Chapter 7- Suspect?

6.6K 177 0
                                    

BILOG na bilog at maliwanag ang buwan kaya kitang-kita ko sa kinaroroonan ko ang hangganan ng Villa namin. Nandito na naman ako. Nagmamasid at nagbabasakali na babalik ang misteryosong babaeng iyon. Hindi ako mapakali hangga't hindi kami magkakaharap muli. Ang dami kong tanong sa isip ko. Ang dami kong gustong malaman. Sino ba siya? Gusto kong siyang makaharap para malaman ko kung kakampi ba siya o kalaban..pero pakiramdam ko ay mas nanaig iyong damdamin ko na isa siyang kalaban. Siya na nga kaya ang susi para ma-resolba ang mga kaso ng pagpatay sa hangganan ng Villa?..Babalik pa kaya siya?

Napatigil ako nang may marinig akong ingay na nagmumula sa di-kalayuan sa aking pinagkukublian. Bigla akong kinabahan at siniguradong hindi nila ako makikita. Inihanda ko ang bago kong armas na calibre 45 at saka nakikinig lang sa paligid. Ilang sandali pa ay may nakita akong dalawang nakaitim at armadong mga lalaki and oh wait! may hinihila silang isang tao.

"W-wag..m-m-m-maawa k-kayo..may pamilya pa ako." kitang-kita ko sa kinukublian ko ang pagmamakaawa ng lalaking hinila ng dalawang armado. Sapat na ang liwanag ng buwan para makita ko ang duguang lalaki. Napasinghap ako. Si Mang Kardo ang lalaking iyon!..isa sa mga trabahador namin. Bigla akong kinabahan.

"Tumigil ka!..kahit anong gawin mong pagmamakaawa sa amin ay hindi ka namin pakakawalan!." galit na wika nung isang armadong lalaki saka tinutukan ng baril si Mang Kardo. Taimtim akong nanalangin na sana ay hindi nila patayin ang trabahador namin. Umiiyak na si Mang Kardo. Pinagpapawisan na ako dahil sa nasaksihan ko. Wala akong ibang naisip kundi kunin ang phone ko at saka kinuhanan ng video ang nakita ko. This would be my evidence. Ilang sandali pa ay itinutok ko na ang ang phone ko sa kanila. Buti na lang maliwanag ang buwan kaya klaro yung pagkuha ko ng video.

"A-anong kailangan niyo sa akin?!" Nanginginig ang boses na wika ni Mang Kardo.

"Buhay mo ang kailangan namin para pataubin ang amo mong akala mo'y hari na sa buong Sto.Domingo." wika nung isang lalaki. Napakunot noo ako. Si Papa ba ang tinutukoy ng lalaking iyon? Napaiyak na si Mang Kardo.

"S-si Don Franko ba?" nanginginig na wika ng trabahador.

"Sino pa ba ang amo mong hayup ha?!..buhay namin ang kukunin mo dahil naging amo ko ang hayup na yun!" wika pa ng isang lalaki. Galit na galit ang mga ito base sa mga hitsura at pananalita ng mga ito.

"Wala akong kasalanan! bakit niyo ako idadamay sa galit niyo sa amo ko?!" sigaw na rin ni Mang Kardo. Nagkatawanan ang dalawang armadong lalaki.

"Eh yun ang utos sa amin ng boss namin eh..uubusin namin ang mga trabahador para ang amo mo ang mapagbibintangan na pumatay sa inyong lahat!.at pagkatapos nun, babagsak si Don Franko del Rio. Gagapang siya sa lupa!" wika ng isang lalaki at saka nagkatawanan ulit sila nung isa pang lalaki. Napasinghap ako sa narinig. Ganun na ba sila kagalit kay Papa?May atraso ba si Papa sa boss nila?!..Fuck! sino ang nag-utos sa mga salbaheng taong to?!sino?! Bigla akong nakaramdam ng galit dun sa taong gustong patumbahin si Papa. Hindi sila magtatagumpay. Sisiguraduhin kong ipapatumba ko sila!
Nagimbal ako nang bigla na lang nagpaputok ng baril ang isang lalaki at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko si Mang Kardo na nakahandusay sa lupa na duguan. Nagpaputok pa sila ng ilang beses pero hindi ko na kinaya. Inilabas ko ang aking baril at saka pinaputukan ko sila pero agad silang naka-alerto. Pinaputukan nila ako but then I hide. Alam ko, hindi ako magaling na shooter at hindi rin ako sanay na pumatay ng tao but I need to save Mang Kardo at saka isa pa ay mga kriminal ang mga taong nasa paligid ko ngayon. Sinisigurado ko lang na hindi nila ako matamaan. Kung hindi ako lalaban ay ako iyong malagay sa alanganin at posibling bawian pa ng buhay. Naglakas loob akong nakipagputukan sa kanila. Pero masyadong mabilis ang mga pangyayari.

"Pare tumakas na tayo! baka may mga pulis na darating! baka kakampi yan ng mga pulis!" rinig kong wika nung isang lalaki. Napatiim ako at saka sumilip pero ganun na lang ang panlulumo ko nang mabilis pa sa alas-kwatrong tumakas ang mga ito.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon