Chapter 11

28 6 0
                                    

SOLLUNA

"SOLLUNA" Boses agad ng ama ko ang bumungad sa akin nang ako'y makaapak sa aming pamamahay. "Gabi na, saan ka nag tungo?" Ang kaniyang boses ay malamig subalit may halong pag-aalala.

Lumapit siya sa akin at akmang mag mano ako nang iniwas niya ang kaniyang kamay. Napalaki ako ng mata sa gulat dahil sa ginawa niya. Iyon ang pinakaunang beses na ginawa niya iyon.

May dumagan na kakaibang kaba sa aking katawan nang tumayo siya sa harapan ko. Oo nga naman, gabi na akong nakauwi kaya ganon na lamang siya kung umakto. Ano bang iniisip ko? "Pumasok ka sa kwarto mo." Dinuro niya ang hagdanan habang naiwan akong nakatutok sa sahig.

"Pumasok ka sa kwarto mo, ngayon na!" Lumakas ang pagpintig ng puso ko at napaatras dahil sa nakakatakot niyang sigaw. Nanginginig ang aking mga mata at tuhod dahil hindi ko alam ang sasabihin, kunti na lamang ay iiyak na ako.

Sandali akong napatitig sa kaniya at parang may dumagan na kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata. Umiwas ako ng tingin at tumakbo papasok sa kwarto.

"Do you already have a relationship with a boy? Are you disobeying me now?" Huminto sa pagtakbo ang aking mga paa. "O-of course not." I was aggressively breathing. "Bakit palagi ka nalang gabi umuuwi? Kailan ka pa narunong magsinungaling?" Kumuyom ang mga kamao ko.

Sa buong buhay ko, wala siyang ibang ginawa kung hindi gwardiyahan ang buhay ako. "Dad, I wasn't doing anything bad." Nagsusumikap ako na may respeto paring humahalo sa aking boses.

Sapagkat batid ko namang nais niya lang ang kaligtasan ko. Kasalanan ko na naman. Naging pabaya na naman ako. Isa pa, hindi rin naman importante ang nangyari kanina.

Natural lang na pagalitan niya. Nang matapos iyon, walang gana akong umakyat at agad bumagsak sa kama.

Kinabukasan, pumasok ako at pilit pinornal ang kilos sa lahat ng tao. Hawak hawak ko ang magkabilang strap ng bag habang umaakyat ng hagdanan.

Mula sa itaas, nakaring ako ng tawanan na batid ko ay grupo ng kalalakihan. Napahinto ako dahil sa pamilyar ng boses nila at agad napalaki ng mata. Gusto kong magtago, pero ayoko. Gusto ko ring tumakbo pero male-late na'ko!

Sa huli yumuko ako na halos imudmud ko na ang ulo sa sahig habang dahan dahang umakyat ng hagdanan. Mas lalong lumakas ang tawanan nila hanggang sa huminto iyon na nagpakabog sa puso ko.

"Uy, Leil, kumusta ka na?" May humarap sa akin habang nakangiti. "Hindi ka na sumasama sa'min, ah. Pero ayos lang naman, walang pilitan." Nanginginig ang mga labing ngumiti ako.

"Ayos lang naman, kayo? Kumusta?" Pilit kong inayos ang aking tindig. "Likewise." Gusto ko na lang mawala na parang bula. Nasa harapan ko na silang apat ngayon habang pinagtitinginan ako.

Puwede na ba akong maglaho.

Pinaglalaruan pa ni Clage ang bola sa kaniyang kamay. Bumuntong hininga ako. The group of CH is undeniable attractive. Puro sila lalaki at tanging ako lang ang nag-iisang babae sa grupo kaya iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakikisama sa kanila. Hindi, ayaw ko lang talaga kapag may kasama ako.

Hindi ba iyon nakakailang? It's not even necessary though. Sa paaralan kasi, tatawagin ka nilang loner kapag wala kang grupo. Binu-bully ka rin kapag wala kang kinabibilangan. I would definitely want to be a loner rather than to have a group. Syete rin kaming lahat sa grupo.

"Sabay na tayo, Leil?" Tumango ng ika-isa si Jiro habang nakangiti ng mahapsay. Kinagat ko muna ang labi at nag-isip, sigurado akong pagtitinginan na naman kami ng mga tao.

"Sige na, ngayon lang 'to hindi ba? Hatid ka na namin, ngayon ka lang namin nakasama ulit." Tumaas ang aking pag-tingin at mahinang tumango.

"Is she even a member?"

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon