Chapter 27

17 4 0
                                    

SOLLUNA

BOYFRIEND. Boyfriend. . . So I have a boyfriend. This is new. I mean of course. Kasintahan. Oh my goodness, Solluna may boyfriend ka na. Tinayuan ako ng balahibo. My studies should still be my top priority.

Dinuro ko ang mukha ko habang nakatitig sa salamin. Kala ko ba study first tayo? "Tch" Doesn't mean I already have one I'll ignore my studies.

I need to hide this from dad even though I don't want to. I changed outfits and went to school, the atmosphere is still the same.

"Solluna!" Yumakap sa akin si Faye at agad nag kwento. Saktong pumasok si Asahi at bagong gupit siya. Nagkatinginan kami at umiwas ako ng tingin.

Oh, my boyfriend is here. "Grabe ka naman, Solluna" Napukaw ako sa boses ni Faye. "I-Im happy for you" Sabi ko na lang kahit hindi ako nakinig sa kwento niya.

"Happy? Nakangiti ka pa? Namatay nga 'yung pusa ko!" Napakagat ako ng labi at napahawak sa kaniyang abaga habang paiyak na ito. "A-ah?"

Pinagaan ko ang kaniyang loob hanggang sa dumating si Land. Bagong gupit din. Napansin kong mas gumanda ang buhok ni Faye ngayon.

She has rebonded hair. Land took Faye away from me so I shrugged. Muntik na akong napalukso sa gulat nang tumayo si Asahi sa aking gilid habang tahimik na nakapamulsa.

"Good morning" Ginulo niya ang tuktok ng aking ulo. Asahi understands our situation. We need to keep this private until I reach legal. I will do anything to make our relationship public.

Lihim ko siyang tinignan at kinindatan niya lang ako na siyang nagpapa-lambot ng aking atay. Buti na lamang at dumating ang adviser at pinagawa kami ng new years resolution na may sukat na limang daang salita.

"Okay, last five minutes"

"Sir?!"

"Sir, wait lang, sir!"

"Ang bilis naman!"

Wala akong ibang magawa kung hindi ang umupo at mag basa since kanina pa ako tapos. Lihim akong bumaling sa kaniyang pwesto at nakita ko si Asahi na nagsusulat, medyo halata sa kaniyang mukha na nahihirapan siya pero maya maya pa ay tumayo ito at nag pass.

Ang lahat ay napatingin sa kaniya habang sinusundan ito ng tingin. Tinitigan din siya ng adviser habang hawak ang papel nito. Kahit ako nawindag, unang beses niyang mag pasa ng papel.

When the second subject came, Asahi fell asleep again. I sighed. Ano ba kasing ginagawa niya buong gabi at palagi siyang tulog sa umaga. Multo ba 'to o bampira. If I were allowed to come near him I would pat his head.

Pauwi na ako nang sinugat niya ako sa labas, medyo malayo na kami sa gate. Walang pasabi niyang hinila ang strap sa bag ko kaya ako napaatras. "Akin na" Wala akong magawa kung hindi pabayaan siyang kunin iyon at siya na ang nag bitbit.

"Oh." Sabay ibinigay ang cotton candy na violet. Kinagat ko ang loob ng aking labi at hindi mapigilang mapangiti ng konti. Suot ni Asahi ang bag ko at naka-sling bag din siya. Sa loob naman ng kaniyang braso ay naka-ipit doon ang kaniyang skateboard.

We talked and talked and talked until our feet drove us to a place where full of bird's singing. Nagsisimula na ring maging kulay kahel ang kalangitan dahil malapit nang gumabi.

Nakarating pala kami sa boulevard. Inilagay niya ang mga bag sa isang upuan. Kinuha ko naman ang libro ko upang mag basa. Habang siya naman ay nag e-skate. Pinagmasdan ko siya ng palihim. Walang emosyon ang mukha ko pero hangang hanga ako sa ka astigan nito. Maya maya ay lumapit siya habang nakasakay doon.

Inapakan niya iyon ng malakas at nang umangat sa ere ang skateboard agad niya iyong hinawakan. Muli akong bumalik sa aking ginagawa. "Leil,"

"Hm?" Hindi ko pa rin tinatanggal ang mga mata sa aklat. "Turuan kita mag skateboard" Nakatabi na pala siya sa'kin. "Sige" Kalma lang kunwari normal lang ang takbo ng buhay mo, Solluna.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon