Don't boss me around," masungit niyang saad na ikinataas ng aking kilay. Wow, attitude! Siya na nga ang inalagaan. Hindi ko itinago sa kanya ang aking inis.

Unexpected ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon