Chapter 6- You are Mine

7.5K 207 4
                                    

"Girlfriend mo?..kaya ba sila nandito ay para ipakilala mo sila sa amin?Surprise mo ba ito?" diritsahang wika ni Don Franko. Napaangat ako ng tingin. Lahat nakatingin sa amin.

"So when is the wedding?" Ani Donya Luisa na halatang sobrang nasiyahan. Muntik na akong mabilaokan at nagkatinginan kaming dalawa ni Anton. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng buong pisngi ko..Shit! never in my wildest dream na maging girlfriend ako ng isang kalaban. Kung hindi lang dahil sa pakiusap ng dalawang matanda ay hindi ako sasama dito sa Villa. Pakiramdam ko ay puputok na ang tinatago kong galit sa pamilyang del Rio. At ngayon pagkamalan ba naman akong girlfriend ng asungot na anak nila?! My God! this is unacceptable! He ruined my day already. Kainis. Hindi ko gusto ang angas ng lalaking to at hindi ko alam kung bakit gustong-gusto siya ng tiyahin at tiyuhin ko. Tiwalang-tiwala sila kay Anton samantalang ako ay hindi ko masikmura na nasa paligid ko lang sila. They're my enemy!..
Napatawa ako ng pakla. Mukha kasing hindi pa nakahuma ang tiya at tiyo ko lalong-lalo na si Anton kaya ako na ang nagsalita.

"Masyado naman po kayong excited, ano?..Mukha ba akong girlfriend ng anak niyo, Don Franko?" natatawang wika ko. Ito na yata ang pinaka-pekeng conversation na ginawa ko sa araw na to. Tiningnan ko sina Tiyo at Tiya at si Anton. I feel the tension to both of them. Kilala ako nina Tiyo at Tiya. Alam nila kung ano iyong gusto kong sabihin ay sinasabi ko talaga. Alam nila kung ano ang tabas ng dila ko.

"Bakit, hindi ba?" Seryosong wika nito. Ganun na ba sila kaatat na magkaroon ng girlfriend ang anak nila? and take note, girlfriend pa lang pero kasal na agad ang intrada ng ina niya. Sabagay, wala pang asawa ang limang anak ni Don Franko kaya siguro sabik ito na magkaka-girlfriend na ang mga anak niya. At sino namang maniniwala na walang mga girlfriend ang mga anak niya?!..Bigla akong napaisip. Why not?..if I'm his girlfriend, mas madaling manakit at mas madaling makaganti...what a brilliant mind Dennise. Lihim akong nagdiwang. Tiningnan ko si Anton na hindi pa rin makapagsalita. Actually, mukhang lahat silang magkakapatid ay hindi masyadong nagsasalita. Mukhang takot sila kay Don Franko. Ganun na ba talaga ka-salbahe ang ama nila?! Tsk.Tsk.Tsk. Kawawa naman.

"Babe, why don't you talk to your family and tell them that I am your girlfriend..Isn't it a perfect time?" nilambingan ko pa ang boses ko na nakatitig kay Anton. Napaubo ng wala sa oras si Anton. Obviously, he's shocked. Kung bakit naman kasi inimbitahan mo ako Anton. It'll be your punishment. Gusto kong matawa sa hitsura niya. Namumula siya na hindi ko alam.

"Okay ka lang kuya?" nag-alalang wika ni Mateo sa kapatid. Mas lalong hindi naman makapagsalita sina Tiyo at Tiya.

"Babe, okay ka lang?..May nasabi ba akong mali?..heto tubig oh." kunwa'y sobra akong nag-alala sa kanya at saka binigyan siya ng tubig pero sa kaloob-looban ko ay nasusuka ako. Hindi ko masikmura na maging girlfriend ng isang kaaway. Kinuha niya ang tubig ko at saka ininom.

"Dennise.." sambit ni Tiyo. Nginisihan ko lang ito at ganun din si Tiya. Alam kong naguguluhan sila sa mga pinagsasabi ko pero wala naman silang magagawa. Nasabi ko na. I made my decision. I'm sure it'll going to be a very exciting game at kung sino iyong unang susuko ay siyang talo at sisiguraduhin kong matatalo ko ang mga del Rio.

"Okay ka lang anak?" nag-alalang wika ni Donya Luisa. Tumango naman si Anton na tila ba nahimasmasan sa birthday surprised ko sa kanya.

"Y-yes..I'm okay." wika niya pero sa akin siya nakatitig. Nagtatanong iyong mga mata niya. Ang sarap palang tignan iyong nabitag ka sa isang patibong.

"So, when is the wedding hijo?..you're not getting any younger.." nakangiti ng wika ni Donya Luisa.

"Ma! it's not what you think!..hindi naman tot--" alam ko na ang susunod niyang sasabihin kaya minabuti kong unahan ito.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon