"The nerve of that man!! how dare him para sirain ang pangalan ng angkan ko!! dalhin niyo sa akin si Chief Gilbert Natividad, Jake! dahil ako mismo ang magpapaamin sa kanya!" galit na galit na wika ko!. Jake was here because he already knows kung sino ang kalaban ng pamilya ko at hindi ako makapaniwala na si Natividad ang ulo ng lahat. Naturingan pa naman na Head ng SOCO pero siya rin pala ang ulo ng mga pagpatay ng mga inosenting sibilyan ng Sto.Domingo para madumihan ang pangalan ni Papa. Ngayon ko lang na-realized na kaya pala mukhang may itinatago siyang galit sa akin dahil siya pala ang kalaban. Kung makapagsalita siya ay akala mo kung sinong magaling. Pwes nagkamali siya ng kinalaban. Kuyom na kuyom ang mga palad ko at saka napatiim. Ano kaya ang dahilan ng walang hiyang lalaking iyon para sirain niya kami?!
"Okay but we need back ups. Sino ba ang mapagkakatiwalaan natin sa batas?" wika ni Jake.
Napaisip ako. Si Chief Nick Alvarez na head ng NBI ang sumagi sa isip ko. As far as I know ay tapat sa trabaho si Alvarez. Marami na siyang natulungang kaso at sa katunayan ay sinaway pa niya si Natividad nang minsang nakipagkita ako sa kanila para sa kaso namin. Hindi ito madaya at idinadaan niya ang lahat ng krimen sa tamang proseso.
"Chief Nick Alvarez. He can help us Jake. Sa kanya tayo magpapa-back up. Kailangang panagutan ni Natividad ang lahat ng kasalanan niya at nang sa ganun ay mabigyan ng hustisya ang mga inosenting sibilyan na pinapatay niya dito sa lugar natin." wika ko.
"But are you sure?..Baka mamaya niyan ay magkakampi pala sila at pagkaisahan pa nila tayo. Anton, mahirap na ang magtiwala sa ngayon lalo na't ang Papa mo ang target nila. They know how rich you are kay siguro ganun na lang ang inggit nila sa Papa mo." wika ni Jake.
Humarap ako dito.
"Then have his background check. Basta pakiramdam ko ay mapagkakatiwalaan si Alvarez. Iyon na rin ang ipinagtataka ko Jake..bakit kailangang magalit si Natividad kay Papa?..Sa tingin ko kasi ay may mas malalim pang dahilan kung bakit galit siya kay Papa and I want to know that Jake. Kailangan kong malaman kung bakit niya ito ginagawa." wika ko.
"Alright..Manmanan ko si Natividad at nang sa ganun ay magiging malinis ang mga plano natin." wika nito.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na si Jake. Kinontak ko lahat ng taong maaaring makatulong sa akin. I also contacted my brothers for this matter. Saka ko na lang sasabihin kay Papa ang mga plano ko.
Hindi na muna ako nagpapakita kay Dennise. Kailangan ko munang makasigurado sa suspect namin. Kailangang pagbalik ko doon ay mapapatunayan ko na sa kanya na hindi si Papa ang pumatay sa Papa niya.
Lumipas ang mga araw na wala akong ibang ginawa kundi ang mag-manman at mag-asikaso sa kaso namin hanggang sa bumalik sa akin si Jake kasama si Alvarez.
"Everything is ready. We're waiting for your go signal." Wika ni Jake.
"Yes..eventhough hindi ako makapaniwala na si Natividad ang ulo ng mga krimeng nangyayari ay handa pa rin akong gawin ang nararapat. Meron na kaming witness." wika ni Alvarez. Napangiti ako. After all these years ay matutuldukan na rin ang lahat ng krimeng nangyayari sa Villa.
"Okay..gawin niyo ang nararapat at pagkatapos ay kailangan ko siyang makaharap. May kailangan lang akong linawin sa kanya. Maraming akong gustong itanong sa kanya." wika ko. Tumango si Alvarez.
"Inihanda ko na ang warrant of arrest ni Natividad pagkatapos ng ginagawa naming imbestigasyon sa kanya at inatasan ko na ang mga pulis na umaresto sa kanya at sa mga kasabwat nito. Magkita-kita na lang tayo sa korte Attorney." wika ni Alvarez. Tumango ako.
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay umalis na si Alvarez. Pinlano ko na ang lahat. Gusto kong makuha lahat ng ebidensiya laban kay Natividad at nang sa ganun ay mapapaniwala ko na si Dennise na walang kasalanan si Papa.
BINABASA MO ANG
One Desire
RomancePanganay sa limang magkakapatid..Simpling tao at may sariling prinsipyo sa buhay. Isa itong abogado at naninindigan para sa hustiya ng mga mahihirap. Dahil sa mga nangyayaring pagpatay ng mga inosenting trabahador sa Villa ay kinailangan niyang mag...