Chapter 30

725 10 9
                                    

"Saan ka?" tanong ko kay Miles. "Rooftop, baka doon ko naiwan yung notebook ko,"

I scrunched my nose and followed him. Nakasuksok lang sa bulsa ng slacks ko ang dalawang kamay ko.

Bawat babaeng nadadaanan namin ay nagbubulungan. Malamang dahil sa gwapong taglay ni Miles, at malamang dahil sa weirdo kong ayos. Mahaba kase ang buhok ko, may suot na hikaw sa isa tenga at lip ring. May tattoo rin ang leeg ko pero sticker lang.

Ang sarap kaseng makitang napipikon ang mga professor ko sa akin. Yung tipong naglalabasan ang litid nila sa leeg dahil sa galit sa akin.

Nasa panglimang hagdanang palapag na kami ng may biglang nadapang babae sa harapan namin. Balak ko sanang tawanan dahil ang tanga pero natigilan kami parehas ni Miles ng makitang may makintab sa pisngi nito.

Namamasa iyon.

Nagkatinginan kaming dalawa.

The girl is crying.

"Sorry," parehas naming sinundan nang tingin ang papaalis niyang presensya. I scanned her face and I was a bit curious why a cute girl like her crying. Nakonsensya ako sa balak na pagtawa sa kanya na buti nalang hindi ko natuloy.

"TVL, Tourism Operation. Soledad, Frea Avriline." Miles uttered. Napatingin ako sa kanya. "Kilala mo?" sabi ko pa, bago muling sinundan nang tingin ang babae. "Yeah." Tipid nitong sagot atsaka nagpatuloy sa paglakad pataas ng rooftop.

Akala ko huling beses ko ng makikita si Cute Girl. Liit kase ng height, 5'2 lang ata yun, tapos straight ang itim na buhok. Bilogin ang mukha, siopao-in ang pisngi at mukhang arigato. Pero mali ako, dahil simula nang makita ko siyang umiiyak pababa noong hagdan. Araw araw ko ng napapansin ang presensya niyang laging tumaas-taas baba ang balikat- umiiyak sa rooftop.

Minsan kapag uwian or di kaya break time. I would often see her crying on the corner alone. May mga kaibigan naman siya, minsan tumatawa siya kasama sila kung saan mahuhuli kong mawawala ang mga mata.

But I wonder why she's always crying alone.

Isang linggo bago ang graduation namin bilang Senior High Student, muli ko siyang nakitang umiiyak na naman sa gilid. Nagtatakha na nga ako, kung hindi ba ito nauubusan ng luha. Inaraw-araw na pag-iyak kaya bumaba ako sa canteen para bumili ng lollipop at bigyan siya.

Ganoon kase ginagawa ko sa mga batang iyakin sa Hacienda, e. Bibigyan ko lang ng lollipop, tatahan na sila. Baka sakali, kapag binigyan ko siya noon ay tumahan siya.

But when I came back at the rooftop, malalim akong napabuntong hininga. Wala na si Arigato.

Simula noon ay palagi na akong may lollipop sa bulsa. Nang isang beses pang naabutan ko siya, doon na ako naglakas loob na lapitan at bigyan siya ng lollipop.

"Ano ako bata?" masungit niyang sabi. Napaangat literal ang kanang kilay ko. Aba, ang sungit siya na nga binigyan. Sivuro ay baka nawetduhan siya sa akin.

"I-lollipop mo yang iniiyak mo." Sabi ko atsaka kinuha ang kamay niya at inilapag doon ang lollipop sabay walk out.

Sungit.

With that, I find myself looking for Frea Avriline. Baka kase umiiyak na naman. I heard his boyfriend broke up with her kaya iyon siguro ang dahilan ng pagiyak niya sa gilid. She's enduring the pain alone because I didn't see her crying with her circle of her friends which other girls usually do.

Ang nabalitaan ko pa. Napagpustahan daw siya. HUMMS Strand iyong ex-boyfriend niya. Na kainlaman ay hindi ko inasahang magiging kasalamuha ko noong mag-college ako. Naging kaklase ko pa.

"Tangina nyong mga lalake kayo! Mga manloloko kayong lahat," pakinig ko sa kanya. I was sitting in a bench here at the rooftop habang nakahiga, dinarama ang malamlam na sikat ng araw. Habang siya patuloy lang sa pag-rant sa gilid. Lagi ko siyang naririnig na isinisigaw ang bagay na iyon.

Trapped to the BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon