Chapter 14

21 5 0
                                    

SOLLUNA

"ANO, hinihintay mo pa ba na dumating iyong jowa mong si Niko? Ulol, nandoon sa kabilang building nakikiusyo! Wala siyang pakialam sa 'yo." Napadikit ako sa pader at napapikit.

Bago pa man bumagsak sa aking mukha ang kaniyang kamao, nakarinig ako ng tila nagsugat na mga anit na batid kong may bumawi sa kamay niya. Nagdilat ako ng mata at nagulat sa aking nakita.

"Gurangot." Biglang sumulpot ang isang pamilyar na tao sa aking harapan habang sinasamaan siya ng tingin. Kahit mataba ang pulso nito, nagawa niya itong ikuyom kaya kitang kita ko kung paano siya nasaktan.

"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" Hinila siya nito kaya napapaatras siya. "A-angelo. . . Hindi kasi siya!" Huminto siya at dinuro ako. "Siya iyong nakasira sa mga gamit natin kaya hindi tayo nanalo." Muli na naman akong naiyak kaya kinagat ko ang labi dahil sumasakit ang aking lalamunan.

Kumunot ang kaniyang noo. "Oh, tapos?" Natutop ako nang bumaling siya sa akin sandali. Mas naiiyak pa ako sa tuwing may tumulong sa'kin dahil pinagmumukha nila na hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Tinulak niya ito sa likod. "Umuwi ka na," Ako na ngayon ang kinakausap niya dahil sa akin na siya nakaharap. "Ako ng bahala sa kasama ko, ganiyan talaga ang ugali niyan."

Lihim kong tinakpan ang aking pisngi nang sinimulan na niya akong suriin. Yumuko ako at nagpasalamat bago kumaripas ng takbo. Tahimik kong pinupunasan ang aking luha habang nanginginig ang aking labi. Kinakabahan akong nakaupo sa loob ng sasakyan at humiga dahil sa mga pangyayari. Ang sama talaga sa'kin ng mundo.

Bumaling ako sa labas ng bintana habang dahan dahang sumara ang mga mata ko. Mag-transfer na lang kaya ako. Kahit saan ako pupunta, may masasamang tao talaga ang naka-aligid sa'kin. Pag-uwi ko ng bahay agad akong nagbihis at hindi inalintana kung namumula man ang pisngi ko. Humugot ako ng buntong hininga at pilit ngumiti.

Agad akong umupo sa harapan ng mesa para mag-aral. Ayos lang 'yon. Habang nagbabasa, bigla akong nakarinig ng tawanan ng grupo ng mga bata. Sumilip ako sa nakaawang na bintana at doon ko nakita ang tatlong batang naglalaro sa labas ng bahay namin.

Madudumi ang suot nila habang tumatakbo. Kasunod non ay ang pagsulpot rin ng limang estudyanteng kaedad ko lamang. Kumakain sila ng mangga na sinasawsaw sa tuyo habang masayang nagkukwentuhan.

Bumaba ang mga balikat ko at kinagat kagat ang mga labi. Ano kayang pakiramdam kapag may mga kaibigan ka. Hindi ko pa kasi 'yan nararanasan, ni hindi nga ako payagang lumabas ng bahay kahit sa gate lang. Parang ang pader ng bahay ay pader narin ng aking buhay.

Ang ginagawa ko kasi pag-uwi ko ng bahay ay mag-aral tapos kumain at matulog. Kahit ilang beses kong sabihing ayos lang sa'kin palaging mapag-isa, gusto ko talagang maranasan na magkaroon ng tinatawag nilang circle of friends. Ang saya siguro non.

Tumingin ako sa mesa kung saan nagpatong patong ang mga libro, papel at iba pang kagamitan sa pag-aaral. Sa tanang buhay ko kasi, sila lang iyong palaging kasama ko. Gusto ko maging normal, gusto ko maging masaya ako. Kung puwede lang sunugin ang lahat ng 'to, ginawa ko na.

"Salamat po." Magalang kong sabi bago sinara ang pintuan ng sasakyan at pumasok sa loob ng skwelahan. Nagtaka agad ako dahil bakit may tao sa gitna ng field tapos mag-isa pa siya roon, unti unti pa namang tumitirik ang araw.

Nasa kalayuan pa naman iyon kaya hindi ko siya lubos na makita. May biglang tumawag kaya agad ko iyong sinagot sa cell phone. Naglalakad ako hanggang sa hindi ko na namalayang nakaabot na pala ako sa classroom.

Pinatay ko na ang tawag habang nakatitig sa blangkong upuan ni Asahi pero may bag na nakapwesto. Luminga linga ako sa paligid kung makikita ko ba siya pero wala, parang lima lamang ata kami sa classroom at may pinag-uusapan pa sila.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon