A week goes by. We did our usual thing to do after class! Minsan nakakasabay namin kumain yung grupo ng Meraki, minsan naman yung NU Band, school band nila Migs at Brian.
Ang banda naman ng University namin ay bibihira lang namin makita. They were very secretive, ni hindi nga ako pamilyar sa dalawang member noon eh.
Basta every time they show up themselves they will blow. Kakaiba din ang mga 'yun e.
"Sure ka na ba talaga, 'di ka sasama?" nangungusap ang mga mata ni Nova.
I softly smiled at her bago umiling.
"Bibisita ako kay Papa, e. Inuod nyo nalang ako at ikain."
Lumabi ang babae, atsaka maghipit na ipinipit ang buhok nitong mala-rainbow ang kulay. Nangingitim na naman ulit ang gilid ng mata dala ng eye-liner, ang pamilyar na shade ng velvet lipstick ay malayang lumapat sa mga labi niya. Paborito nya talaga ang goth style.
Alas-kwatro na ng hapon. The three girls decided to went on the District II para manuod noong bandang mag-peperform ngayon galing Manila. At para na rin sumilay doon sa mga crushes nila dahil, balita ko ay pupunta rin ang mga 'yun doon.
As much as I wanted to come along with them, I just can't afford to waste time dahil ayun naman talaga ang naka-toka kong gawin sa araw na ito. Ang bumisita sa District II, kung nasaan nandoon nakatira si Papa at bagong pamilya nila.
"Okay! Iba lang talaga ang feeling kapag wala ka! Sana next time pwede na," she said as he put down to her expensive sling bag the velvet lipstick she used on her lips.
"Maybe next time," maybe never.
Nagpa-alam si Nova sa akin. Ilang minuto rin ang itinagal ko sa bahay bago umalis at magtungo sa District II ko. Sa katunayan ay pwede nga kaming mag-sabay ni Nova eh, ang kaso baka may kung ano pa siyang daanan. Napakafriendly kase ng babaeng iyon at kung saan saan sumasabit.
"Ate Feyyy!" sigaw ni Miko ng makita ako. Kaagad itong tumakbo papunta sa akin at yumakap sa mga binti ko. I caressed his soft black hair at tinanong kung nasaan ang Papa.
Mayroon ng anak si Papa sa bago niyang asawa at iyon ay si Miko, mag-aapat na taong gulang ngayong buwan!
Tita Mare was busy washing their clothes at the back of their house ng puntahan ko ito.
"Tita!" pag-agaw ko sa atensyon niya.
Kaagad ako nitong nilingon, nanlaki ang mata at tumayo sa kinauupuan habang nagtatanggal ng bula sa kamay.
"Naku, Frea. Wala ang Papa dito ngayon, namalaot at sa linggo pa ang uwi," paliwanag nito kaagad.
"May kailangan ka ba sa school?" tanong niya. Umiling ako. "Bibisita lang po. Ngayon lang ako nagka-oras." Sagot ko.
Tita Mare became a good wife to Papa after makipag-hiwalay ni Mama sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan ang nanay ko. Marahil nasa lalake niyang mayaman na malayong malayo kay Papa. Hindi ako pinagdamutan ni Tita Mare sa Papa ko. Welcome nga ako dito sa bahay nila, they also want me to live with them but I choose to be independent.
Ayoko ng makisingit pa, total ay kaya ko naman na mabuhay ko mag-isa. Natuto na rin naman ako sa mahigit apat na taon.
"Kumusta po kayo dito?" tanong ko. Kahit naman halatang nasa magandang kalagayan sila.
"Mabuti naman, Ija!"
Ipinaghanda ako ni Tita ng meryenda. Nagpasalamat ako roon kalaunan. Iyon ang madalas niyang gawin sa tuwing darating ako. Nakaupo lang ngayon si Miko sa lap ko at patuloy pinagmamasdan iyong laruan na pasalubong ko.
BINABASA MO ANG
Trapped to the Beats
Novela JuvenilFrea Avriline does not usually give a care when it is not really necessary. She is aware of her priorities. She dislikes squandering time that isn't related to school or her part-time job. Not until one of her friends asked her a favor one night. It...