Chapter 9- Anton and Dennise

6.9K 187 2
                                    

Nabigla talaga ako sa tinuran ng matandang babae sa akin. Naguguluhan ako and I really hate Anton for putting me into this situation. Sino si Gabrielle? Bakit sa tuwing binabanggit ang pangalan ng babaeng iyon ay nalulungkot si Anton? Girlfriend niya ba iyon? Anong nangyari kay Gabrielle at bakit siya hinahanap ng ina niya?..Napatingin ako sa matandang tinawag ni Anton na 'Nanay Amanda'. Her arms still open for me at saka nakangiti pa ito at nagniningning pa ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Nang makabawi sa pagkabigla ay niyakap ko ito. I don't know..I just want to hug her. Maybe because I want to ease the loneliness she's having right now.

"Salamat sa panginoon at hindi mo ako iniwan anak." wika nito at nahabag ang kalooban ko nang maramdaman kong napaluha ito. Napakagat-labi ako. I know I am strong pero kapag may nakikita akong umiiyak at nalulungkot lalo na kapag matanda na ay lumalambot iyong puso ko. Hindi ko kilala si Nanay Amanda pero gusto kong pawiin ang pangungulila niya sa anak niya na hindi ko alam kung nasaan na ngayon.

"Nay Amanda, tahan na po. Everything will be alright." wala akong ibang masabi kundi iyon lang. Ayokong sabihin dito na hindi naman ako ang anak niya dahil ayokong saktan ang damdamin ng matanda. Tumango lang ito.

Pagkatapos naming magyakapan ay naupo ako sa bench at saka kinakausap ko siya. Masaya siya..kitang-kita ko sa mga mata niya ang sobrang kasiyahan. Hindi ko akalain na makakagawa ako nun sa isang matanda. Ulila na ko ng lubos kaya hindi ko naranasan ang magkaroon ng tunay na ina though andiyan naman si Tiya para sa akin. Iba pa rin kasi kapag tunay na ina ang nag-aaruga sayo. I wonder why Gabrielle left her mother in this condition kung kailan kailangan na kailangan nito ng anak at pamilya na umalalay sa sa kanya.

Sinisipat ko naman si Anton. Mukhang malalim ang iniisip nito. Hindi ko lang maintindihan ang kwento nila ng Gabrielle na iyon at kung bakit parang wasak na wasak ang damdamin niya. Halata naman kasi sa kilos niya. Patuloy ko lang kinukwentuhan si Nanay Amanda. Sinulit ko na ang pagkakataon na nandito ako sa lugar na ito. Tumagal kami doon ng isang oras at kalahati at pagkatapos ay nagpaalam na kami dito. Bigla itong nalungkot kaya napilitan akong mangako na babalik ako at magkukuwentuhan ulit kami. Niyakap pa niya ako. Nakakalungkot. Kung andito sana iyong tunay niyang anak na si Gabrielle ay malamang na masisiyahan ng husto si Nanay Amanda.

Sakay ang kotse ni Anton ay umalis kami sa lugar na iyon. Nanatiling tahimik lang si Anton samantalang ako ay naghihintay lang na kausapin niya. Nakakatawa pero bakit nga naman niya ako kakausapin gayong hindi nga kami matatawag na magkaibigan..we're not close at saka hindi pa rin naman nagbabago iyong pagtingin ko sa kanya. He's my enemy kaya hindi ako dapat na nakikipagkaibigan sa kanya.

"I'm sorry for putting you in that situation.." biglang wika nito. Napatitig ako dito. Hindi ako nagsalita. I was waiting for his explaination.

"I know you have a lot of questions in your mind right now.." patuloy nito. Buti naman at alam niya.

"Who's Gabrielle..okay, It's obvious that she's the daughter of Nanay Amanda but I'm just curious why she left her mother in that condition kung kailan kailangan ng matanda ng pamilyang masasandalan." wika ko. Napasigaw ako nang bigla nitong inihinto ang sasakyan sa tabi ng daan at muntikan pa akong mapasubsob sa dash board ng sasakyan.

"What the!!" sambit ko at saka tiim na napatingin dito pero agad ring napawi ang reaksiyon ko nang makita kong dumilim ang anyo nito. May nasabi ba akong mali?He looks like he wants to murder me!

"Hindi niya iniwan ang Nanay niya. Hindi mo alam ang buong kwento Dennise kaya wag mong husgahan si Gabrielle." mariing wika nito. Aaminin kong bigla akong natakot pero tinatagan ko ang sarili ko. Napakunot noo ako sa sinabi nito. I composed myself.

"Kung hindi niya iniwan ang Nanay niya then why she's not here? Hindi niya ba alam ang kalagayan ng Nanay niya?" wika ko pa rin dito. Mabigat ang naging paghinga nito at saka kitang-kita ko ang pagdiin ng pagkakahawak niya sa na manibela. Matagal siyang hindi nagsalita and I was just waiting for his answer.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon