Chapter 21

17 5 0
                                    

SOLLUNA

MY DAD had a wife before he met my mom. Her name was Celicilda. Masaya naman sila sa pagsasama subalit dahil walang kaya si daddy, nagbago at iniwan siya ni Celicilda at naghanap ng iba.

Sobrang nasaktan siya at naging mababa ang tingin niya sa sarili lalo na noong malamang buntis ang una niyang asawa kahit wala pa namang nangyayari sa kanila. Pero hindi pinanindigan si Celicilda at itinanggi ang bata.

Hiwalay na sila ni daddy nang makilala niya si mommy. Tanging siya lamang ang nakasama niya sa mga panahong paghihirap nito hanggang sa nahulog ang kaniyang loob kay mommy.

Nagpakasal sila at nabuo ako, sabay silang nagpursigi hanggang sa nagkaroon ng pera at yumaman. Nang mabalitaan iyon ng dati niyang asawa, bumisita si Celicilda sa bahay at nagmamakaawa na balikan siya at sinabi pa niyang anak niya si Henessy.

Naiirita talaga ako sa tuwing pumapasok iyon sa isip ko. Ganon na ba talaga ka kapal ang kaniyang mukha? Nandidiri ako. "I told you, I didn't invite her to come over! Hindi ko nga alam na pupunta siya rito." Paliwanag ng ama ko.

Hindi ko siya sinagot. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya. Paano ako makakasigurado? Baka nangungulila na siya kay mommy at gusto na niya ulit maranasan ang may asawa? "Kung ano man iyang iniisip mo, it's all wrong." Bumuntong hininga siya.

"I will never do that. Yes, I want to be loved pero gusto ko ang mommy mo lang yun maliban sa'yo" Marahan siyang lumapit sa akin. "I'll do my best to let her out here" Lumabas siya ng kwarto ko. Sumunod din ako at sinilip siya sa salas.

Pero ang tanging naabutan ko lang ay si Hennessy. Naglalakad siya habang sinusuri ang mga kagamitan. Hennessy is one year older than me. Tumingala siya nang biglang bumaba ang kaniyang tingin sa akin. Tumaas ang kilay niya.

"What are you looking at?" Kalmado ko lamang siyang tinignan pero sa totoo lamang ay nangangalaiti na ako sa galit. "What are you doing to someone's house, trespasser?" Natawa siya. "What are you doing to someone's father? Mang aagaw" Madrama niyang hinawakan ang dibdib. "Excuse me?"

"Ama ko siya at ano naman kung titira kami sa mansyong ito? Baka nakalimutan mong kami ang totoong pamilya" Diniin niya pa ang huling salita. Tanging titig lang ang ibinigay ko sa kaniya.

Konting salita pa'y lalapitan ko na si Hennessy. Biglang may dumating at agad nagbago ang ekspresyon niya. "Hi po, kuya!" Ngumiti siya ng matamis kay Kerbie na umiinom ng tubig. Tinignan niya lamang ito at dumiretso sa'kin.

"Time to eat" Inakbayan niya ako at sabay na pumunta sa kusina. Nagulat ako nang nandoon si Celicilda habang tumutulong na maghanda ng pagkain. "Celda, please. My daughter is angry on me" Hinawakan niya ang tulay ng kaniyang ilong.

"Bakit naman magagalit sa 'yo si Hennessy? Napapatawad ka na niya sa ilang taong wala ka sa tabi niya bilang ama. Alam mo Sam, namiss ko talaga ang paghandaan ka ng pagkain. Naalala mo pa ba noong. . ."

Napatigil siya nang makitang hindi interesado si daddy. Ibinaba niya ang lagayan ng sabaw at ngumiti. "Ang totoo niyan, kaya kami nandito ay para manirahan saglit. Handa naman kaming maging tagapagsilbi basta patirahin mo lang kami rito kahit isang buwan lang" Pagmamakaawa nito.

Yumakap siya braso nito na agad kinaatras ni daddy. "Hindi ka ba naaawa sa amin ng anak mo–" Agad niya itong tinulak. "Hindi at isa pa, hindi ko siya anak. I only have one daughter and that's my precious Solluna. Now go out" Matigas niyang dinuro ang pinto.

Pilit siyang kumapit sa braso nito na siya mas ikinakunot ko. Pilit siyang tinataboy subalit pilit naman siyang nagmamakaawa. Sa mga oras na yun, doon ko napagtantong may mas makapal pa pala sa punong narra.




The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon