Chapter 13- Ang Totoo

5.8K 167 0
                                    

"Here's the documents and results that you want about Mr. Gerardo Fajardo Buds." wika ng kaibigan kong secret agent. Inilapag niya ang folder sa harapan ko. Umupo ito at saka itinuro ang folder na iyon. Agad ko naman iyong kinuha at saka binuksan. Pinaungkat ko kung sino ang ama ni Dennise. Pinaungkat ko kung paano ito namatay. Gusto kong malaman kung sino ang pumatay at kung totoo bang pinatay ito ni Papa.

Kinakabahang binuksan ko iyon at ilang sandali pa ay bumungad sa akin ang mukha ni Mr. Gerardo Fajardo. Binasa ko ang background nito including his family background at nakasaad doon na meron siyang isang anak na ang pangalan ay Dennise Claire Fajardo at namatay ang asawa nito sa panganganak.

"He was killed by an unknown person Anton and until now the case is not yet closed. At meron pa akong nasagap na impormasyon na ang ama mo ang pangunahing suspect sa pagkamatay nito. Matagal na ang pangyayaring iyon Anton. Dennise Claire Fajardo was just fourteen years old back then when her father Gerardo Fajardo died at nasa custody ng kapatid ni Gerardo ang pangangalaga sa anak nitong naiwan. According to the information that I gathered, Gerardo Fajardo was one of your father's friend back then before he died." Wika ng kaibigan ko.

"But I didn't know this person Jake because I was in States during this time. Hindi ko alam na magkaibigan sila ni Papa. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit si Papa iyong number one suspect nila sa pagkamatay ng Gerardong iyon." wika ko.

"Oo nga pala, doon ka pala pinadala ng Papa mo noon kaya hindi mo alam ang mga nangyayari dito sa Sto.Domingo. Ayon sa nakalap ko, magkasama ang Papa mo at si Gerardo bago ito pinatay at ayon sa nakakita, duguan raw ang Papa mo at nagmamadaling umalis sa pinangyarihan ng krimen at naiwan ang duguang si Gerardo. Wala namang ibang taong nakita doon maliban sa Papa mo na nagmamadaling umalis. Until now, hindi pa rin malinaw kung ano talaga ang totoong nangyari Anton. If I were you, tanungin mo ang ama mo tungkol kay Gerardo at kung maaari ay tanungin mo kung ano talaga ang totoong nangyari nang sa ganun ay malinawan ka. " wika nito.

Napabuntong hininga ako. Gusto ko talagang malaman ang totoo. Kung hindi naisara ang kasong ito hanggang ngayon then, I have to do things on my own. Kailangan kong malaman ang katotohanan dahil kahit ako mismo ay naguguluhan. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko dahil sa ngayon ay naglalaro sa isipan ko ang na maaaring kriminal ang ama ko. Shit! if that is true, hindi ko mapapatawad si Papa dahil hindi ko matatanggap na isang kriminal ang ama ko.

Pagkatapos naming mag-usap ni Jake na kaibigan kong agent ay agad akong nagpunta sa Villa dala-dala ang folder na bigay nito sa akin. Kailangan kong makausap si Papa dahil hindi ako mapalagay hangga't hindi ko malaman ang katotohanan.

"Hijo Anton!" salubong sa akin ng maganda kong ina. Humalik ako sa pisngi nito at saka yumakap.

"Hi Ma..where's Papa?" tanong ko agad dito. Kumalas ito sa akin at saka kunot noong pinakatitigan ako.

"Mag-aaway na naman ba kayo?..Anak, can you plea--" I interrupted her. Umiling ako.

"No Ma..I just have some questions regarding something. Don't worry hindi naman ako nakikipag-away kay Papa. He's still my father kaya sa abot ng aking makakaya ay iniiwasan kong makipagsagutan sa kanya pero hindi ko maipapangako na hahayaan ko siyang pagmukhaan ako." Wika ko. Malungkot ang mukha ni Mama sa narinig mula sa akin. Bumuntong hininga ito.

"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para maayos ang relasyon niyong mag-ama." wika nito. Nginitian ko si Mama.

"Darating din ang araw na yan Ma..Sa ngayon, kailangan ko munang makausap si Papa dahil may mahalaga kaming pag-uusapan." wika ko. Hindi na nakapagsalita si Mama dahil tinalikuran ko na siya. Kailangan ko na talagang makausap si Papa para malinawan ako. Kailangan kong malaman ang katotohanan dahil baka wala naman palang rason para ipaglaban at linisin ko ang pangalan ng angkan ko gayong totoo palang kriminal ang ama ko. Ang ipinagdasal ko ngayon ay sana hindi totoo dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kay Papa kapag nalaman kong totoo ang ibinibintang sa kanya.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon