Chapter 16

216 15 14
                                    

"'Di ako naniniwalang nag-usap lang 'yan," malakas na batok ang natanggap ni Brian kay Lloyd. "Tangina mo, gago!" sigaw sa kanya ng lalake habang nakahawak sa ulo. Lloyd look at me wearing his apologetically smile.

"Alam na alam Brian, palibhasa gawain," banat ni Lloyd, muli niyang ibinalik ang masamang titig sa lalakeng katabi.

"Tangina mo ang sakit ng batok," reklamo nito.

"Deserve," kantyaw ni Flenn habang sumisipsip noong milk tea na binili namin ni Lona na kanina pa nya hindi maubos ubos, sabay kase kaming pumunta dito sa NU limang oras na nakakalipas.

Isang araw nalang ang nalalabi nila sa pag-papraktis kaya naman puspusan na sila although dalawang kanta lang naman ang ipe-perform nila, one for Lloyd and one for the duet.

Naka-akbay lang sa akin si Migs habang nakasandal ang ulo sa balikat. Katatapos lang nila magpraktis at tila inaantok pa rin siya.

"Antok ka pa?" tanong ko.

Mahina siyang sumagot kaya naman hinayaan ko nalang at hindi na siya ginulo. Nakinig na lamang ako sa kantyawan nila Brian at Lloyd na napunta na kung saan saan habang si Jayson nasa gilid na naman at seryosong nag-aayos noong gitara. Ibang iba talaga sa mga kasama niya.

Nang mangalay ang balikat ko ay ipinaayos ko si Migs sa paghiga. Ipinahiga ko siya sa mahabang bench na meron ang kwarto nila para maging mas kompertable siya atsaka ipinatong ang ulo niya sa bandang hita ko. Nilalaro ko lamang ang buhok niya, he was facing the ceiling while eyes closed.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, napakagwapo talaga. Ang tangos tangos ng ilong, hindi napigilan ng kamay kong itrace iyon. Napangiti ako habang nilalaro ang bridge ng ilong niya pababa sa kanyang labi. Maya maya pa ay nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Dumilat siya kung saan napaiwas tingin kaagad ako.

"I can't sleep," reklamo niya. Nahihiya kong ibinalik ang tingin sa kanya at nginitian siya.

"Sorry," I whispered.

Kalaunan ay bumangon siya sa kinauupuan, hawak parin ang kaliwang kamay ko. "Kain nalang muna tayo," pag-aaya niya. Hindi daw makatulog pero halatang inaantok. Simple akong ngumiti at tumango sa nais ng lalake.

"Panget talaga ng view dito," rinig kong reklamo na naman ni Brian kaya this time hindi na batok ang natanggap niya kay Lloyd na katabing nakahiga sa lapag kundi sipa na.

"Ganyan talaga ang mga inggit," dali daling iniwasan ni Brian ang sipa ni Lloyd at nagpagulong gulong sa lapag.

"Pag-inggit, pumikit!" wika pa ni Lloyd. Inasar lang ng inasar ni Brian ang lalake na hindi ko mapigilan hindi matuwa. Ang kukulit nila.

"Alis muna kami," paalam ni Migs.

Isa isa kong pinasadahan ng tingin ang mga kasama niya upang makita ang pagsang-ayon nito. "Ayun nga hindi na nakatiis, baka naman hindi ka na maka-" hindi natuloy ni Brian ang sasabihin ng titigan siya ng masama ni Migs.

"Okay, ingat kayo." labas na ngipin na saad niya at napa-peace sign pa.

I laughed inwardly. "Kakain lang kami, don't get us wrong. Walang ibang kainang magaganap," masungit na saad ni Migs. Wow, nagsungit.

"Hala, kakain? Anong kakainin nyo? Isa't isa?" My cheeks heated. Damn, Brian's mouth, it's getting out of the line. Ambang sisipain ni Migs ang lalake ng yumuko ito.

"Bingi ka?" Pilosoping tanong ni Migs.

"Oo na, alis na kayo!" iwinagayway ni Brian ang kamay sa ere habang nakayuko at suminyas na umalis na kami.

Tuluyan ko ng hinatak si Migs paalis ng kwarto habang ramdam parin ang init sa aking pisngi. Hawak hawak nya parin ang kaliwang kamay ko at ipinasok doon sa pocket ng kanyang jacket. Para tuloy may kung anong kuryente sa tiyan ko.

Trapped to the BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon