Prologue

108 9 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tahimik kong nilagay ang bulaklak sa kaniyang lapida at umupo na napa-cross ang mga paa.

Bumuntong hininga muna ako bago kinuha ang bubble gum at nginuya iyon. Hinawi ko ang mga tuyong dahon sa kaniyang lapida at ngumiti.

"It's been three years, Ai. Kumusta ka na?" Paninimula ko. "Pagod na akong mag-aral ng college. 'Di ba ito yung pangarap mo na makapasa tayo sa university?"

Tumingin ako sa kalangitan habang inaalala ang mga araw na 'yon. Iyong araw na hindi ko pa siya halos kilala. Grabe, hanggang ngayon, hindi ko parin makakalimutan kung gaano siya kaganda sa mga mata ko.

Wala siyang kaibigan, ganon din ako. Noon, kaming dalawa lamang ang laging magkasama. "Palagi ka pang galit sa'kin dahil tamad akong mag-aral."

Tumawa ako ng mahina. Tanging ako lamang mag-isa sa sementeryo sapagkat, nararamdaman kong nandito si Solluna sa paligid.

"Pangako, hindi na ako magiging tamad, isang taon na lang graduate na'ko, graduate na tayo." Natahimik ako ng ilang sandali. Kanina ko pa binabasa ng paulit ulit ang pangalan niya.

In Loving Memory of
Solluna Buenaobra

Born: October 5, 2003
Died: November 21, 2021

"Baka nakahanap ka na ng mas gwapo d'yan, ah. Maganda ka pa naman, halata na sa pangalan." Napailing na lamang ako sa mga pinagsasasabi ko. Maya maya ay biglang humangin.

Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy, biro lang, Leil!" Napuno ako ng kwento kahit wala namang nandoon pero hindi ko na iyon inalintana. Basta, masaya na ako sa tuwing iniisip na nandito siya kahit wala naman talaga.

Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili sa pagkamatay ni Solluna. "Mag gagabi na, Leil. Uwi na 'ko, ah?" Pinunasan ko ang luhang nabuo sa aking mata at kinagat ang labi.

Sana madisgrasya ako sa daan.

Hanggang sa sumunod sa pagdaloy ang aking luha kaya pikit mata kong hinalikan ang kaniyang lapida. "I-I'm sorry, I love you always, Solluna. I hope someday, we will meet again."

Sapagkat, ayaw ko pang mag mahal ulit- ayaw ko nang mag mahal ulit.

I drained myself when I got home. Yes, it's been three years but I still couldn't move on. Mahirap lalo na't mahal na mahal mo 'yong tao.

Walang araw na hindi ko hinihiling na sana ako na lamang ang nawala na sana maibalik ko pa ang oras. Unti unti na naman akong nawala sa sarili. Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko at nagsimula na namang sirain ang aking mga gamit.

Gusto ko nang sumama sa kanya, gusto ko na siyang makita pero magagalit siya. Nais niya akong maging masaya sa buhay ko. Paano naman 'yon mangyayari kung wala siya?

Tinapon ko ang vase at nabasag iyon, humagulhol akong napasandal sa pader at napa-upo. I was having a breakdown when the door opened slowly.

Atomatiko akong napatigil habang hinihingal na tumingin doon. When I saw who was standing outside the door, my eyes widened while my heart skipped faster.

__

This story is all about love and high school life that are relatable for some high school students. Chances and regrets, everything that is connected to life. A high school love story written by: Ina Senyora

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon