Chapter 29

12 4 0
                                    

SOLLUNA

OUR relationship continued in private for months. I think when I become legal, I can reveal this to my father. I hope so.

Today's our first day as last year senior. "Advance happy birthday, Ai"Ai means love in other languages. May kiss pa yun at para akong siraulo habang nakangiti sa cellphone.

"Ma'am? Good morning po, pumasok na po sa duty ang daddy niyo, hinihintay ka na po ng mommy mo na bumaba" Isa sa katulong ko ang pumasok kaya napa-ayos ako.

"Susunod po ako" Ngumiti siya at lumabas ako. I was s little bit confused when mom asked me where I am going to be in college.

I don't even know too. Parang kailan lang elementary pa ako tapos ngayon nagtatanong na kung saan ako mag co-college.

Nang makapunta ako sa school, inilibot ko ang paningin at dalawang upuan na lang talaga ang bakante. "Wala pa si Faye?" Tahimik na tumango si Lando.

I texted Asahi na kung saan na ba siya. I also told him I reserved a seat from him. Then he replied 'on the way' sus, alam ko namang naliligo pa iyon.

Binabagot na ako dahil wala akong makausap sa loob. Nasaan na si Asshi? Si Faye? Si Faye lang din ang makakausap ko palagi sa classroom, e.

Nagsimula ang klase at buti ay nakahabol pa si Asahi. Tumabi siya sa akin at palihim kong inayos ang damit nito. Parang bata talaga.

Hindi ko alam kung bakit hindi pumasok si Faye. "Nag transfer?" Gulat na tanong ko kay Land. Tumango siya at kinuha ang bag. "Sige, uwi muna ako" Tinalikuran niya ako at umalis.

Habang naglalakad sa hallway, may umakbay sa akin at nagsimula na namang umingay ang paligid ko. "Ahi" Sabay tanggal ng kaniyang braso sa aking balikat.

"Alam mo Leil, ikaw talaga iyon. Tss, mamimiss kita" Tumaas ang mga kilay ko sa kaniyang inusal. Andiyan na naman iyang mga salita niyang siya lamang ang nakakaintindi sa mga kahulugan.

"Nasaan si Asahi?"

Dinuro ko ang likod at bumulalas siya ng tawa. "Anong meron?" Walang sumagot at bigla na lamang tumabi sa kabila si Asahi kaya napapagitnaan ako ng dalawa.

Umuna si Ahi at tumingin sa aming dalawa habang naglalakad ng patalilikod. "Kayo na no?" Walang sumagot. "Ayie! Bagay!" Pinorma niya ng puso ang kaniyang palad at tinutok sa amin. Tanging tipid na ngiti lang ang isinukli ko. 

Nag-usap ang dalawa at tahimik akong nakinig. "Ahi, hindi ka naman namin huhusgahan kung anong klaseng bahay meron kayo!" Sigaw ni Asahi. "Sabing ayoko nga, nakakahiya parin"

Biglang nasagip ng mata ko si Faye na lumiko sa isang daan, papunta sa comfort room. Napailing na lamang ako dahil nagsinungaling sa akin si Land. Walang pasabi akong umalis sa dalawang nagtatalo at sinundan si Faye.

"Faye!" Ngumiti ako at pumasok sa banyo. Sabik na akong makausap siya. Nakita ko siyang nanalamin at tahimik. Nang biglang namatay sandali ang ilaw nang makalapit ako sa kaniya. "Solluna!" Niyakap niya ako.

"Sabi ni Land lumipat ka ng school" Ngumiti siya at inayos ang buhok. "Sinungaling talaga yun. Nasa kabilang section lang ako" Natawa ako. Aksidente akong napatingin sa saya niya at pinagpagan yun. "Saan ka ba nanggaling?"

"Ah, 'yan? Mahilig akong mag laro ng softball 'di ba? Kaya naputikan ako" Medyo humaba ang usapan namin at nagpaalam na kami sa isa't isa. "Samahan na kita papalabas?" Umiling ito. "Huwag na, pumunta ka lang lagi sa direksyon mo. Paalam, Leil." Hinawakan niya ang aking kamay. "Salamat."

Paglabas ko ay hinihintay na ako ng dalawa sa labas. Ang sumpa at malas ay nagsama ulit. "Basta 'wag kayong tatawa sa bahay namin, ah!" Palaban ni Ahi. Mukhang iritang irita na talaga si Asahi. "Hindi nga ano ba. Paulit ulit ka. Putangina."

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon