Chapter 15

19 6 0
                                    

SOLLUNA

Patay ka na, ano pa bang ginagawa mo sa mundo ng mga buhay?

Kanina ko pa binabasa ng paulit ulit ang script at parang wala man lang pumapasok sa isip ko kung hindi ang linyang iyon. Nagulat ako nang pag lapag ko sa mesa ang papel, nanginginig ang kamay ko. Parang natamaan ako at hindi ko alam kung bakit.

Madaling natapos ang role play at wala sa sariling lumabas ako ng classroom. Nabalitaan kong may nagpakamatay sa kabilang building noong nakaraang araw, iyong araw na sinampal ako.

Tumingin ako doon habang naglalakad, ang daming nangyayaring hindi kanais nais sa paaralan. Marami nang namamatay, hindi ko alam kung normal pa ba ito. Noong una nasagasaan tapos ngayon naman may tumalon mula sa rooftop.

Pinasara ang rooftop mula sa araw na iyon at takot ang lahat na lumapit doon. Nanindig ang balahibo ko nang humangin ng malakas at nakaramdam ako ng isang tao ang sumunod sa akin. "Ahi." Tawag ko sa seryosong boses.

Parang ang panahon ay sumasabay sa pangyayari. Sumasabay sa pagluluksa sa mga kaluluwang umiiyak. Madilim ang kalangitan at kulay abo na paniguradong mamaya na lamang ay babagsak ang malalaking butil ng ulan.

Biglang may naglahad ng lollipop sa harapan ko na nagpatigil sa akin. Umiling ako kaya tumawa siya ng mahina. "Ang dilim naman ng mukha mo ngayon." Paninimula niya. Pinaglalaruan ko ang kamay ko.

"Sa tingin mo, Ahi. Anong dahilan kung bakit ka nabuhay tapos mamamatay lang sa huli?" Nanahimik siya at napapaisip ng malalim. Siguro nagulat siya sa biglaan kong pagtanong. Kinamot niya ang buhok at nagkibit balikat. "Ikaw, anong sa tingin mo?"

Bumagsak ang mga balikat ko habang dahan dahang naglakad. "Binuhay lang naman tayo para pahirapan." Dinuro ko ang rooftop. "Iyong nagpapakamatay, sigurado akong nabiktima siya at hindi niya na kinaya." Tumingin ako sa itim niyang mga mata. Minsan natatakot ako sa hitsura niya, napakaputi niya tapos may mga araw na itim na itim din ang kulay ng kaniyang buhok. . . Kagaya ngayon.

"Si kamatayan. . ." Bumaling siya sa akin. "May natatakot sa kaniya at nagagalit. May handang humarap at may ilan naman ay natatakot dahil gusto pang mabuhay. Masama na ba siya sa pagkukuha ng buhay ng isang tao?"

Naalala ko si mommy. Hanggang ngayon, hindi parin siya kinukuha, ibig sabihin may oras pa akong makakasama siyang humihinga. Akma siyang magsasalita nang inunahan ko siya. "Pero para sa'kin, hindi siya masama dahil ginagawa niya lang ang trabaho niya, kapag oras mo na, oras mo na talaga."

Tumingin ako sa kaniya habang may kaunting ngiti sa mga labi. "Kaya kung dumating man ang oras na papanaw na 'ko sa mundong ito, sana pabayaan niyo na'kong magpahinga." Kasabay non ay pagpatak ng luha ko.

Hindi ko alam pero may dumaang kakaibang kislap sa itim niyang mga mata. Huminto kami sa paglakad at napaatras ako nang lumapit siya sa akin. "Masama siya, Leil. Masama ang kamatayan." Nang matapos niyang sabihin iyon, nakalapit na pala ang mukha niya sa akin.

Nagkatitigan kami ng ilang sandali habang nanginginig ang mga mata ko bago siya umatras at lumayo, iniwan niya akong natulala sa gilid ng daan. Nagpatuloy sa pagpatak ang aking luha. Nilalagpasan lamang ako ng mga tao na parang walang nakakakita sa akin na parang isa lamang akong lumulutang na kaluluwang nawalan ng landas.

Nagmamadali akong tumalikod upang punasan ang luha ko. "Iyakin ka talaga." Nangatong ang tuhod ko at atomatikong nanginig nang marinig ko ang kaniyang malalim na boses. Napahinto ako bago namumula ang mga matang tumingin sa kaniya.

Hindi ko man alam kung bakit umiiyak ako sa hindi malamang kadahilanan. Nagtama ang paningin namin at ayan na naman iyang kulay kayumanggi niyang mga mata na hinahanap ko tuwing pumupunta ako rito.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon