Chapter 10

266 14 18
                                    

Warning: Harassment

The following days, the apartment's owner informed us that there will be a new tenant next to us. Sobrang excited doon ni Nova dahil sa wakas magkakaroon na rin ng tao ang kabilang bahay. Hindi na ito tila isang hunted apartment na laging madilim sa gabi. Halos isang taon na rin kase itong nabakante at ngayo'y muling magkakatao.

"Sa Sunday ang lipat ng lalake," Wika ni Manang Lucy habang ang walis tingting na hawak hawak ay nakapwesto sa kanyang kilikili. Siya ang may ari ng paupahan.

"Lalake po?" intrigang tanong ni Nova. Gumawi pa siya ng tingin sa akin nang tumango ang Manang na kinunutan ko lang ng noo. As if naman na interesado ako sa kanya! Ano namang gagawin ko sa lalake.

"Oo, estudyante rin. Baka nga ka-school mate nyo rin! Architecture ang kinuha," mas lalong nacurious ang kasama ko.

"Talaga po. Makapag-paganda sa Sunday!" sabay tawa niya habang hinahaplos ang itim na buhok.

"Tamang tama, magandang lalake iyon. Mabait pa!"

"Jackpot ata 'to Manang,"

Manang Lucy and Nova laughed.

"Ay siya sige. Paririto na ako at madami dami pa akong wawalisin sa bakuran!" Paalam niya.

Si Manang Lucy ay nakapangasawa ng isang Attorney. Naka 50's na ito at degree holder rin pero hindi na niya nagamit iyon dahil ayaw siyang makita ng asawa na nagtratrabaho pa since malaki naman na ang kita ng lalake. The relationship of Manang had with her husband is kinda a goal for me. Mayroon silang anak na nag-aaral sa Manila, lalake iyon at law ang kinuhang course. Suportadong suportado nila ang anak nila! Nova even tried to flirt with him before but it didn't work out. Malas nya talaga noon.

"Sana single ang magiging kapitbahay natin." Halos maibuga ko ang kakainom lang na kape sa sinabi niya.

"Para naman magka-jowa kana. Naeexcite ako makita kung paano umibig ang isang Avriline!" humalakhak pa siya pagkatapos atsaka akmang papasok sa kwarto niya.

Sinimangutan ko lamang siya. "Asa ka, nakatadhana na ako pag-mamadre."

"Oo nga pala, speaking of Madre. Pumayag si Papa na mag-donate this week! Naeexcite pa nga ang dalawa sa idodonate eh."

Kaagad kong ibinalita ang bagay na iyon sa mga madre. Labis labis ang pasasalamat nito nang makausap thru phone call ang kaibigan ko. Kaya next Sunday we are scheduled to visit the convent for another activity but this time sa mga kapwa tao na madalas naman nasa kalye naman at walang matirahan.

Sumapit ang oras ng pasok namin sa school. Wala ng masyadong professor na pumapasok kaya naman ang oras namin na hindi pinasukan ng isang subject teacher ay itinuon nalang namin sa pag-gagawa noong recycled parol. Inaasar lang ako ng mga kasama ko about sa nangyare last time.

Si Nova naman ay nagpunta na sa Audio Visual Room para mag-practice muli kasama ang banda niya. Noong lunch nalang kami muling nag-kita.

"Sama ka ba mamaya? May gig Meraki Band, malapit lang naman sa 7/11! Sa may kainan sa raskies, may mag-poprose kase doon."

Huminga ako ng malalim. May kung ano sa loob ko na gustong sumama pero hindi ko pwedeng iwanan ang duty ko. Nakakahiya naman kay Aprilyn. At mas nakakahiya sa boss namin.

Trapped to the BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon