Chapter 1- Tutulungan

15.7K 270 4
                                    

"MARAMING salamat Attorney del Rio sa pagpanalo ng kaso ko. Kung hindi dahil sa inyo eh malamang nakakulong na ako ngayon sa kasalanang hindi ko naman ginawa." wika ni Mang Edwin. Napangiti ako. Katatapos lang ng hearing at nabigyan na ng hustisya ang kaso ni Mang Edwin at salamat sa Diyos na naipanalo ko ang kaso ng mag-asawa. Isa kasing magsasaka si Mang Edwin at napagbintangang ito na pumatay sa isang lalaki na anak ng mayaman na sinaksak sa mismong farm nito. Thanks for the investigation at naniniwala naman ako na hindi kayang gawin ni Mang Edwin ang ibinibintang ng pamilya ng biktima at dahil na rin sa masusing imbestigasyon ay nalaman na kung sino ang may pakana ng lahat at kasalukuyan na itong nakakulong sa Sto.Domingo Jail.

"Katungkulan ko po iyon Mang Edwin..masaya ho ako na nakatulong sa inyo." wika ko. Napangiti na lang ang mag-asawa at saka kinamayan ako.

"Gusto ka sana naming imbitahang kumain Attorney bilang pasasalamat sa pagpanalo mo sa kaso ko kung okay lang sa iyo." wika pa nito. Ngumiti ako.

"Naku Mang Edwin, nag-abala pa kayo..wag na ho.." wika ko.

"Pasasalamat namin ito sayo Attorney at sana wag mo kaming tanggihan ni Auring at saka ang pamangkin ko naman ang nagsabi na imbitahan kang kumain sa labas dahil magaling ka raw na abogado at saka gusto kang makita ng pamangkin ko..hindi kasi siya nakarating sa hearing kanina dahil may inaasikaso raw siya sa trabaho kaya ititreat na lang daw niya tayo.." wika ni Mang Edwin. Hindi na rin ako nakatanggi. Baka kasi magtampo pa ang mga ito sa akin. Tumango na lang ako.

"Oh sige po..kayo po ang bahala Mang Edwin." wika ko at ilang sandali pa ay umalis na kami ng korte at saka pumunta sa isang restaurant. Medyo mamahalin ang naturang restaurant. Pumasok na kami sa loob at saka naupo sa table na naka-reserved para sa amin nang mag-ring ang phone ni Aling Auring na asawa ni Mang Edwin habang inaaliw ko ang sarili sa pagbabasa ng iba pang papeles na naglalaman ng susunod na kasong naghihintay sa akin.

"Ay bata ka! nasaan ka na't nandito na kami..nakakahiya naman kay Attorney na paghintayin siya." rinig kong wika ni Aling Auring sa kausap sa telepono. Ilang sandali pa ay dumating ang waiter para sa order namin.

"Oh siya sige bye.." wika pa rin ni Aling Auring at saka ibinaba ang phone.

"Mag-order na raw tayo at hahabol raw siya..Attorney, mag-order ka lang ng kahit na anong gusto mo." wika nito.

"Sige po Aling Auring." wika ko at saka ibinalik sa loob ng attached case ang papeles at saka pumili ng pagkain at pagkatapos ay sinabi sa waiter ang gusto kong pagkain. Nagkwentuhan kami at ilang sandali pa ay dumating na ang order namin. We're about to eat nang may dumating na isang babae na humihingal at saka agad na kumaway nang mamataan ang dalawang matandang kasama ko.

"Tiyo! Tiya!..naku! pasensiya na talaga eh na-late ako ng konti..paano ba naman kasi may pinapatrabaho pa ang boss ko." wika nito at saka agad na humila ng upuan sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin

"Oh siya sige umorder ka na at ng makapagsimula na tayo..oh siya nga pala, ipapakilala ko sayo ang abogado namin ni Tiya mo na nagpanalo sa kaso ko." wika ni mang Edwin. Agad na dumako ang tingin ng babae sa akin. Medyo napaawang ang labi nito nang makita siya at nakarehistro sa mukha nito na parang gulat siyang makita ako.

"What?" I asked. Hindi ko kasi gusto ang paraan ng pagtitig nito sa akin na animo may malaki akong kasalanang nagawa. Ngumiti ito pero parang napilitan lang at saka inilahad ang kamay nito sa akin.

"Oh hi! I'm Dennise Claire Fajardo..nag-iisang pamangkin nila Tiyo Edwin at Tiya Auring." wika nito at saka pinakatitigan ako. Inabot ko ang kamay dito. Tumango lang ako ngunit hindi ko makuhang ngumiti sa babae. There's something in her eyes..deep and dark na para bang may nakatago doon. Attorney ako kaya malakas ang pakiramdam ko.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon