State University Band facebook live last time became the talk of the town, even outsiders still gossiping about the performance they showed. Nova received a lot of compliments, gained some new supporters including me, Jade, and Lona. And every student in SU was looking forward to her next performance. At maiuwi ang tropeyo sa susunod na laban.
Katatapos lamang namin kumain ng lunch, as usual kasabay na namin sina Miles at Vince. Dahil may dalawang linggo nalang para mag-handa ang banda ng school, Nova had to practice more along with her band mates. Naiwan ako sa classroom matapos ang klase namin kasama ang iilang kaklase na umako sa pag-gagawa ng parol namin.
Tahimik akong naki-upo at nakibilog sa kanila habang nakikita sa usapan. Hindi ko sila gaanong ka-close pero these people I'm with right now ay ang tipo ng mga taong tutok sa pag-aaral. Palaging kasama sa dean's list at miyembro rin ng iba't ibang organization.
"Hala, nakalimutan ko ang wooden glue atsaka glue stick!" bulaslas ni Hera, isa sa mga tahimik kong kaklase na laging kabilang sa dean's list.
Panglalake ang estilo ng gupit ng kanyang itim na buhok, may eye glasses, maganda at medyo may pagkaboyish din. Siya minsan ang source ng sagot.
Jelay pouted her velvet thin lips.
"Paano 'to?" tanong pa niya. Tuluyang bumaba ang balikat niya dala ng pagkadismaya. Excited na rin kase gumawa. Si Jelay ang kaklase naming mahilig sa pag-dedesign kaya naman pagdating sa decoration, siya kaagad ang itinuturo sa section namin.
"Bili nalang ako," Tiningnan ni Hera ang relo niya. "Aga pa naman, wala pang ala-una. Papatunaw na rin," Wika pa nya sabay hawak sa tiyan. Patayo na siya noong pinigilan ko siya.
"Ako nalang ang bibili! Since wala akong nadalang bote," nginitian ko sila. Jelay snapped her finger, na tila ba sumang-ayon sa suhestisyon ko.
"Sige ikaw nalang, para maumpisahan na natin ang pag-cut nitong mga plastic bottle." Sabi niya atsaka isa isang tumingin sa mga kasama asking also for approval. Lahat naman ay kaagad na tumango.
"Okay lang ba sa 'yo, Av?" Chloe asked. Isa sa mga kasama kong officer sa classroom. Auditor!
Yung mata niya ay hindi masyadong makatingin sa akin, marahil ay dala parin ng hiya. Hindi rin naman kase kami gaano ka-close kahit officer kami. At bihirang bihira lang rin kami mag-usap.
I pressed my lip to form a thin line atsaka marahang itinango ang ulo.
"Ako na, mabilis lang ako." Paninigurado ko. Ilang minuto lang naman ang aabutin papuntang Pandayan House kung saan mabibili ang mga gamit pangangailangan sa school.
Hindi rin naman siguro mahaba ang pila roon dahil kasagsagan ng klase. Kaya kampante ako na mabilis lang talaga.
Kanya kanya silang kumuha ng pera sa bulsa para sa ambagan.
"Singilan nalang natin sila bukas, doblehin nalang natin," Venice suggested na sinang-ayunan naman namin.
"Bakit doble, dapat triple na e," Si Jonah, ang pinakamagaling magsalita sa amin. Everybody will tune in on her the moment she speak infront dahil sa magandang accent nito lalo na kapag English. Siya ang vice-president ng klase.
Hera softly chuckled. "Kapag triniple baka hindi na mag-bigay mga 'yon. Alam mo naman mga kaklase mo, makunat pa sa ugat ng puno pagdating sa pera." Wika nito. Which is totoo naman, kung hindi sila pipigain sa takot na hindi isasama sa ge-grade-dan hindi sila mag-bibigay.
Jonah sighed. "Umay sa mga 'yun makakapasa ngayong sem dahil sa 'tin." Nangingiti nalang ako sa mga pinagsasabi nila.
Nang mabilang lahat ng magagastos para sa bibilhin ay nagsimula na akong lumakad palabas ng University. Pinahiram pa ako ng payong ni Chloe dahil sobrang init, maski ang singaw nito ay nakakapaso sa binti. Balak pa sanang sumama ni Jonah, pero inako ko nalang ng tuluyan ang pag-bili.
BINABASA MO ANG
Trapped to the Beats
Ficção AdolescenteFrea Avriline does not usually give a care when it is not really necessary. She is aware of her priorities. She dislikes squandering time that isn't related to school or her part-time job. Not until one of her friends asked her a favor one night. It...