Chapter 4

20 6 0
                                    

SOLLUNA

"HALA, Leil, pano na yung project mo!" Nagmamadali si Faye habang tumakbo pababa ng building at tinulungan ako. Wasak na yun at ang hirap nang buohin muli o mabu-buo pa kaya 'yon. Kinagat ko ang labi upang pigilan ang pagdaloy ng luha ko.

Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao. "Ayan, ano kaya ginawa mo." Masungit na saad ni Land pero sa huli ay tumulong din. Pinagmamasdan ko 'yon. "Gawa na lang ako ng bago." Nakakairita lang dahil hindi ako lumaban.

"Ako na magbitbit." Subalit pinigilan siya ni Faye. "Huwag na, nakakaduda ka, eh." Binigay yun sa akin ni Faye ang ilang mga piraso nito.

Tinanguhan ko sila at nag aya na umakyat na sa taas. Hindi ako naka-imik. "Hala, deadline na ngayon." Kabadong saad ni Faye. Sabay kaming huminto, tumingin sila sa akin. "Sino ba may gawa sa 'yo niyan?" Umiling lamang ako.

Hindi na sila nagpupumilit kaya huminto muna kami sa isang hallway at umupo. Inayos namin iyon ng kunti pero ang lala na talaga nito, tabingi na ang bubong.

Nagpaalam si Land sandali at pumasok sa faculty. Paglabas niya, kasama na niya ang lecturer na nagpapagawa ng project.

"Ayan po ma'am, sinira raw pero hindi siya magsabi kung sino." Dinuro ako ni Land. Gulat na lumapit sa amin si ma'am at binitbit ang project kaya napaatras ako. Nagtanong siya kung sino ang may gawa pero magsinungaling ako na nahulog lamang 'yon.

Bumuntong hininga siya habang pinaglalaruan ko ang daliri ko. "Bibigyan kita ng another one week, okay?" Lumiwanag ang mukha ko at tumango.

Nanghihinayang ako dahil pinagpuyatan ko 'yun ng ilang araw. Sabay kaming pumasok tatlo habang ako naman ay humarap sa basurahan.

Nagdadalawang isip ako kung itatapon ko ba ito o hindi subalit nasasayangan ako kaya lumabas ako at pumunta sa locker's area.

Nang mapasok ko ang bagay na 'yon sa loob ng locker, may taong nakaharap sa akin sa likod ko. Muntik ko na siyang sipain sa kaba. Nakapamulsa si Ahiniko habang nakatitig sa akin.

"Ang pangit naman ng gawa mo." Tinignan ko lamang siya at nilampasan. Pati sa kaniya ay nawala ang takot ko.

Nilampasan ko siya at naglakad pabalik sa hallway subalit sumabay siya sa akin. Naglakad siya habang nakaharap sa akin kaya bali umaatras siya.

Nakasuot siya ng dark gray sweater na may nakatatak na logo ng M High na siyang paaralan namin. Hinawakan niya ang stick ng lollipop habang ang labi nito ay namumula dahil sa kulay ng pagkain.

"Bakit hindi mo 'yon tinapon? Tapon mo na, ang pangit naman, eh." Humalakhak siya pero wala akong pakialam sa kaniya.

"Feeling close." Bulong ko. "Alam mo, nagtataka ako kung bakit gumagawa kayo ng project? Aanhin ba 'yan?" Hindi ko alam kung seryoso ba siya pero kasi totoong kuryosado ang mga mata niya.

Still no response. Pangalawa talaga siya ni Asahi, mga walang pakialam sa pag-aaral. "Eh, kasi 'di ba, uupo lang tas mag tuturo 'yong mga teacher's, eh ba't may pa project pa, kala ko ba turo lang?"

Halos umikot ang mga mata ko at pumasok sa room. Bumungad sa akin ang maingay na silid. Subalit hindi pa ako nakalakbay ng ilang lakad ay may bola na ang tumama sa tiyan ko kung kaya't agad akong napaatras at panandaling hindi nakahinga.

"Hindi ka nakahinga? Sayang naman." Pinaglalaruan ni Asahi ang bola at pinapatalbog pa 'yon sa sahig habang nanunuksong tumitig sa'kin.

Nanahimik ang lahat, alam kong may gustong pumagitna pero natatakot sila kaya hindi ko siya pinansin at nilampasan siya habang nag titiis.

Kinagat ko ang likod ng labi ko sa loob ng aking bibig at nahihirapang kumuha ng hangin. Nagpakita ako ng walang pakialam at naglakad na parang walang nangyari.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon