Chapter 22

16 5 0
                                    

SOLLUNA

ASAHI was ignoring me all day! Hindi ko na napigilan ang sariling lapitan siya habang nasa loob kami ng klase. "Is there something wrong?" I whispered. Huminto siya sa pagpaikot ng ballpen at tumingin sa akin. Umiling siya at umiwas ng tingin.

Fine! I gave up. Ilang beses ko na siyang kinukulit pero hindi niya ako halos pinapansin. "Ilang linggo nalang sembreak na, anong plano mo, Land?" It was Faye. I heard them talking.

"Magbabakasyon kasama ang pamilya" Pina-ikot ikot ko ang ballpen sa daliri. "Recognition na naman, tapos tatawagin na naman pangalan mo sa stage. "Rolando Salardos Judas Mejosungayan Jr. With honor. Ayieee"

Sinondot sundot ni Faye ang tagiliran niya. Kasalukuyan silang nag-uusap habang nakasandal si Faye sa balikat ni Land. Sandali, parte ba iyan ng pagkakaibigan? "Tss. Hindi naman iyan ang totoong pangalan ko, yung apelyido lang at ayaw na ayaw ko sa apelyido ko"

"Bakit naman?"

"K-kasi parang kawawa naman yung mapapangasawa ko, madadamay lang yung pangalan niya. Paano na lang kung ang ganda ganda ng pangalan niya tapos mamantsahan lang ang apelyido ko"

"Hmm" Napatingala si Faye habang napapaisip, hinahawakan pa niya ang kaniyang baba. "Faye Mejosungayan, hindi naman, ah"

"A-ano?"

Hindi ko alam pero bigla na lamang akong napangiti at hindi ko na mapigilang matawa dahil sa usapan nila. "Thinking about him?" Biglang may humawak ng dulong buhok ko.

At sa aking pagbaling, naabutan ko si Asahi habang pinaglalaruan niya iyon. Hindi na ba siya galit? "Who?" I curiously asked. Pumikit siya at inamoy ang aking buhok. Dahan dahan siyang nagdilat at bagsak ang mga pilukang tumitig sa akin. "He smelled this too?" Napaawang ako nang binitawan niya iyon at lumayo. Umayos siya ng upo. "W-what are you even talking about?"

"Guess it. Explaining isn't my thing, Solluna Celestina" Pilit kong hinuhulaan kung bakit siya nagkakaganiyan pero wala talaga akong makuhang ideya. Bumuntong hininga siya na parang ibinuga niya na rin ang kaniyang sama ng loob.


"Why the fuck did he kissed you? And you just freaking let him. What was that, Solluna?" His expression was difficult to translate.

"Kiss what?" Gulantang kong saad. Doon lamang pumasok sa isip ko si Kaiji. Nanlaki ang mata ko at umiling. "Asahi, that-" Subalit sumenyas siya gamit ang nakakamatay na tingin. "Huwag ka nang magpaliwanag, bakit may tayo ba?"


Agad akong natahimik at parang may sumampal sa akin na katotohanan na siyang napagising sa akin. May kami ba? Wala, he isn't mine and I am not his. "A-Asahi. . ." Pinag-cross niya ang mga braoso at umiwas ng tingin.


"Edi doon ka."

Napakurap na lamang ako ng mata at akmang aabutin siya pero kinuyom ko ang aking kamao at pinigilan ang sarili. Kagat labi akong humarap din sa harapan at napapaisip ng malalim.

Paano ba maibabalik ang mood niya? Buong oras talaga akong nag-isip at wala talaga akong idea like, I don't know how to deal with this situation! Ngayon lang nangyari para sa'kin ito. Napakamot ako sa noo kahit walang kati. Paano ba 'to.


Right. Magpapaliwanag na lang ako mamaya sa kaniya kapag matapos na ang klase. My goodness. What is even this. Para siyang nagtampo, eh.

Me? Kissing that guy? Halikan ko siya diyan, eh.

Bigla akong namula dahil sa sinabi. Wait, malandi na ba ako!? Pero what if hahalikan ko na lang talaga siya pagkatapos ng klase- 'wag nakakahiya baka itulak niya ako. Nakakahiya naman 'tong iniisip ko. Noon acads lang pinoproblema ko pero ngayon dumadagdag na siya, ah.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon