Chapter 31

15 4 0
                                    

SOLLUNA

Weeks later. . .

"ALAM ko" Sumipsip si Ahi ng juice pagkatapos ay kumagat muli ng ensaymada. Nililibre ko siya sa isang bakery dahil naabutan niya akong bumili. "Halata rin naman"

Umiwas siya ng tingin. Halata? Siguro para lang sa kaniya. "Bakit mo ba nagustuhan yun?" Tinakpan niya ang bibig at dumighay. Ang tanong niya ay hindi nang-iinsulto, mukhang koryusado talaga siya.

Bakit nga ba? Hindi ko rin alam, wala akong maisip. "Kasi gusto ko talaga siya" Sagot ko at nagkibit balikat. Tumawa ito at pumalakpak. "Corny niyo"

"Uwi ka na, may pupuntahan pa ako" Tumayo ako at inayos ang bag. "Saan? Sama ako!" Tumaas ang aking kilay at tumingin sa kaniya. "Base sa mga nababasa ko, bawal na daw sumama sa ibang lalaki ang babae na may kasintahan na"

Napahinto si Ahiniko. Napahawak naman ako sa aking baba. "Kasi labag daw yun sa relasyon?" Ang mukha nito ay hindi maipinta. Bakit? Mali ba ako? "Nagsama na nga tayo, eh"

"Kasi naabutan mo 'ko kaya pinakain na lang kita"

"Grabe ka naman sa salitang 'pinakain'"

"Sige," Tumango na ako at tinalikuran siya. Kating kati na akong pumasok sa book store at bumili ng libro. Gusto kong malanghap muli ang amoy ng mga aklat at makikita silang nagkakaisa sa book shelf.

Nauubusan na ako ng babasahin din kaya kailangan ko nang bumili. Malapit na akong mag college at nagsimula na rin ang paghahanap ko ng book that talks about biology.

Nagsimula na akong pumili at binayaran ang mga iyon. "Thank you" Tipid akong ngumiti sa chasier at kinuha ang mga pinambili ko.

Handa na akong umalis pero napako ang paningin ko sa isang direksyon, may mga set doon ng libro at parang nagliwanag ang mga mata ko sa nakita.

A book that tells about astronomy! Tapos iyon na lamang ang natitira. Naglakad ako papunta roon at kinuha iyon pero sa aking gulat ay may kamay rin ang kasabay na humawak sa aklat.

Parehas namin iyong nabunot kaya nagkatinginan kaming dalawa. I was about to complain when I saw who was it. Panandalian akong natahimik habang tinutukan ito.

Ito pala ang hitsura niya sa personal. Si Kria! Ngumiti siya at binitawan ang libro. "Sige, sa 'yo na lang" Napakurap ako ng mata at tumingin tingin sa paligid, bakit iniisip kong nandirito si Asahi?

Bakit iniisip kong nagsama silang dalawa? Ugh! Praning. "U-uhm, no it's okay, you can have it" Ibinigay ko iyon sa kaniya pero tumanggi siya. "Kailangan ko na rin kasing mag madali, may naghihintay kasi sa'kin sa labas"

Pormal siyang nagpaalam at lumabas ng store habang naiwan akong nakapako sa malamig na lugar. Ang ganda niya. Bigla akong na insecure. Hindi ako ganun ka ganda. . .

Matamlay akong lumabas at tinawagan ang sundo ko. "Okay po ma'am, papunta na po mga thirty minutes" Nagpasalamat ako at umupo sa isang bench malapit sa parking lot sa isang mall sa likod nito.

Wala si Asahi ngayon dahil may laro siya, ayaw niya rin akong papuntahin. Naisipan kong buhayin ang cellphone at magbasa ng mga facts sa isang website.

November 21, 2021 - Partial Lunar Eclipse, the last Lunar Eclipse in 2021 and the longest eclipse of the century.

I continued reading and suddenly stopped. I always thought to myself if I will I make it until The Last Eclipse came?

Kailan kaya ang katapusan nito? O matatapos ba talaga ito? Noong June 2021, may planet alignment at parang lumulukso iyong puso ko sa tuwa habang nakikisalapan ang aking mga matang nakatitig sa kalangitan.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon