Chapter 26

449 10 1
                                    

Halo halo ang emosyong nararamdam ko noong tuluyan kaming makababa sa eroplano. Muli akong pumasada ng tingin sa kabuuan ng airport. Hindi ako lubos makapaniwala na nandito ako ulit sa pangalawang pag-kakataon para hanapin siya.

Kahit kumikita ng sapat na pera ay wala rin naman kase akong sapat na oras para umalis ng bansa. Lalo na't pahirapan pang-umoo ang boss. Minsan ay nakakasakal na rin sa pagiging mahigpit nito.

Lalo na sa mga contractual employee namin na nasa production department, dahil kahit mag-overtime ang mga ito sa gawain. Hindi niya ito tinataasan ng sahod. Wala siyang memo na ibinibigay sa akin, still minimum wages pa rin ang ibinibigay kahit laging overtime.

Kung ako lang ay baka nag-taas na talaga ako. Pero mahirap pa rin dahil hindi ko kasundo ang financial department sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ilang sila sa aming department, lalo na sa akin.

Back to where I am right now, Miles forwarded the other information of Migs to me that he got from the past weeks. Mga picture lang iyon ng napuntahan niya at walang siya. Ini-image search na lang namin ni Ana ang picture ng lugar kung saan huling nakita ang lalake. Pakiramdam tuloy naming dalawa ay isa kaming secret agent.

"First time ko dito, sana andito si babe. Mukhang masarap dito mag-sex, sa Europe ayos e 11/10,"

Kumunot ang noo ko sa narinig.

"Ay may kasama nga pala akong complicated status ng ilang taon nang walang dilig,"

"Siguro tag-el-niño na dyan, bukod dun mangubat pa."

"Ewan sa 'yo!" I said rolling my eyes.

Nginisihan lamang ako ng babae, at nauna ng lumakad tangay ang maleta. Kaagad namang may lumapit sa aming na dalawang lalakeng nakasuit. I was the one who booked our hotel here, kaya naman natunugan ko na, na mula sila doon.

"Welcome here, Ma'am," malambing na saad noong isang lalake. I thanked him after. Siniko pa ako ni Ana, dahil may-itsura yung isang lalake samantalang matanda na ang isang lalake.

Muling nagpaliwanag ang mga ito, pero wala doon ang atensyon ko. Tanging si Ana lang ang nakikinig doon sa lalakeng isa, na Warren ata ang pangalan.

Noong matapos ang daldalan nila, saka pa lamang ako muling nag-bukas ng messenger para mag-back-read sa convo namin ni Miles. I even chatted him na nandito na kami sa Canada. Kaagad naman siyang nag-reply ng goodluck.

Nang makarating sa hotel namin ay hindi na ako kaagad makapag hintay ng bukas. Matapos naming kumain ay knock-out na kaagad ang kasama ko habang ako'y nasa balcony lang, akap akap ang sarili habang tinitingnan ang kapaligirang napapalibutan ng mga ilaw mula sa iba't ibang gusali.

Kinuha ko ang cellphone atsaka kumuha ng clip para ilagay ko sa story ng instagram ko, na ginawa pa ni Migs sa akin. Nilagyan ko iyon ng caption finding nemo, again.

Maya maya ay nakatanggap ako ng video call kay Nova. Kaagad ko iyong sinagot, gaya ng dati makapal na naman ang suot nito habang nakasandal sa headboard ng kama niya. Ang itim na buhok ay nakawagwag.

"Hello, Miss Canadian girl!" she greeted me with a big smile. Kumaway pa ito sa screen. Ngumiti ako atsaka kumaway din sa kanya. Iniikot ko pa ang screen sa kapaligiran para makita niya.

"Sana all," sabi pa niya.

"Nasaan si Keri?" natawa ako sa codename niya kay Ana. "Borlogs na,"

"Ay weak, kung ako 'yan mag-babar muna ako. Makatikim ng ibang putahe," She joked. "As if naman," umirap ako.

"I wish you a very good luck, Dory! Sana mahanap muna this time si Nemo," seryosong saad niya. I heaved a sigh.

Trapped to the BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon