Epilogue: One Desire

12.3K 294 14
                                    

Natatakot na ako. Nandito kami ni Anton sa home for the aged pagkatapos niya akong kaladkarin palabas ng bar kung saan naka-engkwentro niya si Z. Galit na galit ito.

Ayaw na sana kaming papasukin ng tagapamahala ng Home for the aged na iyon pero nagpumilit si Anton na makausap si Nanay Amanda. Ilang sandali pa ay nasa harapan na namin si Nanay Amanda at nakangiti ito nang makita kami.

"Anak, siya na ba ang babaeng dadalhin mo sa altar?" tanong agad ni Nanay Amanda. Napakunot noo naman ako at saka napatingin kay Anton. Nagkausap na ba sila ni Nanay Amanda tungkol sa kasal namin? Pinagsasabi na ba niya sa mga tao na ikakasal na kami?!

Tumango si Anton.

"Opo Nay..Naalala niyo pa po ba siya?" wika ni Anton. Tinitigan ako ng matanda at saka pagkaraan ng ilang sandali ay tumulo ang mga luha nito. Nahabag naman ang kalooban ko.

"Gabrielle...Anak ko." wika nito. Napasinghap naman ako. Niyakap ko ito.

"Hindi po ako si Gabrielle Nay..Ako po si Dennise Claire Fajardo." wika ko.

"Alam ko..naaalala ko lang ang anak kong si Gabrielle. Kung nandito lang sana siya ay magiging masaya sana kaming dalawa." wika nito. Napatingin ako kay Anton.

Hindi pa rin ba niya nasabi kay Nanay Amanda ang totoong nangyari kay Gabrielle?

"Nay...nasa mabuting kalagayan na si Gabrielle ngayon..Ayaw niyang nalulungkot kayo." wika ko. Pinapagaan ko ang kalooban ng matanda dahil alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal sa buhay. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at saka tinitigan ako. Hinaplos niya ang buhok ko.

"Alam ko masaya na siya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mangulila sa kanya. Alam ko naman na malapit na kaming magsama ulit..Anton, wag mong saktan itong babaeng ito. Mahalin mo siya kagaya ng pagmamahal na ibinigay mo sa anak ko." wika nito. Napalunok naman ako. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Alam na pala niya ang totoong nangyari sa anak niya at alam kong napatawad na niya si Anton.

Napayakap ako dito at saka napahagolhol ako ng iyak. Ang bait ni Nanay Amanda. Natuto siyang magpatawad kahit mahirap. Bigla ay parang gusto kong magkaroon ulit ng ina na tulad ni Nanay Amanda.

"Nay, kaya po kami nandito ay para sabihin sa inyo na mahal ko po si Dennise at pakakasalan ko siya kahit saang simbahan ang gusto niya. Mahal na mahal ko po siya Nay at hindi ako papayag na mawala siya sa akin. Ayaw ko pong maulit ang nangyari sa amin ni Gabrielle kaya hiningi ko na po ang kamay niya sa mga taong nag-aruga at tumayo bilang mga magulang niya." wika ni Anton.

Napasinghap ako at saka nanlaki ang mga mata ko. Nanaginip ba ako o pinaglalaruan lang ako ng aking pandinig?

Napatitig ako dito at sinalubong naman nito ang mga titig ko. Hindi siya kumurap ng sabihin niya iyon at ang puso ko ay nag-uumapaw sa sobrang kaligayahan. Hindi ako makahinga dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko.

"Masaya ako para sayo Anton. Tama ang desisyon mo. Tama lang na hindi mo pakakawalan ang taong lubos mong minamahal." Wika ni Nanay Amanda.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaluha ako.

Totoo ba talaga ito?

"Dennise, mahal kita..You're the only one that I love pagkatapos ng lahat ng sakit na pinagdaanan ko nang mawala si Gabrielle sa buhay ko. I can't let you go because it means of killing myself. I need you in my life and nothing gonna stop me from loving you..I'll always be here for you and let's stick together like the stars and the sky..Please be my forever Dennise Claire Fajardo." seryosong wika ni Anton.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon