Chapter 20

21 6 0
                                    

SOLLUNA

BUWAN, araw, bituin. Maari mo ba akong mahalin. Bituin, araw, buwan. Maari ba kitang halikan. Aking irog, pagmamahalan ko sayo'y tuloy tuloy kagaya ng tubig sa ilog. "Hah!" Kagat labi kong hinawi ang aking buhok habang kinikilig.

Ito na ba ang pag-ibig? Ang sarap naman sa pakiramdam, tila ako'y nakalutang sa kalangitan, parang gusto ko na lang maging ganito habang buhay. Sumayaw sayaw ako papunta sa kama upang matulog na. Ano ba, 'wag ka nga!

Niyakap ko ang unan habang ang lilikot ng labi ko. Eh, kasi naman. Huminto ako sandali habang pinapakiramdaman ang puso ko. Gusto ko na siya, oo na. Gusto ko si Asahi.

Hindi ko inaasahan iyon. Hindi ko rin alam kung bakit. Sigurado akong hindi dahil sa gwapo lamang kasi. Magaling kasi siya sa ibang bagay. Huminto ako at mas lalong niyakap ang unan at sumubsob doon.

Hindi ba nakakahiya iyon? Unang beses kong magkakagusto sa isang tao at hindi ko na alam. Bahala na. Mapahiya man ako o hindi. Sasabihin ko lang sa kaniya ang totoo kong nararamdaman sa tamang araw.

"Solluna Buenaobra!" Sumugat sa akin si Land habang may dala dalang papel. "Magkakaroon daw ng role play, Romeo and Juliet tapos by section. E ju-judge raw ni ma'am sino pinakamagaling sa apat na section."

"Tapos." Hinahanap ko si Asahi. Saan ba siya? Hanggang sa pag-upo ko ay sinusundan niya ako. "Tulungan mo akong mag lista kung sino kukuhanin natin." Pumunta siya sa harapan at sumigaw. "Okay, guys! Dito muna, may meeting lang! Faye, tawagin mo iyong nasa labas."

Tumingin ako sa bintana. Hindi ako interesado. Paniguradong, sa likod lang naman ako ng camera. Tega hawak ng camera, director o gagawa ng script. "Sino sa tingin niyo kukunin nating Juliet? Ayusin niyo, para sa grades 'to. Iyong maganda, ah tapos magaling um-acting."

Sinubsob ko ang mukha sa braso ko sa mesa at umidlip, pag-gising ko, may nakuha na silang mga cast. "Kukumbinsehin lang natin si Asahi na maging leading man para may kapares na si Sia." Biglang lumaki bahagya ang tenga ko sa narinig.

Sandali, sandali, sandali. Ano iyong narinig ko? Asahi? Sia? Tumayo ako at lumapit kina Land at Sia. "Oh, mabuti gising ka na. Ikaw nalang mag convince kay Asahi, kasi 'di ba close kayo?" Hindi ako nakapagsalita dahil sa irita ko.

"Bakit si Sia?" Ang galing naman nilang pumili sa gaganap na Romeo, gwapo pero sa Juliet hindi? Hindi puwede 'yon. Hindi ba talaga nila ako naisip? Magaling kaya ako. Natulog lang ako, nakalimutan na nila ako. Ako kaya? Bakit hindi ako? Maganda naman ako, ah. Weh? Pero marunong naman akong umarte, ah.

Pumadyak ako na nagpatigil sa kanilang dalawa. "Ayoko" Kalmadong sabi ko pero sa totoo lang, sasabog na'ko. Gusto kong mag porhisyo. Bahala nga kayo d'yan. Hindi porket tahimik lang ako, ibig sabihin ayoko. Edi 'wag. Sige lang.

Binuhay nila ang tv para tingnan ang palabas para raw alam na namin ang gagawin. Hindi ako tumingin, ba't ko naman gagawin iyon, e kasali ba 'ko? Gagawin kong bruha si Juliet sa script, eh. "Asahi, nandiyan ka na pala ikaw daw magiging bida sa section natin, kapares mo si Sia"

As if papayag iyan. Mga siraulo. Pinaglalaruan ko ang papel na may lista ng mga pangalan ng mga noisy. "Sige" Agad lumiko ang leeg ko papatingin sa kaniya. Sandali, pumayag siya? Ng ganon kadali?

Tinignan ko siya habang naglalakad. At kailan pa siya nag participate? Bumuntong hininga ako. At dahil sa galit ko, nilista ko si Rai kahit bumahing lang siya, si Tina rin kahit nagtapon lang siya ng basura. Oo, maingay si Tina dahil naririnig ko yung yapak niya. Ano lalaban ba sila? Ako may-ari ng ballpen kaya desisyon ko 'to.

Malapit ng matapos ang palabas at nalungkot ako nang makita kong hinalikan ni Juliet si Romeo. Tumayo ako ng matapos na ang palabas. "Solluna, ikaw nalang gagawa ng script, ah." Isang beses akong tumango at lumabas. Isa-submit ko lang yung lista kay ma'am.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon