Chapter 19

16 5 0
                                    

SOLLUNA

PALIHIM kog tinitignan ang perpektong mukha ni Asahi habang malalim na iniisip. Sa totoo lang, pamilyar siya simula nung una ko siyang nakita. Parang nakakasama ko na si Asahi noon pero hindi ko maalala kung kailan.

Pero hindi naman ganun kay Ahiniko, hindi siya pamilyar at sigurado akong ngayong taon ko pa lamang siya nakasama. Nakikita ko na si Sei noon pa man dahil sa magkapareha naming paaralan pero alam ko talagang wala pa kaming madalas na pinagsamahan pero parang mayroon.

And I wonder, does he feel the same?

Napapikit na lamang ako at iniwaksi yun sa isip ko. "Mas masarap talaga yung manggang hilaw tapos sawsaw mo sa asin." Napapagitnaan nila akong dalawa. Si Ahi ay nakasakay sa bike nito habang kami ni Asahi ay naglalakad.

Hindi ko nga alam kung saan kami patungo, sumabay lang ako sa kanila. Hindi ko na alam kung anong lugar na ito, pero ang payapa rito. Lupa lamang ang daan na medyo mabato tapos sa gilid naman ay medyo patag tapos nag beberdehang mga damuhan.

"Solluna, bakit ang tahimik mo? Natatakot ka ba na baka hinahanap ka na ngayon? Kung gusto mo, ihahatid ka na lang namin." Lumapit si Asahi. Nagmamadali akong umiling, ayaw ko ng bumalik sa kulungan na yun. Baka naman mamamatay na pala ako bukas tapos hindi ko man lang makikita kung anong nasa labas ng mundo. "Sigurado ka ba?" Tanong ni Ahi. "Oo nga." Umuna ako sa kanila at tinignan sila isa isa.

"Kaya ipakita niyo na sa'kin kung gaano kaganda ang mundong inaapakan niyo." Ngumiti ako ng matamis at tumalon pagkatapos ay itinaas sa ere ang dalawang nakabukang palad. Nagkatitigan silang dalawa habang napapitok.

"Weirdo." Humalakhak si Sei kaya bumasangot ang mukha ko. Lumapit siya't umakbay sa'kin, nagsimula na ulit kaming maglakad. "Ahi, alam mo naman siguro na may falls doon 'di ba?" Dinuro niya ang harapan.


"Oo!" Sigaw pabalik niya. "Makapal naman yung uniform natin, huwag kang mag-alala hindi iyan." Maya maya pa'y pababa ang daan at medyo maraming kakahuyan, may maliit na bahay ang nakatayo sa gilid at sa tabi nito ay punuang mangga.

Iyon lang din ang nag-iisang bahay sa lugar. Umalis si Asahi at nagtaka ako dahil may bitbit na silang mga bato at biglang nanlaki ang aking mga mata nang tinira nila ang punong mangga at naghuhulugan ang mga bunga nito, may ilan pa ay bumagsak sa bubong ng bahay.

"Oh, may tatlo, kunin mo!" Tumakbo ito at kagat labing bumalik na parang nanggigil sa manggang nakuha habang bitbit na ang bunga. Hinawakan ko sila sa braso habang tumitira. "B-baka makita kayo ng may-ari."

"Asus, suntukan pa kami ng may-ari." Sabay silang tumawa nang biglang may baritong boses ang sumigaw.

"HOY, SINO BA 'YANG PUTANGINANG 'YAN?!"

Nagmamadaling pinasok ni Ahi at Sei ang mga mangga sa mga bag nila sabay hawak ni Asahi sa'kin habang tumatawa. "Tangina, nandiyan na siya. Takbo!" Bago ako tumalikod, nakita ko ang pinto ng bahay na bumukas na mas lalong nagpapakaba ng puso ko.

Sabay kaming tumakbo at sila lamang dalawa ang masaya. Ano bang nakakatawa roon?! Tumago kami sa malaking kahoy nang pinagpatuloy nila ang kanilang tawanan habang mahinang sinusuntok ang isa't isa.


"Oh" Inilahad ni Asahi ang dalawang mangga habang natatawang nag punas ng luha. Nakanguso ko iyong tinanggap at binalot ng papel pagkatapos ay inayos sa bag ko. "Saan ba nakakatawa roon, e nakakatakot kaya"

Sabay silang bumaling sa'kin. "Si Asahi kasi, eh. Patay gutom" Agad nalukot ang mukha niya. "Ano? E, ikaw kaya iyang gusto ng mangga. Buntis ka ba?" Mukha lamang hilaw yung kinuha nila, pero iyong klase na mangga ay hinog sa ilalim na kulay berde lang ang sa labas.



The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon