Napapahilot ako sa sintido ko habang tulalang nakaupo sa kaharap ang bagong timpla kong kape na nakapatong sa circle table ko. Hindi ko maalala kung papaano ako nakauwi dala ng kalasingan ko kagabi, makailang batok na ako sa sarili ko ay wala parin akong maalala.
Tanging ang pag-pasok namin sa pub at hamunan ni Ana ni sumubok kami ng ibang brand ng alak ang naaalala ko. The rest went black, but all I know is that I was safely came back to my condo.
Ang ipinagtatakha ko lang kung bakit ang daming putik na yapak sa sahig ko. It is as if not only one person entered my house, parang dalawang tao. Bigla akong kinabahan, tumayo ako sa kinauupuan ko at sinundan iyong mga bakas.
"May naghatid ba sa 'kin?" tanong ko sa sarili ko.
Pilit inaalala ang lahat kagabi. The muddy foot print stopped to my room. Kunot noo ko lamang pinagmasdan ang kwarto ng makapasok. I don't have so many things in my house, in short walang kanakaw-nakaw.
Sobrang plain lang ng unit ko, nothing really especial. May dalawang kwarto, kusina, sala CR. Ayoko rin ng maraming gamit dahil wala naman akong time mag-linis. At puro tulog lang naman ang ginagawa ko sa buhay. Bale, yung mga essential needs lang ang nandito at mga sasakyang laruan ni Miko na nakadisplay sa ibaba noong TV sa sala.
Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko. Ang unit ko kase ay nasa pang-pito na palapag. Bumungad sa akin ang mamasa-masang kalsada, mga punong sumasayaw sa kalakasang hangin. Taong naglalakad sa kalsada habang nakasuot ng jacket at may hawak na payong hinahanging pabaligtad.
Napatanong ako sa sarili kong may bagyo ba? I didn't bother opening may TV as I cameback to my sofa. Tinatamad akong pumasok ngayon. Lakas talaga makahatak sa higaan ang ganitong panahon. May dalawang oras pa naman para mag-asikaso ako ng sarili. Nakakapag-takha lang dahil nagising ako ng maaga ngayon, hindi naman ako nag-alarm.
My body clock this time really sucks.
Kinuha ko ang cellphone na nakalapag sa lamesa, pero bago ako mag-scroll doon napatingin ako sa suot suot kong tsinelas. At some point, Joaquin concerned face flashed in my head while holding his havana's sleeper.
"Ibabalik ko pa pala 'to,"
Bago ko tuluyang ihiga ang sarili sa sofa ay muli akong humigop sa kape kong alam kong hindi na naman mauubos. I started opening my accounts. Sunod sunod ang notification na nareceive galing sa gmail ko. Mostly, ayun ang pinakamaingay sa lahat. Noong college ako ay facebook account ko dahil sa mga panibagong post ni Migs na pictures ko na nakatag ako.
Nang icheck ko isa isa ang email. Napabalikwas ako sa pgkakahiga ko.
We have a conference today for the upcoming big project.
Halos mapamura ako kamamadali sa pag-aayos ng sarili dahil almost 30 minutes nalang ay mag-sisimula na iyon. Our boss hates late comers kahit na may mataas ka pang posisyon. Hindi iyon excuse sa kanya.
Because what's the point of having those titles if you weren't responsible enough for your actions as an employee.
Kaya naman hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at kaagad na dumiretso sa CR., para maligo.
I just simply wore my white fitted long-sleeve. Nakatuck-in yun sa black slacks ko. I even covered myself a coat dahil malamig nga. Noong dumako ang mata ko sa shoe rack ko, napapikit ako. Napaisip kong mag-he-heels or rubber shoes nalang. I shooked my head and choose my black rubber shoes over my other high heels.
I don't think it's right to wear heels today lalo na at masama ang panahon.
Isinilid ko ang tsinelas ni Joaquin sa isang paper bag bago ako tuluyang umalis sa bahay.
BINABASA MO ANG
Trapped to the Beats
Fiksi RemajaFrea Avriline does not usually give a care when it is not really necessary. She is aware of her priorities. She dislikes squandering time that isn't related to school or her part-time job. Not until one of her friends asked her a favor one night. It...