Chapter 10

39 6 3
                                    

SOLLUNA

TAHIMIK kaming dalawa habang walang ingay kong nginunguya ang bubble gum na binigay niya. Nakaupo parin ako sa gilid ng kalsada habang nakalagay ang dalawang braso sa aking mga tuhod.

"Iniiyak mo d'yan?" Inayos ni Sahi ang cap nitong itim at tumabi sa akin. Umurong ako ng konti. "Wala." Mas lalong humigpit ang mga braso ko sa aking tuhod. Naramdaman ko siyang nagkibit balikat.

Pinaglalaruan nito ang gulong ng kaniyang skateboard bago bagot na nilagay iyon sa semento. "Bakit ka pa ba nandito?" Medyo masungit kong tanong.

"Bawal ba?" Akma akong magsasalita nang pinutol niya agad ang mga salita ko. "Ikaw ba't ang bilis mo lang umiyak? Oh, naiiyak ka na naman. Iiyak na 'yan." Kahit madilim, nakitang kong ngumisi siya ng nanunukso. Suminghot ako. "Hindi mo lang kasi alam."

"Ha?"

Umiwas ako ng tingin. Bahala siya sa buhay niya. "Ha? Ano?" Inilapit na niya ang mukha sa akin kaya tinulak ko siya. "Huwag ka ngang lumapit-"

"Ha?" Tumigil ako habang nagtitimpi na sa ugali. "Ha? Papansin ka?" Ginaya ko ang salita niya habang ngumingiwi. Agad siyang natawa kaya umikot ang mga mata ko.

Muli kaming natahimik at tanging kuliglig lamang ang naririnig ko sa lugar naming dalawa. Sapagkat, hindi ako nakaramdam ng ilang. Hindi ko alam pero hindi ko muna sinaisip na kaaway ko si Sahi.

"The moon is beautiful but behind its beauty, there's an imperfection, but it still shines." Diretso akong napatingin sa kaniya nang binulong niya ang mga salitang iyon.

"Parang ikaw lang." Bumaling siya sa akin kaya natutop ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, matalino akong tao pero sa simpleng bagay na iyon ay naguguluhan ako. "Nagtataka ka?"

Mahina akong napatango at napatigil, hindi ko inaasahang sasagot ako sa mga tanong niya. "Nabasa ko lang iyon sa aklat mo bago ko iyon itapon sa daan at umiyak ka."

Nagbaba ako ng tingin. How did he manage to memorize it? "May kasalanan ka, 'no?" Muli na naman akong napatango. "Sobra pa sa kasalanan."

"Ayan kasi."

"Lahat naman tayo, ah."

"Pero sobra naman iyong sa 'yo."

Hindi agad ako nakapagsalita dahil totoo naman. Napansin ko kay Sahi na hindi siya mahilig magseryoso pero sa tuwing sineseryoso niya ang usapan o mga bagay, sasampalin niya sa 'yo na isa kang bobong hampas lupa na tanga.

Pero sandali, ano? Anong sobra? Wala naman siyang alam. "Narinig ko kayo kanina sa loob, dahil sa sama ng loob mo hindi mo na ako napansin at lumabas ka, sayang guguluhin pa naman sana kita."

Hindi bumukas ang bibig ko para sumagot. "Pero masahol iyong nangyari sa kaniya na pati si satanas mapapanganga at mapapalakpak." Humalakhak siya ng tawa.

"Parang buwan ka talaga. May mga hindi perpektong nakatago sa likod ng pagkatao mo pero sinikap mo paring magliwanag." Napakurap ang mata ko at sinuri siya.

Pero hindi liliwanag ang buwan kapag walang araw.

Kulang na lang talaga at iisipin ko ng hindi si Sahi ang nasa tabi ko. "Humingi ka ng tawad." Humikab siya at halatang inaantok na ito.

"Pero kulang na kulang ang patawad, o hindi kaya wala lang sa kaniya ang salitang patawad pagdating sa nagawa mo. Para ka lang hanging pinipilit si Shai na makita ka niya. Pero hindi naman kita huhusghan, dahil wala naman ako sa pangyayaring iyon."

Hinawakan niya ang baba nito habang napapaisip.

"Malay natin hindi ba, na hindi mo pala kasalanang hindi na siya makakalakad pa. Baka may totoong dahilan kung bakit hindi na niya magamit ang kaniyang paa bago mo siya ginawan ng hindi tama, pero kasalanan parin ang pagtulak mo sa kaniya sa hagdanan."

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon