Chapter 33

13 5 0
                                    

SKULL

TRABAHO na naman. Mula sa pagkakahiga, tumayo ako at lumutang pababa nang makarinig ako ng kaluluwang umiiyak.

It was a nice nap on the moon. My home. Nang makababa ako sa lupa, inayos ko ang itim kong kalo pagkatapos ay lumapit sa batang lalaki. "Susunduin na kita"

Nang magtagpo ang aming paningin, alam ko na agad ang pangalan niya, total siya naman ang responsibilidad ko. "Nasaan po si kuya?" Hindi ako sumagot at lumuhod upang magpantay kami.

Ang kamatayan niya ay nahulog siya sa isa sa pinakailalim na bangin sa kakahuyan at siguro ay tinulungan siya ng mga ligaw na kaluluwa upang makalabas.

Those forgotten souls. "Anong pangalan mo?" Tanong ko habang naglalakad kami. Alam ko na kung sino siya, tinanong ko lang upang hindi matakot.

Binigyan ko siya ng lollipop. "Asahikiro, po" Bumaling siya sa akin. "Mahilig po si kuya ko sa bubble gum, ako naman paborito ko ang lollipop!" Bumungisngis ito, maya maya pa ay lumiwanag na ang lugar.

"Uuwi na po ba tayo? Baka po kasi hinahanap na nila. . ." Napahinto siya at napakurap. Kapag mamatay na ang isang tao, ilang minuto na lang tatagal ang memorya niya at makakalimutan niya na rin ang lahat pati ang kaniyang pangalan at kung paano siya namatay.

Masyado pa siyang bata upang mawalan ng buhay. Masyado pa rin siyang bata upang makaintindi. Nagpatuloy kami sa paglalakbay at tuluyan na nga siyang isinauli.

Sa isang araw, marami ang sinusundo ko at isang minuto lamang ang aking pahinga. It is really frustrating.

Habang nakaupo sa buwan, matagal ko na talagang napansin ang isang taong palaging nakatingala sa itaas. She is really admiring the moon. I wonder who could that be?

Matagal na niyang ginagawa iyon at matagal ko na rin siyang napapansin, hanggang sa isang araw naisipan kong bumaba at puntahan siya. Hindi niya ako nakikita.

Umupo ako sa kaniyang bintana at nakita kong may binabasa siyang aklat. Facts about moon. Umangat ang aking kilay. Isang batang babaeng mahal na mahal ang buwan.

Inilibot ko ang paningin sa kaniyang silid at puro bituin, buwan ang mga disenyo nito.

Maraming humahanga sa buwan subalit naiiba siya. Siya ang mas napansin ko.

"You aren't doing your responsibility right. What happened to you?" Sa tatlong daan taon ko ng namumuhay, ngayon lang ulit ako kinausap ng gumawa sa akin.

I can't call him my father even though he is. I'm just ashamed. Nahihiya akong tawagin siyang ama dahil puro lamang ako malas para sa kaniya. Palagi niya lamang akong iniiwan at ginagawa rin ang kaniyang responsibilidad. Parang kinalimutan niya ako. Natatakot din ako sa kaniya at hindi magkalapit ang loob namin.

"Can I rest?" He stopped while holding his scythe. Nakipagusap ako at biglang nagulat nang pumayag siya.

Magiging tao muna ako ng isang taon at mabigyan ng chansang makipag kaibigan sa mga tao. Sa sobrang saya ko, agad akong bumaba matapos pinalitan ang aking anyo. Ang pula kong buhok ay pinalitan ko ng itim. Pati ang aking ugali ay tinakpan ko.

Siya agad ang una kong nilapitan. Alam na alam ko kung ano ang bawat nangyayari sa buhay niya. Kaarawan niya kahapon at katorse anyos na siya ngayon.

Nakaupo siya sa upuan ng kanilang library habang umiiyak dahil kasi sa nangyari sa kaniyang mommy noong nakaraan.

Akma akong lalapit nang napansin ko ang isang lalaki na kaedad niya lamang. Nasa kabilang shelf siya habang may binu-bully.

"Isusumbong kita sa mama ko, Asahi!" Humagulhol ang bata at lumabas sa library habang may sulat na ng kung ano ano ang kaniyang damit. Humalakhak lamang siya at umalis.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon