Epilogue

12 4 0
                                    

A/N: Play multimedia above! ^

SOLLUNA CELESTINA ANASTASIA BUENAOBRA

Tahimik kong nilagay ang bulaklak sa kaniyang lapida at umupo na napa-cross ang mga paa.

Bumuntong hininga muna ako bago kinuha ang bubble gum at nginuya iyon. Hinawi ko ang mga tuyong dahon sa kaniyang lapida at ngumiti.

"It's been three years, Ai. Kumusta ka na?" Paninimula ko. "Pagod na akong mag-aral ng college. Pero bukod sa pangarap ko 'to, para rin sa 'yo 'to"

Tumingin ako sa kalangitan habang inaalala ang mga araw na 'yon. Iyong araw na masaya pa kaming dalawa.

Parehas kaming walang kaibigan. Noon, kaming dalawa lamang ang laging magkasama. "Palagi pa akong galit sa 'yo dahil ayaw mong mag aral ng mabuti. Tamad ka talaga."

Tumawa ako ng mahina. Tanging ako lamang mag-isa sa sementeryo sapagkat, nararamdaman kong nandito si Asahi sa paligid.

"Isang taon na lang, Ai, graduate na'ko, graduate na tayo." Natahimik ako ng ilang sandali. Kanina ko pa binabasa ng paulit ulit ang pangalan niya.

In Loving Memory of
Asahi Sansei

Born: August 5, 2003
Died: November 21, 2021

"Baka nakahanap ka na ng mas maganda d'yan, ah. Subukan mo, susuntukin kita." Napailing na lamang ako sa mga pinagsasasabi ko. Maya maya ay biglang humangin.

Tumaas ang kilay ko. "Oh, bakit? Totoo naman, ah! Na gusto mo ng magaganda" Napuno ako ng kwento kahit wala namang nandoon pero hindi ko na iyon inalintana. Basta, masaya na ako sa tuwing iniisip na nandito siya kahit wala naman talaga.

Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili sa pagkamatay ni Asahi, kasalanan ko 'to. "Mag gagabi na, Asahi. Uwi na 'ko, ah?" Pinunasan ko ang luhang nabuo sa aking mata at kinagat ang labi.

"I love you, Ai"

Tumayo na ako at sumakay sa kotse. Matapos kong bisitahin si daddy sa sementeryo, binisita ko rin si Asahi. "Yes, mom?" Sagot ko sa cellphone.

"Hello to my soon Summa Cum Laude, how are you?" Napangiti na lamang ako. "I'm fine, ma" Nagusap kami sandali bago nakauwi sa apartment ko.

"How's Solaina?" She's my younger sister, tatlong taon na siya ngayon. "Ayos lang, medyo maayos na rin ang tenga niya" Naapektuhan si Solaina noong pinagbuntis pa siya ni mommy.

Nagpaalam ako dahil kailangan kong bumaba para bumili ng groceries, wala na palang stock sa fridge.

Habang tumitingin sa mga pagkain sa mall, napatigil ako nang makita ko ang cherry bubble gum. Bigla ko tuloy siyang naalala. Bukod sa kaniya, may naalala pa akong isa. Para akong may isang kaibigan, eh.

Akma ko iyong kukunin nang isang kamay ang kumuha rin sa parehong bubble gum na pack kaya aksidenteng nahawakan niya ang kamay ko.

Nanlaki ang aking mata at agad napalayo. Napatingin ako sa kaniya at natigilan. Isang matangkad at mestizo, kumakain siya ng bubble gum.

"S-Sorry" Yumuko ako at kinuha ang cart pagkatapos ay lumayo. Bigla akong nanginig dahil parang panandaliang nakita ko si Asahi sa kaniya.

Agad akong nagbayad pagkatapos ay umuwi. May klase pa ako mamaya. Habang nagmamaneho, nalampasan ko ang isang boulevard.

Walang halos tao kaya naisipan kong huminto muna at magpahangin. Naalala kong boulevard din pala ang tagpuan namin noon. Natawa na lamang ako. The young us.

Umupo ako sa isang bench at pumikit upang langhapin ang hangin. "Solluna" Agad akong napatigil at napatingin sa likod.

Nagulat ako dahil siya iyong lalaki na nakasugat ko kanina sa mall. "Pardon?" Bakit kilala niya ako? Inilahad niya sa akin ang wallet ko kaya agad ko iyong kinuha at napatayo.

"Nahulog mo iyong wallet kaya sinundan kita sa kotse mo" Kumurap ako at tumayo. "Thank you! Nandito pa naman mga id ko" Kinakabahan kong sabi.

"Solluna Celestina Anastasia Buenaobra" Ngumiti siya. "Ang ganda naman ng pangalan mo, Miss" Dinuro niya ang upuan ko sa harap. "Pwede?" Ngumiti ako ng pormal. "Sure"

Hindi ako naiilang sa kaniya kaya tumango ako. Nagusap kami at ang weirdo talaga dahil nakikita ko sa kaniya ang dati kong kasintahan. Parang magkatulad talaga sila ni Asahi mula sa pananalita, tindig, at pananamit.

"Sorry to interrupt, kailangan ko nang umalis, eh" Kung wala siguro akong klase ngayon siguro mas mahaba pa ang conversation namin. Tumayo na ako at akmang aalis nang magsalita siya.

"Don't waste the hope I gave. I will give some pieces of your memory so you will never lose your path again"

Napatigil ako at kunot noong tumingin sa kaniya. "Po?" Ngumiti rin siya at tumayo. May sinabi siya sa akin at lahat ng iyon ay konektado kay Asahi. "Y-You know him?" His smiled widened.

"Of course, he's my best friend." Bumulsa siya. "Now, I am ready to face my death." Bumuntong hininga siya na parang malaya na ito. Inilahad niya ang kamay sa akin pagkatapos ay matamis na ngumiti subalit may halong pamamaalam. "Are you ready?"

"Ready for what?"

"To get back time, where everything is fine"

Tumingin ako sa nakalahad niyang kamay. "Solve everything, Solluna."  Kinuha niya ang aking kamay at isinuot sa akin ang isang singsing. "This ring will help you remember things when you get back"

Lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang aking kamay. After that, we shake hands. "Good luck, you may now rewrite your love story. . ."






Wakas. . .

The Last Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon