Chapter 26

22 4 0
                                    

SOLLUNA

"SEND my love to the family Buenaobra. " Wala sa sariling napatulala ako habang napatitig sa kabaong.

Ilang araw na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Nang dahil doon, bumalik kami sa mansyon. Nakakatampo, ilang taong nawala si mommy at siya lamang ang nasa tabi ko noong mga panahong iyon tapos ngayon na nandito na siya, si daddy naman ang nawala. . . Habang buhay pa.

Umakyat ako sa kwarto at humiga sa kama. Ngayon ko lamang napagtantong malaya na ako dahil wala na ang aking ama. Binukot ko ang sarili ng kumot pagkatapos ay tahimik na tumingin sa kawalan. Maya mayay nakarinig ako nang dahan dahang pagbukas ng pinto at yapak na papalapit sa aking hinihigaan.

"Anak. . ."

Pumikit ako. Hinawakan niya ang kumot at kinuha iyon sa aking katawan pagkatapos ay umupo sa aking gilid. Napaubo ako at kumati ang lalamunan. "You're sick, saan ka ba nanggaling?"

Inalala ko ang nangayri, hindi naman ako naulanan. Umupo ako nag-aalala ang mukha ni mommy. "Kailan pa ba tayo uuwi?" Gaspang ang aking boses. "Next week, okay? Miss mo na ba ang bahay?" Hinaplos niya ang aking buhok.

"D-Daddy..." Pumasok si daddy habang may dala dalang tasa ng gatas. We did small talks and while in the midst of our conversation, I suddenly felt something strange. There's something off. Parang na de-deja vu ulit ako.

Huminto ako sa pagsasalita habang silang dalawa lamang ni mommy at daddy ang nag-uusap. Lihim akong tumingin sa pintuan at napabuntong hininga.

"EH, sino nga?" Kanina pa napipikon si Asahi dahil tanong ako nang tanong. Naglalakad kami sa lugar na kung siya lang ang nakakaalam. Sabi niya, bibisitahin niya raw ang tree house niya, kaya nag cocontest sa pag-iingay ang mga lansang na dala dala niya.

"Yung lalaki, matangkad, tapos. . ." Huminto ako at umiiling nalang. Umangat ang kilay niya at umapak sa malaking ugat ng kahoy. "Matangkad? Huh?" Tumingin siya sa kalangitan.

"Hindi, 'wag mo nang isipin' yon--"

"Si Gabrielle."

Nagkatitigan kami. "Edi don ka." Tumalikod siya at umakyat sa puno. Umatras ako nang hinulog ni Asahi ang kaniyang sapatos. Nag-angat ako nang tingin at ngayon ko lang napansin na may maliit pala na bahay sa isang malaking sanga nang puno at medyo sira na 'yon.

"A-anong gagawin ko sa kaniya?" Tanong ko habang nakatingala. Nakarinig ako nang ingay ng martilyo then the sound of nails. "Pagtutupihin tapos ipasok sa bulsa." Kumunot ang aking noo.

He seems mean today. Naghanap ako nang paraan upang makaakyat kahit naka-saya ako nang lagpas tuhod at naka-hat. Nagsimula na siyang mag panday. "I wanna go upstairs!"

"Mamaya na" Wala akong nagawa kung hindi ang umupo na lang sa damuhan. Bukod sa ingay na nilikha ni Asahi, naririnig ko rin ang huni huni ng ibon at ang pag-galaw nang marahan ng mga damo dahil sa hangin.

Dumilat ako nang nakarinig ako nang bosses sa kabayo. "Heng!" Isang pamilyar na boses ang umalingaw ngaw sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali, siya iyong Gabrielle na nakalimutan ko ang pangalan.

Inihinto niya ang kabayo at tinali, bumaba siyang may dala dalang basket. Tumingala siya. "Inayos ko iyan nakaraang buwan, ah." Tumingin siya sa akin. "Hi ma'am. May pinadala po si ma'am Imelisa na meryenda para sa inyong dalawa"

Mula sa itaas sumingit ang mukha ni Asahi, may pako pang naka-ipit sa kaniyang tenga. "Hindi pa'ko gutom" Kumamot si Gabrielle sa kaniyang buhok. "Alas tres na huy, buang! Waya ra ba ka naniudto ana imong mama!"

Kunwari akong ngumiti dahil sa wika niyang hindi ko naiintindihan. Nagsimula silang magbardagulan kaya napatikom ako. Hindi ko akalain na close pala sila. . . Sabagay. "Alien words, taga ibang planeta ka ba, ha?!" Bumaba siya.

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon