Chapter 4- Hiling

7.4K 198 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung mangyari ang encounter namin ng misteryosong babaeng dun sa hangganan ng Villa namin at gabi-gabi akong pumupunta doon at nagbabasakaling magkaharap ulit kami pero hindi na bumalik ang babaeng iyon. Siguro ay dahil nagpapagamot pa ito sa tama ng paa niya. Napabuntong hininga na lang ako...Magkikita rin kami ng mapangahas na babaeng iyon.
Binilisan ko ang takbo ng kotse ko para mabilis kong marating ang bahay nina Mang Edwin at Aling Auring. Tinawagan kasi ako ni Mang Edwin dahil kailangan raw niya ang tulong ko. Naging malapit na rin kasi sa akin si Mang Edwin kaya pinuntahan ko na siya. Sabagay, lahat naman ng naging customer ko sa mga kaso ay naging malapit na sa akin lalong-lalo na ang mga mahihirap. Ilang sandali pa ay inihinto ko na ang sasakyan ko sa labas ng simpling bungalow house ng mag-asawa at saka bumaba. Sinalubong naman agad ako ni Mang Edwin. Nag-mano ako rito.

"Kawaan ka ng Diyos Attorney..Mabuti naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko." wika nito. Ngumiti ako at saka tinapik sa balikat ang matanda.

"Okay lang po Mang Edwin..basta ikaw walang problema sa akin." wika ko. Ngumiti ito.

"Oh siya sige, pumasok ka muna sa maliit naming bahay Attorney at may pag-uusapan tayo." magalang na wika ng matanda. Tumango naman ako at saka sumunod dito sa loob ng bahay nila at saka pinaupo ako sa sofa.

"Pasensiya ka na sa maliit naming bahay Attorney.." wika nito. Napapailing ako. Bakit ba ang taas ng tingin nila sa amin na nakakaangat sa buhay?Para sa akin ay pantay-pantay lang naman tayong mga tao. Walang mayaman at walang mahirap. Siguro mas biniyayaan lang talaga kami when it comes to wealth but still I am human..humihinga, kumakain at natutulog katulad ng mga mahihirap kaya dapat lang na pantay-pantay ang pagtingin ng bawat isa.

"Mang Edwin, wala akong pakialam kung maliit o malaki ang bahay niyo basta ang importante sa akin ay yung likas na kalooban meron kayo. Iyon naman ang pinakamahalagang katangian sa isang tao." wika ko dito. Natatawa ito.

"Alam mo, Attorney, ikaw lang yung nakilala kong mayamang tao na hindi mapagmataas katulad ng iba..Ma-swerte ang babaeng mamahalin mo kung saka-sakali." wika nito. Natawa na rin ako sa tinuran nito. Hindi ko pa naman naisip na magkaroon ng karelasyon..I mean, yunh seryosong relasyon. I dated, I have sex with some girls but I don't have any intimate relationships. Wala pa sa isip ko ang magseryoso sa babae dahil mahirap na ngayong humanap ng matino at mapagkakatiwalaang babae lalo pa't alam nila na isa akong del Rio. Ayokong mahalin nila ako dahil lang sa yaman ko at sa yaman ng angkan ko.

"Nah, wala pa po sa isip ko ang mga bagay na yan Mang Edwin. Mahirap na po ang makatagpo ng matino at mapagkakatiwalaang babae ngayon." wika ko. Kahit na trenta anyos na ako ay hindi pa naman ako nagmamadaling mag-asawa.

"Sabagay, may punto ka naman. Iba na kasi ang panahon ngayon..Masyadong liberated na ang bansa natin kaya siguradong mahihirapan kang mamili ng babae. Pero ang pag-ibig Attorney ay hindi naman hinahanap yan. Hintayin mong lumapit ng kusa sayo." wika nito. Tumawa na lang ako. Bakit ba napunta sa personal na buhay ko ang pinag-uusapan namin?

"Time will come Mang Edwin." naisambit ko.

"Oo nga naman..Oh siyanga pala, anong gusto mong inumin? Juice, coffee or tsaa?" wika nito.

"Juice na lang po." wika ko.

"Auring!!..andito si Attorney del Rio!ipagtimpla mo muna ng malamig na Juice!" tawag nito sa asawa.

"Tiyo, may binili po si Tiya dun sa palengke..bak--" naudlot ang sasabihin ni Dennise nang mapadako ang tingin nito sa akin. Kalalabas lang nito sa kwarto. Napangisi ako. Biglang umasim at dumilim ang mukha niya nang makita ako. Pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa. She's wearing a loss shirt and a black leggings emphasizing how beautiful her body is. Sa tingin ko ay nasa 5'6 to 5'7 ang height nito at balingkinitan. Maputi at makinis ang balat nito at maitim ang buhok nito na maikli emphasizing her heart shape face.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon