Chapter 28

10 4 0
                                    

SOLLUNA

Tumawa lamang ako at lumabas na ng room. Pagkalagpas ko ng pintuan ay nakita ko si Faye na namumutla. Para siyang nakakita ng multo. Tinapik ko ito at bigla siyang tumalon sa gulat at napasigaw.

"Ah! Hindi ko kayo nakitang nag halikan, promise!" Diretso akong napahinto at napatitig sa kaniya. Wait... Did she...? Dahan daghang bumilog ang aking mga mata. Oh, no.

Hinabol ko si Faye nang tumakbo siya sa hallway habang sumisigaw na parang hinahabol siya ng multo." Faye, Faye! " Tinakpan ko ang bibig nito. Nagpupumiglas pa siya. Huminga ako nang malalim. We're doomed.

Wala kaming iban nagawa ni Faye kung hindi ang magtitigan sa loob ng meeting. Natatakot kasi ako na baka biglang bumuga ng mga salita ang bibig niya. "Opening bukas, please wear violet. Dismiss" Pinutol ko ang aking tingin at lumapit kay Faye.

"H-Hinihintay kita kanina kasi bakit ang tagal mo tapos madadatnan ko lang kayo sa classroom na ganon" Tumabi ako. "Kailan pa naging kayo? Ang alam ko ayaw na ayaw mo sa kaniya?" Sumilay ang nangutngutyang ngiti niya.

"Sus, enemies to lovers" Tumawa siya at nawala agad iyon. "Seryoso, kayo na ba?" Ilang segundo akong natahimik bago dahan daghang tumango. "Please, I don't want people to know this, doesn't mean I'm not proud of him it's just, I want it to be private temporarily"

"Aysus, mag tatampo iyon tapos maghahanap iyon ng ibang babae na kaya siyang i-flex" Dumagan ang kaba sa dibdib ko. "H-Hindi, Faye. Naiintindihan niya naman ako" Hahanap ng iba?

"Pero kung kaya niyang mag hintay at mahal ka niyang talaga, so. . ." Nagkibit balikat ito. "Pero kung private kayo tapos may magtanong kung kayo nga, huwag na huwag mo siyang e deny, ano, sabihin mo na lang secret, basta" Tumawa siya.

Hindi ko kayang makipagtawanan sa biro niya ngayon dahil sa iniisip ko. Pero paano nga? Baka mag hanap nga siya ng iba? Ang iniisip ko ay umabot pa talaga ng bahay at hindi ako makatulog.

Boring akong tao, hindi niya gusto ang natatanging habit ko. Hindi ko rin masasabayan ang mga hilig niya. Paano kung makakahanap siya ng talented tapos masasabayan siya sa mga gusto niya tapos maganda, matalino, at magaling mag biro?

Diretso akong napaupo at nanigas. Tapos ako tititig lamang sa kanilang dalawa habang pinupunasan siya ng pawis sa bago niya kapag nag be-break siya sa badminton at kaya nila iyong gawin sa harap ng tao dahil kaya siyang i-flex nito?

Edi wow.

Huwag naman sana. Tumayo ako at binuhay ang ilaw. I have to do something. We are almost one month as couple and I have to make him gifts. Kinuha ko ang isang kahon na puno ng makukulay na papel. The only thing I could do for him is write him a poem.

Kahit anong linggwahe pa iyan, kahit inchik gagawin ko.

Marami na akong nagawa tungkol sa kaniya at siya lang ang ginagawan ko ng tula. Except kay daddy. Should I bought him shoes for his sports? "Mayaman 'yun" Okay, how about racket? "Pwede rin"

Hindi mahilig mag basa ang taong yun kaya natatakot ako baka kapag bigyan ko siya ng letter hindi niya babasahin. Kinuha ko ang cellphone at imbes na pumunta sa google, napa-open ako ng Facebook. Kung saan saang home lang ako pumadpad hanggang sa umabot ako sa home ni Kria. Ba't ba ako nandito, alis na nga ko-- May bagong post siya.

Mga selfie na naka-smile. Napangiti ako ng konti, ang cute ng ngiti niya, nakakahawa. Imelisa commented: umuwi ka na di na kami galit miss ka na ni Asahi raw. Mas lalong lumaki ang ngiti ko. Hahahaha. Aray, sana 'di ko na lang binasa.

Ayan kasi, kung saan saan napadpad. Hindi niya ba ako naiisip, I mean hindi niya ba kami ship ng anak niya? Hello, nandito po ako. Solluna, malay ba ng nanay niya na mag jowa kayo.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon