Chapter 15

240 17 22
                                    

Dahil sa biglaang pagliban ko noong nakaraang araw, naburo ako ng boss namin. Ramdam ko rin ang pagkainis ni Aprilyn sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi ako nito masyadong iniimik. Isang tanong, isang sagot lamang ang mood sa loob ng store ngayon.

Kaya naman inagahan ko ang pasok ngayon since start na naman ng Christmas vacation. Simula 7am hanggang 10pm ang duty ko ngayon, mag-isa ko lang. Pabor naman na ako doon dahil may kasalanan naman ako.

Sobrang lamig na ng kapaligiran, ang simoy ng hangin ay malayang dumampi sa braso ko. Kasalukuyan akong nagwawalis sa tapat ng store, subalit kahit anong gawin ko ay hinahangin lang ito papalayo sa akin.

I ended up impaling each huge leaves using the stick of broom. Samantalang ang maliliit ay winalis ko nalang. Matapos noon ay pumasok na ako sa loob at ang mga transparent window naman ang pinunasan ko. Kasunod noon ang items sa kanya kanyang section. I made everything inside the store so clear and clean as I always do. Matapos noon ay naghintay nalang ako ng mga darating na customers hanggang sa matapos ang oras ng duty ko.

Puspusan na rin ang practice nila Nova at Migs para sa darating na linggong labanan. Kaya mag-isa lang ako ngayon sa bahay. Magoovernight daw kase sila Nova, pagpapaalam nito sa akin.

Kasalukuyan lamang ako nakadapa sa sofa ngayon, mag-aalas onse na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok samantalang kanina sa store ay panay ang hikab ko. Tamad akong napabangon sa pagkakadapa noong mahagip ng mata ko ang umiilaw na screen sa cellphone.

Someone's calling.

Nakaramdam ako ng bahagyang kaba sa sistema ko. Dali dali kong sinagot ang tawag na iyon ni Migs.

"Hello," sagot ko.

Nakauwi ka na?

Hahahaha. Gago! Amin na yan.

Brian, gago ka ba? Papansin putangina mo!

Ang iingay nyo, sandali lalabas ako.

Humiga ako sa sofa habang nakatanaw sa ceiling at pinapakinggan ang ingay na nagmumula sa kabilang linya. I heard Flenn's voice shouting something at Brian, kung saan tumawa ang lalake doon.

"Kumain ka na?" tanong ko.

Sobrang natutuwa ako dahil kaagad na nakarecover ang lalake sa sakit niya. Ang paliwanag niya pa ay naabutan siya ng ulan noong pauwi na sila. Pagkahatid kase daw niya sa akin ay pumunta muli siya sa Mt. Sembrano, at nagkayayaang maginuman dahilan para maabutan sila ng ulan.

Anong sabi mo?

"Kung kumain ka na ba?" pag-ulit ko.

Kanina pa, ikaw? Kauuwi mo lang ba o kanina pa? Alas-onse na ah. Bakit hindi ka pa natutulog?

Sunod sunod niyang tanong kung saan napangiti ako.

"Can't sleep," mahinang sagot ko. Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

I ... miss you

Parang may kung anong kumiliti sa sistema ko matapos marinig iyon. I nervously chuckled as I feel my cheeks warm. Ibinaon ko pa ang mulha ko sa pillow sa kilig.

"Miss you too," mabilis kong sagot, nahihiya.

I mean, hindi na ako bago sa ganito. I have experience already but . . . iba pala talaga ang pakiramdam kapag nabakante ka ng ilang taon. Uulit at uulit ka muli sa umpisa.

Muli na naman siyang tumawa.

I want to see you.

I tightly shut my eyes, while biting my lower lip. Sobrang clingy ni Migs, sa totoo lamang. And I admire it but somehow, I feel scared. Hindi ko alam, sobrang takot na takot muli akong masaktan.

Trapped to the BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon