Chapter 18- Mine

6.9K 185 1
                                    

"Bakit mo ba ipinagkatiwala ang kayamanan mo at ang kayamanan ni Papa sa lalaking iyon Tiyo?!..For God's sake! hindi mapagkakatiwalaan si Anton! Napakatuso niya but then you still trust him?!" inis na wika ko sa Tiyuhin ko. Yes, nakabalik na ako sa puder nina Tiyo at Tiya dahil iyon ang gusto ko kapalit ng pangingialam ni Anton sa buhay ko hanggang sa tumino raw ako. Matino naman akong tao! I just don't want him to be part of my life!

Humigop ng kape si Tiyo at saka tumingin sa malayo. Hindi naman kami masyadong mayaman pero may mga lupain ang Tiyuhin ko at si Papa and since walang anak si Tiyo at Tiya ay alam ko ako ang tagapagmana nila. Sa akin mapupunta ang kayamanan nila. Hindi naman sa sakim ako sa pera ay kayamanan ng Tiyuhin pero ayoko namang mapunta iyon sa ibang tao dahil pinaghirapan nila iyon. Dugo't pawis ang ipinuhunan ni Papa at Tiyo sa lupaing iyon at mapupunta na lang basta-basta sa ibang tao?! Hindi ako makakapayag sa gusto ni Tiyo at ayokong kay Anton niya ipagkakatiwala iyon. Of all people ay kay Anton pa na walang ibang ginawa kundi ang pakialaman ang buhay ko!

"Kung hindi mo siya mapagkakatiwalaan hija then I don't care as long as I have trust him. Iba ang pagkakakilala ko sa kanya. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya higit kanino man Dennise. Alam kong may puso siya. Bakit ka ba nagagalit hija, diba boyfriend mo naman si Anton?" mahinahong wika ni Tiyo. Napatiim ako. Ano ba ang pinakain ni Anton sa Tiyuhin ko at ganun na lang ito katiwala sa kanya?! Anong klaseng panggagayuma ang ginawa niya para mapasunod niya si Tiyo?

"He's not my boyfriend!! Hindi mo alam kung ano ginawa ng lalaking iyon sa akin Tiyo kaya hindi natin siya mapagkakatiwalaan!..He's an asshole!" Galit na wika ko.

"Ngayon idi-deny mo na na hindi mo siya boyfriend. Hija, hindi lahat ng bagay ay nakukuha natin. Kailangan natin iyong paghirapan kaya gusto ko na bago mo makuha ang mana mo ay paghirapan mo muna iyon. Wag mong sirain si Anton sa akin dahil hindi siya ganung klaseng tao." wika ni Tiyo.

Nalaglag ang panga ko sa narinig.

Loyal kay Anton?!

Napapailing ako. Hindi pwede ito!

"Mas pinagkakatiwalaan niyo ang Anton na iyon na ibang tao kaysa sa akin na pamangkin niyo Tiyo?" nagtatampong wika ko. I really hate Anton! Una, pinatunayan niya na mali ang hinala ko na ang Papa niya ang pumatay sa Papa ko at ngayon na tapos na ang kasong iyon ay pakikialaman na naman niya ang mana ko!

Tumawa ng mahina si Tiyo na ikinainis ko ng husto. After all ay pagtatawanan lang pala ako ni Tiyo?!..Para ko ng ama si Tiyo Edwin. Simula nung mawala si Papa ay si Tiyo at Tiya na ang tumayong magulang para sa akin. They gave me what I want. Lahat ng gusto at luho ko ay binibigay nila basta't nakikita lang nila akong masaya sa ginagawa ko. They're good to me after all pero simula nang dumating si Anton sa buhay namin ay parang bumaliktad lahat. Ngayon ay gusto ni Tiyo na paghirapan ko muna ang mga bagay-bagay bago ko ito makuha. Nang dahil sa Anton na iyon ay nag-iba na ang lahat.

"My little princess, alam ko naguguluhan ka sa mga pinagagawa ko sayo. The point is, gusto kong magiging handa ka na bago mo makuha ang yaman mo. Hindi na kami bumabata ng Tiya mo and I want you to be ready. Hindi sa lahat ng panahon ay nandito kami para sayo. Si Anton lang ang tao na alam kong mapagkakatiwalaan at makakapagturo sayo kung paano palaguin ang lupa natin. Isa siyang hasyendero at alam niya kung paano niya palaguin ang kung anong meron tayo. Bakit hija? anong alam mo sa mga lupa natin? You're busy with your job being a secret agent kaya hindi mo naaatupag ang mga bagay na para talaga sayo." wika nito. Nanlalaki ang mga mata ko. So they know where and what's my job is?

He tapped my shoulder.

"Alam ko na hindi ka na nagtatrabaho bilang civil engineer hija. Lahat ng kilos at galaw mo ay alam ko kaso ayaw mong makinig sa akin dahil sa katigasan ng ulo mo. That's why ipinagkatiwala na kita kay Anton. Ipinagkatiwala kita sa kanya pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na namin mahal ng Tiya mo. Alam ko na nasa kamay ka ni Anton nung nawala ka ng isang buwan kaya hindi na kita ipinahanap pa because I trust him..because I know he can take care of you and I'm happy that you're back. Ibig sabihin lang nun ay tapos na ang misyon mo at tapos na rin ang trabaho mo bilang isang secret agent and that's because of Anton." wika nito. Napatiim ako lalo sa mga naririnig ko. Hindi ko alam na labis-labis na pala ang pagtitiwala ni Tiyo sa Anton na yun.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon