Chapter 6

37 6 0
                                    

SOLLUNA

TAHIMIK kong tinatahak ang daan pauwi habang hawak hawak ang isang payong. Hapon pa lamang pero pinuno na ng ulan ang kalangitan.

Kulay abo ito at napakakapal ng mga ulap na mukhang nakakatakot. Wala ring halos tao sa paligid dahil naghahanap ng masisilungan.

"Uy!"

Bigla akong napasigaw dahil sa gulat nang may humawak sa dalawa kong balikat mula sa likuran ko.

Inabante niya ang mukha mula sa gilid ng aking mukha kaya gumilid ang anggulo ng mukha ko at nagtama ang aming paningin.

"Ba't ka naka-payong?" Napakunot ako sa tanong niya. Klaseng tanong 'yan? "Malamang kasi ulan." Lumayo siya at tumawa kaya tinawag ko ito. Basang basa na siya sa ulan pero halatang wala siyang pakialam. "Sumilong ka." Tinukoy ko ang payong pero inilingan niya ako.

Nakapamulsa ang isa niyang palad habang naglalakad papaatras para lamang makatitig sa'kin. Inilahad niya ang isang palad. "Tara, ligo tayo." Aniya sa masayang boses. Nagmamadali akong umiling. "A-ayoko, magkakalagnat ako at-"

"Hindi naman 'yan nakakamatay, e'" Sa isang kisapmata, bigla niya akong hinila ng malakas at binawi ang payong. Tinapon niya iyon kaya nagsimula nang pumatak ng malakas ang mga butil ng ulan sa aking katawan.

Nanlaki ang mga mata ko. Sinigaw ko ang pangalan nito subalit tinawanan niya lamang ako pagkatapos ay tumakbo nang hinabol ko siya. "Bakit mo ba 'ko hinahabol? Kapag mahuli mo ba 'ko matutuyo ka?"

Humalakhak siya na parang nasisiraan ng bait habang tumatakbo sa daan papasok sa lugar namin. Nakatira lamang kami sa tahimik na lugar at medyo malapit lamang ang aming bahay.

Basang basa na ako pati 'yung bag ko! Hindi ako huminto at nagpatuloy kami na parang naglalaro ng habol habulan at ako ang taya.

Hinihingal akong huminto nang matanggap kong hindi ko na talaga siya ma huli. Huminto rin siya habang hinihingal. Basang basa sa ulan ang buong niyang katawan, pati ako.

Ibinuka niya ang bibig at sumigaw pero saktong kumidlat kaya hindi ko narinig ang kaniyang sinigaw. Kumunot ang noo ko. Nakuha niyang hindi ko iyon nadinig kaya naman ngumiti siya at muling sumigaw.

"Ang sabi ko-"


"Op! Hanggang dito lang. Late na kayo!" Napukaw ako mula sa malalim na pag-iisip nang tumampal sa noo ko ang palad ng guard.

Doon lamang ako natauhan mula sa pag-sesenaryo ng panaginip ko kagabi at napakurap. Bumuntong hininga ako at tumingala. Maganda naman ang sikat ng araw sapagkat hindi ito masakit sa balat.

Kumamot ako at umatras, isa ako sa mga na late na studyante. Nakatitig lang ako sa mga tao sa field habang nag fa-flag ceremony. Sakto pa talagang Friday ang araw ngayon. Sa tuwing ma le-late ka ng Friday ay palilinisin ka kasama ang iba pang late na studyante.

Isa ako sa hindi nabigyan ng walis tingting kaya kinamay ko ang mga dahon at inilagay sa cellophane. Medyo marami kami ang naglilinis sa field, ang ilan din ay nagdidilig ng mga tanim. May ilan din naglilinis sa labas ng eskwelahan.

Marami akong kasama pero ilang segundo ang lumipas, naramdaman kong tumahimik ang paligid habang may lumilipad na tuyong dahon sa harapan ko.

Nalukot ang aking noo at umayos ng tayo at doon ko napagtantong papalapit pala si Asahi na may blankong mukha habang hawak hawak ang cellphone na wala namang laman.

Kaya naman pala bigla silang naglaho. Bigla kaming nagkatitigan kaya sabay kaming nag-iwas ng tingin. Nakakadiri.

Siguro lumipad na ang cellophane kapag hindi niya iyon hinahawakan. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko habang walang imik.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon