Prologue

1.4K 39 27
                                    

"Hindi ka ba talaga sasama mamaya, Av?" pangungulit ni Nova.

Malalim akong humugot ng paghinga, itinuloy ko ang pagliligpit sa gamit ko atsaka lumabi nang igawi ko ang tingin sa kanya.

"Hindi!" pinong sagot ko.

Determinadong hindi sinasang-ayunan ang pag-aaya niya sa lakad nila ni Lona at Jade. I rather sleep tonight than wasting my time to someone who doesn't even know me. Atsaka matutuloy naman ang ganap nila ng wala ako.

"Day-off mo naman, eh. Sige na, isa lang sisilay lang ako kay Vince," and there she goes again making tantalizing eyes with paawi effect sa dulo. Pinaglapat pa niya ang palad at tila itinuring akong isang santo.

"H'wag mo akong demonyohing gaga ka! Ayoko! Matutulog ako mamaya. Atsaka, how are you sure na manunuod lang mamaya. Baka mag-inuman na naman kayo nila Jade at Lona. Ayoko! Ayokong masukahan ulit,"

"Atsaka hindi ka pa ba nag-sasawa kay Vince, halos oras oras mo na ngang nakikita dito 'oh. Manawa ka naman," pasaring ko.

May crush kase si Nova kay Vince, magtatatlong taon na. Hindi ko masigurado kung happy crush pa ba yun o inlove na talaga ang gaga sa lalake. But unfortunately kahit anong pag-papapansin niya, ay ayaw siya nitong pansinin. Halata ko nga ang pagkainis at pagkunot ng noo noong lalake sa tuwing makakasalubungan namin siya sa hallway. Habang si Nova naman ay walang paki-alam basta nakita niya ang lalake ay buong-buo na ang araw niya.

"Eh, iba naman 'yong mamaya. May rehearsal sila ng kabanda nya na galing din sa sister nitong school natin! I'm sure familiar ka sa Meraki Band," Daldal niya.

Meraki, my foot! Oh yeah. I know them, banda nila Miles.

"Wala akong pake kung sinong banda pa yan. Matutulog ako mamaya, h'wag mo akong abalahin!"

Tapos ko nang mailagay ang mga gamit ko sa bag at handa ng chumibog ng tanghalian. Pero si Nova hindi parin ako tinitigilan.

"Dali na kase, gusto ko lang marinig muli ang malamig at nakakaakit niyang boses . . .saka ang gwapong gwapo niyang mukha," tiningnan niya ako tangay muli ang paawa effect niyang reaction. Na akala naman niya ay madadala nya ako.

"You know what, Av! It's been a while since I hear him singing. Ngayong papalapit na ang Battle of the Bands. I want to hear him, I mean.. I want to support him kahit na... wala syang paki-alam . . . ganun. Kahit na . . . . 'di nya napapansin ang effort ko," sumimangot siya pero hindi pa rin ako nagpatinag.

Minsan talaga kailangan nating sumagot ng hindi sa mga bagay-bagay lalo kapag may sapat na rason ka naman. Lalo na kapag hindi rin ramdam ng energy mo.

Saying no sometimes is a self-care

Tuluyan kong isinabit ang backpack sa balikat ko. Kahit anong pangungumbinsi niya ay hindi ako sasama. Kahit dramahan niya ako, o lumuhod pa siya ay hindi ako pupunta. I still feel sleepy dahil inabot na ako ng alas-kwatro sa duty ko sa 7/11 kanina. Gusto kong matulog talaga.

"Come on Avriline!"

"Tigilan mo ko, Novara! Ayoko!" pagmamatigas ko.

Believe rin ako kay Nova kahit papaano. Kahit anong pag-ayaw sa kanya ng tao, ipipilit nya parin ang sarili niya. No matter how many people rejecting her, she still finds another way out na mapalapit lalo sa mga ito.

"Dali na kase, hindi na kita irereto sa mga lalaking makikita ko. Promise, peksman mamatay man ako. We will just be there to watch and listen to them," Itinaas pa nito ang kamay sa ere, bilang pangako.

She's so persistent. Nagsimula na akong mag-lakad palabas ng classroom.

"Ilang beses mo na yan sinabi but you always ended up na ireto ako, how could I still trust you?"

Trapped to the BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon