Chapter 8

28 6 0
                                    

SOLLUNA

BIGLA na lamang napunta sa akin ang kaniyang atensyon. Humakbang ako papaatras at napalunok nang sinawsaw niya ang kamay sa cake na parang ibabaon na niya ang kamay niya roon.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya kaya sumingkit ang mga mata nito. Sumigaw ako nang tumakbo siya upang ipunas sa akin ang icing. Hinabol niya ako sa loob ng classroom habang sinisigaw ang pangalan ko. Seriously, Asahi?! Minsan na nga lang ako manalo sa favoritism sa ganito pa!

Of all students in the school, ako pa talaga ang paborito niyang siraan ng mundo?! School bullies should stop breathing and be a fart. Hindi ako nagbibiro.

"Asahi, ano ba!" Lumabas ako sa loob ng silid at tumatakbo na kaming dalawa ngayon sa hallway. Hindi ako natutuwa! Pero sadyang mas malaki ang mga hakbang niya at naabutan ako.

Isinandal niya ako sa pader at tumawa na parang demonyo habang hinilamusan ako ng icing na para bang isa iyong skin care. Hindi ako nakapagsalita habang nakapikit at tikom ang bibig na tinutulak siya.

Nararamdaman ko na ang lagkit nito! "Iyan, bagay sa'yo, skin care routine!" Nararamdaman ko na siyang lumayo pero hindi ko siya nakita. Parang gusto kong sumabog sa galit habang hinahawi ang icing sa mukha ko. Buong lakas akong nagdilat at galit na tumingin sa kaniya.

"Ba't ba ang papansin mo?!" Tumakbo ako sa kaniya kaya unti unti na siyang lumalayo. "Ang panget talaga ng mukha mo, Leil!" Pumuno ang tawa niya sa hallway at umakyat ng hagdanan pero bigla siyang natumba.

Para akong sinuntok ng kasarapan sa buhay at hinawakan ang slacks nito bago umupo sa kaniyang dibdib at pinagsampalan sa mukha niya ang nakuha kong icing sa aking mukha.

Paulit-ulit siyang nagmura hanggang sa tumayo ako at sinabunutan siya sa buhok. Imbes na magalit ay natatawa siya habang sinusubukang tanggalin ang kamay ko.

Parehas na kaming may icing sa mukha. "Papansin ka!" Umalis ako at agad agad bumaba ng hagdanan. Mabilis akong tumakbo nang naabutan niya ako at pilit hinahawakan sa pulso.

"Bitawan mo nga ako! Papansin!" Wala akong pakialam kung paulit ko na iyong sinabi dahil totoo naman talaga. Hindi ba papansin ang tawag nito?! Asahi Sansei is the real definition of papansin.

Habang sinusubukang kumawala mula sa pagkakahawk niya ay napapaatras kami kaya dumikit ang likod ko sa isang pintuan. "Anong sabi mo?" Hinihingal niyang tanong. Tinutukan ko siya at biglang natawa dahil sa mukha niya.  "Mukha pa ba 'yan, Asahi?" Mukha siyang clown na walang kain. Mas hinigpitan niya ang pag-hawak sa akin at inilapit sa akin ang kaniyang mukha.

Mas lalong umasin ang mukha ko. "Ano ba! Lumayas ka nga-" Hindi ko na nasabi ang susunod na katangang nang biglang bumukas ang pintuan at sabay kaming bumagsak sa sahig.

Agad nasubsob ang mukha niya sa aking dibdib kung kaya't natigilan ako at parang namanhid. Pinakiramdaman ko ang dibdib ko't nararamdaman ko ang makapal niyang mukha roon na parang nakikiunan.

Walang nakapagsalita o makalagaw man lang sa aming dalawa kahit gusto ko siyang itulak dahil sa gulat. "Anong ginagawa niyo d'yan?" Diretso akong napa-upo at tinulak siya habang nangingilabot.

Tumingin ako kung sino ang nagsalita at para akong namutla dahil sa hiya, lalo na noong nakita ko ang ama ko na nakaupo sa isang upuan kasama ang mga bigating tao.

Nandito kami sa principal's office! "I-Im sorry." Tumayo ako at mariing napayuko. Hindi ako makatingin ng diretso kay daddy dahil sa takot at hiya. Even the mayor-his father is here!

Dahil hindi ko na nakayanan ang hiya at takot, nagpaalam ako at umalis ng opisina. "I-Itutuloy pa ba natin ang pag-uusap tungkol sa pagdo-donate ninyo, SB and mayor?" Rinig ko pang pahabol na tanong ng principal.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon