Chapter 7

22 6 0
                                    

SOLLUNA

I OFTEN felt deja vu. Animo'y ang aking kaluluwa ay naglalakbay sa ibang dimensyon habang ang aking katawan naman ay naiwan at nakatayo lamang sa isang madilim na sulok. Creepy.

May nadadaanan akong mga pangyayari na parang nangyari na sa panaginip ko o hindi kaya nangyari na buhay ko, subalit hindi ko maalala kung kailan o nangyari nga ba?

Weirdo. Sapagkat, batid kong hindi lamang ako. May kasama ako at hindi ko alam kung sino, but I can feel who is that person.

Inayos ko ang pagkaka-tali ng buhok ko habang pinaglalaruan ang lapis sa aking mga daliri. Sinara ko ang aklat na may naglalamang mga pamahiin at nag inat ng katawan.

I like reading those kinds of books too. Sabi nga sa nabasa ko na pamahiin, na kapag daw naligaw ka sa isang lugar, baliktarin mo lang yung damit mo upang matulungan kang makabalik nito.

Tuluyan na akong tumayo at lumabas sa library bago ko sinauli ang aklat. Napapahikab pa ako dahil kulang ang tulog ko kagabi kaka-aral sa darating na quiz.

Malapit ng mag alas otso ng umaga. Ibinaba ko ang pulsuan bago tinignan ang relo sa aking pulso. Mula rito, nakikita ko ang mga kaklase ko na nakatayo sa ilabas ng room.

My ilan nakatunganga sa railings, naglalaro ng sipa, lastiko, may nag kukuwentuhan, ang ilan naman ay naiinip na.

Wala pa kasi 'yong may hawak ng susi kaya naghihintay kami ngayon sa labas at napagdesisyunan kong pumunta sa library pero pag balik ko, wala pa rin si Lorena, yung may hawak ng susi.

"Naliligo pa ba 'to si Lorena?" Rinig kong sambit isa sa kanila. "Puntahan niyo na lang si sir, kunin niyo yung susi." Malamig kong tunog. Bumaling sa akin ang isang grupo ng kababaihan.

"Wala pa rin si sir." Kibit balikat nila. Halos gusto na nitong ipukpok ang ulo sa pader dahil sa kabagutan. Sa huli sinubukan nilang pasukin ang room sa bintana upang mabuksan ito.

"Sandali lang, gagi." Iritadong reklamo ng kaklase kong lalaki habang tinutulak ng isa ang pwet niya. "Ang sikip, hindi ko 'to kaya!" Reklamo nito, nakatitig lamang ang buong klase sa kanila habang paminsan minsan ay tinutulangan siya. Sinubukan pa nila silang i-cheer.

"Kayanin mo!" Pagpipilit nito. Natigil lamang iyon nang makarinig kami ng mabibigat na mga yapak. Sabay kaming napatingin doon at dahilan din iyon upang matigilan ang dalawa na nasa bintana.

Nakahawak pa rin siya sa pwet nito habang ang isa naman ay nakalusot pa ang ulo sa loob ng bintana habang pilit na tumitingin kung sino ang mga naglalakad.

Pagbaling ko roon, nakita ko ang grupo ng kalalakihan. Napagilid kaming lahat upang mabigyan sila ng daan. Sa isang tingin mo pa lang sa kanila ay masasabi mo talagang mayayaman ang mga ito.

Buhok pa lamang na parang may baby oil dahil sa kinang. Bumaling ang isa sa kanila sa akin bago ako tinanguhan. Tipid ko itong nginitian ng pormal bago sila tuluyang lumampas.

Doon lamang ako bumuntong hininga habang silang lahat naman ay nakatingin na pala sa akin.

Isa sila sa mabibigat na grupo ng eskwelahan at si Asahi ang kanilang pinuno, pero kagaya ng nakasanayan, absent siya.

Kahit pilit ko mang sabihin na wala akong nabibilangang grupo sa eskwela, hindi ko pa rin iyon maiwawaksi ng basta basta.

The CH. Children of the Honorables. Mga anak ng mga politiko.

Pinaglalaruan ko ang nga daliri ko. Puro sila mga lalaki at kaparehas lang kaming mga senior high. Bahagi pa naman ako ng grupo pero sadyang ayaw ko lang makisama, lalo na't kasapi si Asahi roon.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon